"Carlo, nag-usap na tayo 'di ba? We will drop that issue. Hindi papayag si Liv na ipahukay uli ang bangkay ng kapatid niya. Igalang natin ang desisyon ni Liv at igalang natin ang patay na. We need to move on."

Napahinga ako ng malalim.

"I don't know, Trav. I am sorry if I cannot just drop this issue. Iba talaga ang pakiramdam ko, eh. I can feel that she is alive and she is coming back."

"Alright. Sige. I'll give you a scenario. Let's say that Amy is alive and she really did come back. What are you going to do?" Seryosong-seryoso ang timbre ng boses ni Travis.

"I'll get her and we will runaway together just like our old plan."

"You think ganoon lang kadali iyon? Did you forget that you are married? Hindi lang sa bastang kung sinong babae. You are married to Charlotte Ling."

Hindi ako nakakibo at napailing lang ako. Inis kong hinampas ang kaharap kong manibela.

"Bro, lagi kong sinasabi iyo, move on. Amy is dead and she is not coming back."

Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko.

"Okay. See you soon." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Travis at pinatayan ko na rin siya ng telepono.

Move on? I can never do that. I opened my phone again and searched for the accident that took away Amy. Tapos ay nag-search din ako ng mga the best private investigators. Hindi ko na kailangang hintayin pa ang Jacob Ramirez na iyon. Lagi naman siyang walang time. I can find my own private investigator.

At isasampal ko sa kanilang lahat kapag bumalik na sa akin si Amy.

--------------------à>>>>>>

Amy's POV

Hindi mapatid-patid ang pag-iyak ko habang inaalala ko ang mga sinasabi ni Mrs. Acosta kanina. Sobrang liit ng mundo. Aakalain ko bang kilala pa niya ang nanay ni Carlo. Ang matandang iyon na akalang mabibili ang pagkatao ko. Gusto ko na silang kalimutan. Lumayo na ako para lang matakasan ang mapait na nakaraan namin ni Carlo pero bakit parang pilit siyang bumabalik? Naalala ko tuloy ang unang beses na nagkausap kami.

"Hindi mo ba napapansin na halos araw-araw na dito kumakain ang lalaking iyan?"

Kumunot ang noo ko sa kasamahan kong si Sheng dahil sa sinabi niya.

"Sino?"

Lumapit pa siya sa akin at inginuso sa akin ang isang lalaki na nakaupo sa isang sulok.

"'Yang lalaking iyan. Tanghalian o kaya minsan hapunan nandito 'yan. Hindi ba siya bulatihin kakakain ng sushi? Saka hindi ba siya maha-highblood kakain ng tempura?" Sabi pa nito.

Hindi ako sumagot at tiningnan ko ulit ang lalaking itinuro niya. Sabagay, may punto si Sheng. Pansin ko nga din na halos araw-araw namin customer ang lalaking ito. Minsan may mga kasama siyang lalaki pero madalas nga, mag-isa lang siya.

Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa lalaki. Ako naman ang supervisor dito kaya aalamin ko ang dahilan niya kung bakit siya pabalik-balik dito. Alam kong masarap ang pagkain na ino-offer ng restaurant namin pero siya lang ang nakita kong customer na araw-araw na bumabalik dito.

"Good morning, Sir." Ipinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti ng makalapit ako sa mesa ng lalaki. Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin. Hala! Bakit biglang kumabog ang dibdib ko? Araw-araw akong humaharap sa iba't-ibang tao at madalas nga mga CEO's at executive pa pero never akong nakaramdam ng ganito.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now