Chapter Twenty-five

Start from the beginning
                                    

Alam kong sa akin nagpapaliwanag ang doctor kahit nakatingin siya sa maliit na monitor sa gilid niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa aparato na nasa loob ng katawan ni Charlotte. Hindi ko maintindihan kung ano ito. This is my first time to enter an OB clinic kaya sa totoo lang ay parang napapaso ako dito. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog. Parang mga tibok.

"There it goes," nakangiting sabi ng doctor at inaayos-ayos ang aparato para lang lalong lumakas ang pagtibok na naririnig ko.

"Look closer, Mr. Santos." Sabi ng doctor sa akin at iniharap sa akin ang monitor. "The tiny dot that you see is your baby. What you hear is the heartbeat." Hindi agad ako nakasagot at parang nawawala ako sa sarili ko na nakatingin sa monitor. Totoo ba 'to?

"A-are you sure about this? I have known in my lifetime that she is not capable of getting pregnant." Ayoko pa rin talagang maniwala sa nakikita ko at naririnig ko. Natawa ang doctor na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Well, other doctors can make wrong prognosis and that's what happened to her. Charlotte has been my client for so many years and we did some treatment that can help her get pregnant. Wala ng imposible sa technology ngayon. You will see your baby after eight months."

Napatingin ako sa gawi ni Charlotte at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Pero bakit wala akong maramdamang tuwa sa nalaman ko? Hindi ako excited kung buntis man si Charlotte. Wala akong maramdamang koneksyon. Hindi katulad noon ng sabihin sa akin ni Amy na buntis siya, pakiramdam ko ako na ang pinaka-suwerteng lalaki sa mundo. Nang ipakita niya sa akin ang pregnancy test kit, hindi man lang ako nagdalawang-isip at sigurado na ako noon na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Pero ngayon, I only felt emptiness.

Nakita kong inaayos na ni Charlotte ang sarili niya at nakaupo na sa kama habang tinatanggal naman ng doctor ang guwantes sa kamay.

"You need to continue drinking your vitamins and folic acid. Eat healthy food and avoid any stressful surroundings or situations because it may affect your pregnacy. You don't want to lose that baby, right?" Sabi pa ng doctor habang nagsusulat sa reseta niyang kaharap.

"I'll see you after a month." Pagtatapos ng doctor at iniabot ang piraso ng papel kay Charlotte.

Pareho kaming walang imikan habang palabas sa clinic ng doctor.

"Dr. Baltazar said that I need to be free from any stressful situations. Is it possible that I can't hear anything about that woman?" Kahit hindi nakatingin ay ramdam ko ang tigas ng tinig ni Charlotte. Tumingin ako sa kanya.

"What are you saying?" Bumukas ang elevator sa harap namin at pumasok kaming dalawa.

"I am saying that I don't want to hear anything about Amy. You stop searching for her, you stop everything that you're doing. I gave you what you wanted. I got pregnant."

Natawa ako at napasandal sa dingding ng elevator.

"You think you won because I got you pregnant?" Napailing-iling ako. "Alam mong hindi mabubuo 'yan kung hindi pa rin dahil kay Amy. Nothing changed, Charlotte. Kahit isang dosenang anak ang ibigay mo sa akin, si Amy pa rin ang pipiliin ko. Si Amy pa rin ang ina ng anak ko."

Naramdaman kong huminto ang elevator na sinasakyan namin at bumukas iyon kaya mabilis na akong lumabas.

-------------

Amy's POV

Ang yabang niya. Ang yabang-yabang niya. Nakakainis siya.

Hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha ko habang inaayos ko ang mga gamit na narito sa kuwarto para sa magiging anak ko. Sobrang napahiya ang pakiramdam ko sa sinabi sa akin ni Bullet na mukha akong butete. Alam ko naman na pangit na ako pero hindi na siguro dapat na ipagsigawan pa iyon sa mukha ko.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now