21- Tomby

134 4 4
                                    

SARAHTOT: Sarreeeh, matagal  akong nakapag-update. Ngingiti na lang ako, ano pa nga ba magagawa ko? *u*

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to! Tenkyooo~

-----------------------------------------------------------------------------------

21–  Tomby

 ^^^RIO’s POV

Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon.. nakasakay sa likod ng crush ko. Piggy-back ride lang ang peg? Sarap sa feeling na amoy na amoy mo ang shampoo niya, na ang lapit-lapit niyo sa isa’t-isa at higit sa lahat… kulang na lang maging bampira para kagatin na ang leeg niya!

Pero syempre, ilusyon lang ang lahat ng ‘yan. Isang malaking ilusyon!

Gusto ko ng maiyak. Biro lang! Pero masakit talaga ang tuhod ko.Hindi naman yung tipong kailangan ko ng maiyak sa sakit, OA na ‘yon. Pero kanina pa ako iika-ika, mahapdi nga kasi, at kanina pa kami naglalakad. Sa pagkaka-alala ko hindi naman ganito kalayo ang bahay ko. -__-

Pero hindi naman niya makikita ang pagdurusa ko. Nauuna kasi siyang maglakad eh! Hindi ba pwedeng hintayin ako? Hello~ Injured person over here! Shemay lang, kahit malaking gasgas lang ‘to sa tuhod, mahapdi nga talaga!

Gusto ko siyang batuhin ng bag! Ano pa ang saysay ng paghatid niya sa‘kin pauwi? Ang layo ng distansya namin, halos 5 meters nga oh! Gaganahan ka pa bang magpahatid sa kanya?

Of course! Crush na nga nag offer teh! Tatanggihan pa ba? Baliw lang ang tatanggi.

Kaya heto kami ngayon, naglalakad ng tahimik. Kruu.kruu.kruu.

Nakarating kami sa tapat ng bahay ko, I mean bahay namin ni Kian, ng hindi nag-uusap. Wala na, panis na ang laway ko!  Akala ko pa naman tuloy-tuloy na yung convo namin. Kinausap niya ako kaninang hapon sa org meeting at kani-kanina lang ay nakipagsigawan pa tungkol sa alcohol. Akalian niyo ‘yon, ang haba-haba ng binibitawan niyang sentences sa ‘kin kanina tapos ngayon bigla na lang tatahimik?

“Ced—“ biglang naputol ang sasabihin ko ng may bumusina na sasakyan na ikinagulat naming dalawa.

Napatingin ako sa likuran ko at mukhang mauubos ang dugo sa mukha ko. Ugh, bakit ngayon pa? Ba’t ngayon pa nila naisipang pumunta dito? Hindi ba pwedeng bukas na lang o sa makalawa?

Bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaki at isang babaeng sobrang lapad ng ngiti. Mukhang alam ko na kung anong iniisip niya. Tumakbo ang babae papunta sa’kin sabay yakap ng mahigipit na mahigpit.

“Rio baby, I so missed you!” sabay halik sa pisngi ko “Gumaganda lalo ang baby girl ko ah! Siguro dahil sa boyfriend mo noh? Siya na ba?” sabay nguso kay Cedric.

“Mommy! Ano ba, hindi ko siya boyfriend”

“Naku, wag mo na itago sa’kin. Okay lang talaga ako na magkaboyfriend ka!” tapos biglang lumapit kay Cedric sabay pisil ng magkabilang pisngi niya “Naku, ang gwapo-gwapo naman ng boyfriend ng anak ko. Dito ka na kumain ng dinner para makapagkwentuhan tayo.” Tango na lang ang naging tugon ng Cedric ko.

“Daddy! Pigilan niyo nga si mommy! Nakakahiya sa kaibigan ko oh!” panghihingi ko ng tulong sa ama kong nagpipigil ng tawa sa gilid ko. Si Cedric naman mukhang hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin.

“Misis kong nanggigigil sa mas bata pa sa akin, sa tingin mo hindi ako nagseselos?” pabirong tangong ni daddy kay mommy.

“Naku, mister ko” biglang lumapit siya kay daddy sabay pisil ng magkabilang pisngi niya “Ba’t ka naman magseselos? Ikaw lang ang gwapo sa paningin ko” sabay halik sa magkabilang pisngi niya.

Ugh, at yan ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong nandito silang dalawa. Ang tatanda na pero ang harot-harot pa rin.  Hindi naman sa kinahihiya ko sila, inaalala ko lang ang mga taong nasa paligid nila. Baka kasi hindi sila kumportable sa mga magulang ko lalo na’t sobrang ‘mushy’ ni mommy. Ang hilig-hilig sa physical contact. Kita niyo naman kanina, hindi pa nga sila magkakilala ni Cedric pero anong ginawa? Pinisil ang magkabilang pisngi at bineyby pa!

“Kian, pakiabot nga ng kanin” sabi ni daddy “at misis ko, marunong ng magsalin ng pagkain si Cedric para sa sarili niya” saway ni daddy kay mommy.

Paano ba naman kasi, kanina pa niya nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Cedric. Hindi ko nga alam kung papaano uubusin ni Cedric ‘yan. Umaapaw na kanin, lechong manok at pansit.

“Ako nga ang anak na lalaki pero iba naman ang inaasikaso” pagpaparinig ni Kian.

“Tseh! Ayoko ng mabantot na  anak. Alam kong hindi ka nanaman naligo ngayong araw na’to” biro ni mommy “Ewan ko ba, kung saan kayo nagmana ni Rio at nakakayanan niyong hindi maligo ng isang araw”

“MY!” sabay naming sigaw ni Kian.

“Asus, nahiya pa kayong dalawa” tapos tumingin siya sa direksyon ni Cedric “alam mo bang ang hirap paliguan ng dalawang ‘yan nung bata pa sila. Palaging nagtatago sa likod ng TV o kaya naman sa likod ng ref kapag maliligo na. Inaabot pa nga ng ilang oras bago mahanap ni yaya Beng ang dalawang yan”

At ito na nga ang katapusan ng aking buhay. Bow.

Wala na nga kaming nagawa ni Kian. Kahit anong pigil naming dalawa kay mommy sa pagsisiwalat ng mga nakakahiyang kwento ng buhay namin, hindi umepekto. Si daddy naman, walang ginawa kun’di ang magpigil ng tawa niya. Isipin niyo na lang ang sitwasyon ko nung kinuwento ni mommy ang unang araw ng pagdadalaga ko at kung papaano ako tinukso ni Kian sa harap ng crush ko nang may nakita silang pulang mapa sa likod ng skirt ko. Nagawa niyang ikwento ang  lahat-lahat kay Cedric sa isang hapunan lang. Mukhang mauubos ang dugo sa mukha ko.

“Sige, tumawa ka na at baka mautot ka pa sa kakapigil diyan” at aba nga naman, tumawa talaga! Hinampas ko nga braso niya. “Nakakainis ka naman eh!”

“Eh sino ba naman hindi matatawa?” sabi ni Cedric habang papalabas kami ng gate. Pagkatapos ng dinner nagpaalam na nga siyang umuwi.

“Wag mo kasi akong tawanan!”

“Hindi ko talaga ma-imagine na ikaw yung nasa litrato. Lalaking-lalaki ka talaga. Baka naman tibo ka talaga ha?”

Naningkit ang mga mata ko. “Hindi nga ako tomboy, okay? Bata pa ako nun, identity crisis lang yun kakasama ko sa asungot na si Kian.  Mahilig ako sa lalaki noh!”

Okay. Mali ata ang pagkasabi ko nun Bigla nanaman siyang tumawa. Tama bang tawanan ako? -.-

“I mean, lalaki ang mga type ko at hindi babae! Ano ba! Tawa ka ng tawa!”

“Eh nakatatawa nga” sumimangot na ako “Okay, eto na oh.. seryoso na mukha ko”

“Ay ewan ko sa’yo!” halata naman kasing nagpipigil ng tawa “umuwi ka na! Tsupi!” pinagtutulak ko siya. Para kaming mga timang dito sa gilid ng kalsada.

“Oo na! Oo na! Uuwi na!” sabay taas ng dalawang kamay na para bang ‘I surrender’

“Sige umuwi ka, gabi na baka gahasain ka pa ng mga bayura diyan sa daan”

“Okay” tapos naglakad na siya papalayo sa akin. Yun lang?! Kahit buh-bye o goodnight wala?!

Nung papasok na ako sa gate namin, bigla ko na lang siyang narinig na sumigaw ng “Tomby! Goodnight!”

Napatakbo ulit ako sa gilid ng kalsada sabay sigaw “TOMBY?!” shemay lungs, hindi ako tomboy!

Okay. Hindi romantic chorva ang nangyari sa gabing ito… ine-expect ko pa naman ang goodnight kiss sa cheeks ko. Naku, kahit nag-iimagine pa lang ako umiinit na pisngi ko! Ano pa kaya kung totoo na? Hahahaha.

Okay, pigilan ang sarili sa mahaharot na pag-iisip…may girlfriend ang tao -__-

Pero at least, nakasama ko crush ko *u*

*end of chappie*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm With Him (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon