Chapter Twenty-eight

Start from the beginning
                                    

Tumingin ako kay Bullet. Nakatingin lang siya sa kalsada pero halatang may gusto siyang sabihin.

"What about him?" Tanong ko sa kanya.

"What if one day magkita kayo, babalik ka ba?"

Hindi ako agad nakasagot at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

"What if alam mo 'yon? Nagkita kayo then he would tell you that he still loves you and he is willing to leave his family for you. What are you going to do?"

Umiling lang ako. Ano nga ba ang gagawin ko?

"Hindi ko alam." Napayuko ako sa sagot ko.

Napabuntong-hininga si Bullet. Parang hindi nagustuhan ang narinig na sagot ko.

"Umm, alright." Napatawa siya ng pilit. "I know it's too soon to ask you that question. Sabagay he is the father of your child kaya alam kong mas matimbang pa rin talaga ang nararamdaman mo sa kanya. And he is good looking too. He got nice hair," parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Bullet.

Napakunot ang noo ko sa kanya. Ano ba itong mga sinasabi ni Bullet?

"Ganito. Kung halimbawa mayroong dumating na iba. I mean ibang tao na gusto ka and that person accepts everything about you. Your past, you, your child. That person is beginning to fall for you," napakamot siya ng ulo tapos ay napa-ehem siya na parang may bara sa lalamunan niya. "Would you give love another chance?" Bahagya pa siyang sumulyap sa akin.

Napahinga ako ng hangin at hinimas ko ang tiyan ko.

"All I care about right now is my child and how can we survive after this."

"Willing ko nga kayong alagaan." Bulalas ni Bullet.

Taka akong napatingin sa kanya. "Ano?" Anong sinasabi ng lalaking ito?

Parang natataranta din na tumingin sa akin si Bullet.

"What I meant was- um- I mean- kami ni mama," tumawa siya ng pilit sa akin. "Kami ni mama we are willing to take care of you and baby Hunter. You know my mom. You cannot say no to her." Umayos pa ng upo si Bullet.

Ngumiti ako ng mapakla.

"Hindi naman ako puwedeng habang panahon na nasa inyo. Alam mo naman na isang malaking kasinungalingan lang ito. Ginagamit ko lang si Hunter para sa anak ko at alam kong mali iyon. Mali itong ginagawa ko, Bullet. Nahihiya na ako sa'yo at kay Mrs. Acosta. Napakabait 'nyo sa akin. Sa amin ng anak at hindi na ako makakatagal pa na lokohin siya." Malungkot kong sagot sa kanya.

"Masaya siya na nandito ka at ginawa ka niyang parte na ng pamilya namin. My mom loves you, Amy. She loves you and your son, and I feel the same way too."

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

Nakita kong parang nabigla din si Bullet sa nasabi niya at napalunok siya pero nanatiling nakatingin sa kalsada.

"I-I feel the same way na masaya na dumating ka sa pamilya namin. That's what I meant." Ngumiti siya ng pilit sa akin at itinuon na lang ang sarili sa pagmamaneho.

Hindi na nagsalita pa si Bullet hanggang sa makarating kami sa bahay. Inalalayan lang niya akong makababa ng kotse hanggang sa makapasok kami sa bahay. Naabutan namin si Mrs. Acosta na nasa sala at nakatutok pa rin ang pansin sa hawak na cellphone. Muktang tinotoo ang sinabi niyang maghahanap siya ng chismis sa social media. Pero agad din na binitawan ang telepono ng makitang dumating kami.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now