13 - Good Morning!

122 5 5
                                    

SARAHTOT: *kaway*kaway* HAAALOOOOUUUU! *u*

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to! Tenkyooo~

-----------------------------------------------------------------------------------

13 – Good Morning!

 ^^^RIO’s POV

*kring*kring*kring*kri---*

Nakapikit pa akong inabot at pinatay ang alarm clock kong nasa side table. Tiningnan ko naman ang orasan... 6:00 am na pala.

Napahikab ako at umupo sa aking kama habang inaalala ang mga nangyari kagabi at hindi ko rin naman naiwasang mapangiti. Sobrang kinikilig ako eh. >.<

Gusto ninyong malaman kung anong nangyari kagabi? Well, ayoko ngang ikwento!  Gusto ko ako lang ang may alam para ako lang ang kiligin, selfish kasi ako eh. Wala na kayong magagawa *insert evil laugh*

Deh, biro lang... eto na nga oh, baka masapok niyo pa ako -__-

**FLASHBACK**

Hohoho~ Kami lang ng Cedric KO ang nandito sa loob ng sasakyan niya at ambango lang ha. Ang sasakyan ba o si Cedric ang mabango? O baka naman both? BOTH!

Nandoon sa kabilang sasakyan ang mga kaibigan kong iba na ang iniisip sa akin dahil lang sa pag-presyo ko. Kung makapaglaro sila, parang yung gameshow lang na 'The Price Is Right' Tsk, wala naman akong ginawang masama diba? Diba? Gusto ko lang namang makisakay sa trip nila. Napasama pa ata ako -__-++

Mukhang close na ata silang apat eh, nakakainggit naman. Gusto ko rin na close kami ng Cedric KO kaya lang mukhang mapapanis ang mga laway namin ngayon. Walang nagsasalita ni isa man sa amin. Anubey  >.<

Pero dahil sadyang nagiging AGGRESSIVE ako pag si Cedric na ang pinag-uusapan....

Hoy wag berde! Ibang aggressive ang tinutukoy ko. Anong word nga ba dapat ang gamitin? Matapang? Yes, mas magandang gamitin ang matapang.

Nagiging matapang ako. Nagkakaroon ng lakas ng loob na makipag-usap at mag simula ng isang conversation na hindi ko naman talaga gawain. Ako yung tipong kung hindi mo kakausapin, hindi rin kita kakausapin. Bahala na mapanis ang laway ko basta hindi ako ang unang makikipag-usap. Mahiyain ako, I think? Pero, ibang usapan si Cedric kaya...

“Ced, saan tayo papunta?” Tanong ko sa kanya habang siya ay nagmamaneho.

“Hindi ko alam” –siya habang nakatuon parin ang mga mata sa daan.

“Huh? Nagdadrive ka pero walang patutunguhan?” ano ba naman tong si Cedric, pano kung mawala kami? Pero mas maganda na ring mawala na kami lang ang magkasama! Tama, mas maganda nga yun! Masosolo ko si Cedric sa kagubatan. Ay! Ano ba yan? Bat napunta sa kagubatan eh sa daan lang naman kami mawawala. >.<

“Tawagan mo sila” sabi niya kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Tinawagan ko sina Pau-Pau at Lizzy pero ito lang ang narinig ko: The subscriber cannot be reached. Please try again later.

“Ced, hindi sila macontact eh”

“Sina Hal at Seth na lang, eto oh” sabay abot ng kanyang cellphone pero ganun rin, cannot be reached! Pano na toh?

“Ced, hindi rin macontact” tapos tumango na lang siya.

Hininto na lang ni Cedric ang kanyang sasakyan sa gilid. Natahimik kami bigla. Kinabahan naman ako sa di malamang dahilan. Baka naman dahil nilalamig na ako? Malakas ang aircon eh, hindi ko lang magawang magreklamo. Pero anong konek ng kinakabahan at nilalamig? -__-

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now