07.2 - Asungot On The Loose

110 8 9
                                    

SARAHTOT: Dedicated kay TheMonsterRAWR dahil sa inaabangan ko ang "My Bestfriend is a T-BOY" UD! UD! UD! Deh, biro lang... SUPPORT! SUPPORT! Henry-Amber na ang tambalan eeehh!  \(*o*)/

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to!

-----------------------------------------------------------------------------------

07.2 – Asungot On The Loose

 ^^^RIO’s POV

*Gruuuuuuuu~*

-___-

Kakainis na ASUNGOT yan! GUTOM ako!

Kung di lang talaga dumating yun.....nakain ko sana yung binili ko at nakasabay ko pa sana maglunch si Cedric my CRUSH my LABS!

Ubos na rin pera ko... inubos ko kaninang lunch pero di ko man lang nakain yung pinamili ko (_._)

WAAAAAAAAAAAAAAAH! TT^TT

*poke*poke*poke*

Tiningnan ko sino nanaman yung sundot ng sundot sa tagiliran ko.

Psh. Si ASUNGOT nanaman. Kailan ba niya ako lulubayan? -___-

Pero nakakatawa lang mukha niya ngayon. Pano ba naman... may nakasalampak na cotton balls sa butas ng ilong niya. Take note, hindi lang isa pero yung dalawang butas. Hahahaha.

Pero syempre, kahit na gusto kong tumawa... poker face parin. Baka sabihin niyang enjoy na enjoy ako na katabi siya. Pweh!

“Hey babe” okay, di na pala ako natutuwa sa kanya

“Asungot -___- ”

“Ang sweet talaga pakinggan ng endearment mo sa akin ^__^ ” psh, endearment mo mukha mo!

“Baliw”

“Sa ‘yo” Tss. Luma na yang pick-up line yan

“Walang kwenta kausap, bat ka ba nandito?” Buti na lang wala pa prof namin ngayon

“Eto oh” Sabay abot niya ng supot

“Ano to?” obviously Rio, supot yan!

“Lunch mo oh” tempting...

“Suhol ba to? -__- ”

“Kanin at ulam”  Psh. Wala talagang kwenta kausap. Pilosopotasyo.

“Ayoko may lason yan”

*Gruuuuuuuu~* Napaka-insensitive naman ng tiyan ko. Di ba pwedeng shattap muna siya? Mapaphiya ako dito kay asungot eh.

Tiningnan ko si ASUNGOT na kasalukuyang ang lapad ng ngiti. Nakakaloko mukha niya.

“Sige na babe, alis na ako ha baka nahihiya kang kumain” and i heard him chuckle tapos umalis na siya.

Buti naman umalis na. Tiningnan ko lang yung supot na nasa harap ko...

.....

.....

.....

.....

*Gruuuuuuuu~*

Sige na nga. Kakainin na kita, baka mamaya ako pa ang mamatay sa gutom. Tiningnan ko kung ano yung binili niya and WOAH! Paborito ko! Cream Dory! ^___^

Susubo na sana ako ng biglang...

“BABE! Nagustuhan mo?” nagsalita yung TAE, este tao sa likod ko.

UGH!!! NAKAKAINIS NA HAAA!

Tumayo ako at tiningnan siya from head to foot...

*PLOK!*

Tinapon ko lang naman yung kutsara sa kanya at sapul na sa noo niya tumama.

 ^^^CEDRIC’s POV

Kakaiba talaga yung si RIO...

VIOLATOR na nga, mukhang PG pa, ngayon naman AMAZONA na.

Tss. Pero bat nga ba iniisip ko yung babaeng yun? -___-

Buti pa dito sa garden ng university, tahimik....

“RIO BAAABES!!!”

Hindi pala -__-

Nakita ko si Rio, mukhang ang dilim ng aura at naglalakad ng mabilis papalayo dun sa... sino nga ba yang lalaking yan? B-boy na lang. BABES-boy kasi panay tawag ng BABES kay Rio.

Huminto si Rio, may pinulot at biglang hinagis kay B-boy.

*PLOK!*

Woah?! Mukhang masakit yun ah. Sa ulo pa talaga tumama yung bato.

“ARAY BABE! Bat mo naman ako binato?!” Habang hawak ang kanyang ulo.

“Bagay yan sayo! Wag mo nga akong sundan!”

“Babe! Hindi pwede!”

“At bakit hindi pwede?!”

“Baka makidnap ka at di ka na ibalik sa’kin!”

“Kidnap mo mukha mo! Asungot!”

Tapos tumakbo na si Rio, sunod naman si B-boy.

Ano bang meron dun sa dalawang yun? Tss. Isa lang ang alam ko. MAINGAY sila. -___-

 ^^^RIO’s POV

Kakainis talaga yung ASUNGOT na yun! Bat ba BANTAY-SARADO siya sa ‘kin?! Kaya ko naman sarili ko ah!  Buti na lang hindi niya ako nahanap. *evil laugh*

*sniff*sniff*sniff*

Ang bango naman...

-(*Q*)-

WOAH. Naglalaway na ako.

Wala akong pera TT^TT

Sa lahat ba naman ng lugar kung san pwede mapadpad... bat dito pa sa bakery?!

 *Gruuuuuuuu~*

Sayang yung cream dory kanina eh, kung di lang sumulpot si Kian, este ASUNGOT... edi sana nakakain na ako.

Hindi pa ako pwede umuwi, may klase pa ako mamaya... 30 minutes na lang bago mag simula yung next class, uuwi pa ba ako? -___-

*Gruuuuuuuu~*

“Tiyan ko, shattap ka muna ha. Mamaya ka na magmaktol.. konting tiis na lang. Tatapusin ko lang yung subject na yun” Sige, ako na yung baliw kinakausap ang sarili... dala lang yan ng gutom (_ _)

Ansarap talaga nilang tingnan. Pwede makihingi na lang ako sa tindera?! Tss. Hindi naman rin ako bibigyan nun. Asa!

BREAD! BREAD! BREAD! BREAD! TT^TT

“Haaaay. Eh kasi naman, naubos na pera ko” mahina kong sambit habang nagtutwinkle parin mga mata ko sa harap nung display sa bakery.

*Gruuuuuuuu~* TT^TT

“Libre kita, pili ka na diyan” Bigla akong napalingon sa kabuteng nagsalita

O__O

WAAAAAH! ANO GINAGAWA NIYA DITO!?

*end of chappie*

I'm With Him (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant