08- Date?

98 6 7
                                    

SARAHTOT:  Hi SHARA! *kaway*kaway* Woooah! ilipat lang yung H sa huli same na tayo ng name! Solomot sa bonggang-bonggang votes! Hohohoho! 

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to!

-----------------------------------------------------------------------------------

08– Date?

*(^O^)* <- Sa magical world of imagination ni Rio siya’y nagdidiwang at nagtitili

(^u^) <- pero sa mundong ibabaw, siya’y nakangiti lang

^^^RIO’s POV

*KKSSSHHHHHHHHHH*

(Tunog yan ng super lakas na buhos ng ulan! Wag ng umepal. Baka naman gusto niyo per drop ng ulan ang maging sound epeks? Alangan namang *drip*drop*drip*drop*?? Muwahahaha. Okay, tama na.)’

Heehee. DATE ba to?

Diba sabi nila pag magkasamang kumain sa labas yung dalawang tao eh DATE na yun? Ayiiiiii. Kahit ako lang ang nakakaalam sa aming dalawa na date to, ayos lang! Wooooh! pwet ko pinagpapawisan ka na sa kiliiiig oh. Hohoho

Buti na lang biglang umulan at na stranded na kami dito sa bakery! (*u*)

Pero absent ako sa klase ko dahil ang lakas ng ulan... O ano? Patatakbuhin niyo ako papuntang school? Tss. Edi basang sisiw ako kung ganun man (_ _’)

Pero look on the brightEST side! BRIGTHEST talaga! Sabay kong nagmemeryenda dito si Cedric my CRUSH my LABS! And OO, si Cedric nga ! Ooh. Concentrate muna ako dito sa kaharap ko haa, tama na yung explanation ko ^__^

Kakagigil naman tong nilalang na nasa harap ko! Hihihi. Isipin ko na lang na siya tong bread na kinakain ko. WAAAAH Cedric pakagat sayo! *evil laugh*

*nom*nom*nom* Sarap naman nitong Cedirc bread, este Spanish bread

 ^^^CEDRIC’s POV

Okaaay. Ano tong ginagawa ko?

Hindi ko naman gawaing manlibre sa iba, lalo na sa babae. Pero nung nakita ko tong si Rio na para bang takam na takam na nakatitin sa mga nakdisplay na bread, marinig ang pagmamaktol niya at pagtunog ng tiyan niya.. automatic na lang lumabas sa bibig kong ‘Libre kita, pili ka na diyan’ -__-

Lakas pa ng buhos ng ulan, tuloy stranded kami dito. Haaay.

Napatingin ako kay Rio. Gutom talaga toh ah... nakaka-limang piraso na siya ng Spanish bread. Tss. Tuloy, nagmumukhang PG tong isang toh

“Waaaah Cedric *nom*nom*nom* shalamath *nom*nom*nom* dito ah” -Rio

Hyper nang isang to ah... Tss. Hindi ba niya alam yung don’t-talk-when-your-mouth-is-full?

Tumango na lang ako.

“Cedric Cedric Cedric Cedric Cedric Cedric ^___^” –Rio sabay subo sa bibig niya ng Spanish bread      

“O? -__- “ kailangan bang ulit-ulitin pangalan ko?

“Cedric gushtoo *nom*nom*nom* mo neto?” sabay abot nung kinagatan niyan Spanish bread

“Ayoko “ kinagatan na niya yan noh -__-

“Eh Cedric hindi ka ba nagugutom?”

“Hindi”

“Eh Cedric bat mo naman ako nilibre?”

“wala kang pera”

“Waaah! Cedric pano mo nalaman?

“Narinig kita”

“Huh? Cedric saan? Kailan?”

“Sa labas kanina”

“Eh Cedric—“ ang kulit naman nito, daming tanongl Sana di ko na lang to nilibre.

“Ano? -__-”

“Wala lang” tss. Tatawagin ako wala lang naman pala

“.....”

“Eh Cedric... “ ano nanaman kaya?

May kinuha siyang paper bag tapos sabay abot sa akin “thank you nga pala ^__^“

Tiningnan ko yung laman at nakita ko yung jacket na pinahiram ko kahapon dahil sa wala siyang suot na b- br— aish. bakit ko nga ba kinukwento?

****

“Cedric?”

“O? -__-“

“Oie Cedric”

“O? -__-“

“Ceeeddrrriiic~”

“O? -__-“

“Kanina pa tayo naglalakad, ako lang yung nagsasalita..blah blah blah”

Oo, naglalakad kami ngayon. Nagprisinta na akong ihatid siya sa bahay niya total malapit lang naman daw. Mga 7pm na kasi nung tumila na ang ulan. Kargo de konsensya ko pa kung mapahamak siya sa daan.

At para sa kanya, malapit lang tong 20 minutes na kaming naglalakad? Mabagal lang ba talaga kaming maglakad o iba lang talaga ang definition niya sa malapit? -__-

“CEDRIC!” Kung makasigaw naman tong isa... tss. Hayaan na lang.

“CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC!”

“O?” Asar kong tanong.

“Hehehe. Dito na ako oh” Sabay turo doon sa bahay na may kulay brown na gate

 ^^^RIO’s POV

Heehee. Date nga to eh! Date nga! Date nga! Kasi nilibre niya ako ng pagkain tapos sabay kaming kumain sa labas... sa labas ng school!  Tapos ngayon hatid pa niya ako sa bahay! Waaaah! Date ito! Date ito! Date ito! Date ito! Hohoho

“CEDRIC!” HOLO! Di ako pinansin? Baka naman di ako narinig. Hehe

“CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC! CEDRIC!” o may tono pa yan haa. Pakanta ko pa yang sinabi

“O?” –Cedric

Woah! Mukhang asar? Sige lang, gwapong masungit naman! (*u*)

“Hehehe. Dito na ako oh” Sabay turo ko sa bahay KO. BAHAY KO kasi ako lang nakatira.. ay tama pala, kasama si yaya Beng!

Lumapit siya...

“Sige una na---“

WAAAAAAAAAAH!

Hinila ko kamay niya “CEDRIC DALI! DITO TAYO!”

Tapos dali dali kong binuksan ang gate at pumasok kami. Nasa may front  door na kami ng bahay kung saan may nasisilungan.

Pano ba naman kasi biglang bumuhos ang ulan. As in SUPER LAKAS! BIGLAAN!

“Oh my Cedric basa ka na! Dito ka muna! Hintayin mo na lang tumila yung ulan bago ka umuwi ha”

“okay”

WOOOW. isang sentence at ilang words yung na-construct ko tapos isang word lang ang i-re-reply? -__-

Sige lang, gwapo naman kahit masungit! hahaha

Pero look on the BRIGHTEST side! Nandito siya sa bahay... meaning dito siya magdi-dinner! Sabay kami mag dinner! So dinner date ang tawag dun?! Hohoho. Ang landeeee lang (*u*)

Wala namang masama kong isipin kong DATE to diba kahit ako lang ang nag-iisip na date nga toh? Hahaha

“Cedric tara! Pasok na tayo” pagyaya ko sa kanya.

Tumango lang din siya tapos binuksan ko yung pinto.

O__O

“BAAAABE! You’re home!”

%$@sh#%s#^&h*%ty^&*$%!!!!!!!!!!

“ANO GINAGAWA MO DITOOOOO?!”

*end of chappie*

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now