02 - Butt & Balls

152 9 11
                                    

SARAHTOT: Ilang araw akong nawala... nagtago ako sa kabundukan. WAHAHAHA. Ang hirap humanap ng signal dun! Kahit anong pagtip-toe at pag-angat ng cellphone ko sa ere... WALA! Walang signal ang GLOBE! Masisiraan ako ng bait doon! TToTT

Anyway.. 2nd Chappie! VOTE and COMMENT .. kasi BEGGAR ako? hahaha

HI LIAN! Nagstalk ako sa Watty profile muuu... at dahil lab na lab ko ang SECRETLY ON... Dedicated to sayo! (*^▽^*)

-----------------------------------------------------

02 - Butt & Balls

^^^RIO’s POV

10PM na... andito parin sila sa kwarto ko >.<

*sniff*sniff*sniff*

“NYETA. Bat ba ambaho dito? Anong amoy ba yan? Hindi ko madescribe. AMBAHO!” –Sabi ni Pau habang inaamoy yung paligid

(O_O) He? He? He? Napansin ni Pau?

“OIE  LIZZY! Naligo ka ba bago tayo pumunta dito?!” –Pau

Akala ko di na niya mapapansin. Please lang, wag naman sana...

“Pinagbibintangan mo akong mabaho? AKO? MABAHO?” Sabay turo ni Lizzy sa sarili niya

“Sweety, there must be some kind of mistake with your nose. Iparetoke mo nga yan!” Habang nakapamewang niyang sabi

*sniff*sniff*sniff*

SHEMAAY. Pati ba naman si Lizzy? Lizzeeh! Wag ka na makisali kay Pau! Masisira lang yang ilong mo kakaamoy ng hindi dapat inaamoy! ToT

“But now that you’ve mentioned it, mayroon ngang  nangangamoy” –Lizzy habang sinasabayan si Pau na inaamoy ang bawat sulok ng kwarto ko

Wala na... dedo na talaga ako. Papagalitan nanaman ako nito. Gusto ko ng tumakbo palabas ng kwarto. AYOKO NA DITO...

Ayan na.. Ayan na.. Papalapit na ang dalwa na para bang mga asong may tine-trace na bomba. SHEMAY lang oh, WAG KAYO LUMAPIT PLEASE!

*sniff*sniff*sniff*

Isang hakbang ni Lizzy at Pau papunta sa direksyon ko...

Isang hakbang ko papalayo sa kanila...

 *sniff*sniff*sniff*

Isang hakbang papunta sa akin...

Isang hakbang papalayo sa kanila...

*sniff*sniff*sniff*

Isang hakbang papunta sa akin...

Isang hakbang papalayo sa kanila...

*sniff*sniff*sniff*

“RIIOOO!!! HINDI KA NANAMAN NALIGO?!” –Pau

“BUMALIK KA NANAMAN SA DATI MONG GAWI? ILANG ARAW NA??” –Lizzy

o(>o<)o Wala na! DEDO na talaga ako!

“hehehe” Yan na lang ang nasabi ko. Alangan naman sabihin kong 3 days na akong hindi nakakaligo? Sorry, sobrang busy lang sa paghahanap nung taong ayaw naman magpakita sa FACEBOOK.

^___^ Ngumiti na lang ako. Sana naman madala tong dalawang to sa pagpapacute.

“Kayo naman, hindi naman ganun kabaho” Sabay amoy ko sa kili-kili ko at damit ko. Pweeh! Ambaho ko nga. (=__=)

“Oh, hindi naman talaga” pagsisinungaling ko.

“RIO JANE VERGARAAAA!” Sabay sigaw ni Pau at Lizzy habang nakapamewang.

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now