14 - Bugaw

116 4 4
  • Dedicated to Jessica Concha
                                    

SARAHTOT: Dedicated sa isa sa pinakaFAVORITE kong writer.. Jessica Concha! *u*

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to! Tenkyooo~

-----------------------------------------------------------------------------------

14 – Bugaw

 ^^^RIO’s POV

“Babes! Kain na oh, ako nagprepare niyan” sabay lapag ng pagkain sa harap ko. Nasa dining area nga pala kami ngayon at sa kasamaang palad, kaharap ko ngayon si Kian -__-

Imprubing na oh, wala ng ASUNGOT na nakabuntot sa pangalan niya. Siguro kung nababasa lang ni Kian ang iniisip ko, baka... wag na, ayakong malaman kung ano man ang maging reaksyon niyan. Baka bangungutin lang tayong lahat, mahirap na.

“Wow ASUNGOT, mukhang pinaghirapan ah” sarcastic kong pagkasabi.

“Syempre naman, pinaghirapan talaga yan” pagmamalaki nanaman ni Kian. Pinaghirapan? Talaga lang huh?

*PLOK*

“Aray babes! Bat mo binato sa’kin ang kutsara?” habang himas-himas ang kanyang noo. Hahaha. Palaging sapul sa noo niya! Magaling talaga ako pag siya na ang target ko! *u*

“OA mo ha” sabi ko tapos nagsimula na ring kumain, gutom eh.

Alam kong hindi masakit yung kutsarng binato ko sa kanya dahil PLASTIC spoon lang yun! Plastic spoon na LIBRE sa PINADELIVER niyang breakfast meal mula sa Mcdo. Ito ba ang pinaghirapan niyang gawin? Baka pinaghirapang magdial at tumawag para magpadeliver.

“Babes?” habang titig na titig sa akin.

“Isa pang babes at makikita mo talaga ang hinahanap mo” sabay pakita ng kamao ko sa kanya.

“Di ko naman kailangan pang hanapin, nasa harap ko na eh”

O/////////O

JOKE! Hindi ako nagBLUSH noh! Tsk. Akala niyo naman magba-blush ako sa mga banat niyang si Kian?? Ako magba-blush? ASA!  at ang luma kaya ng banat niya -__-

“Layas ka dito” Asar nitong isang ‘to ha, ang aga-aga pa.

“Hep hep hep! Hindi pwede, LEGAL ang pagtira ko dito! Tayong dalawa ang may-ari ng bahay na ‘to!” tapos ngumiti ng nakakaloko sabay subo nung pancake.

Pwede ko na bang sakalin siya, dukutin ang dalawang mata niya, istapler ang bibig niya, lagyan ng cork stopper ang dalawang butas ng ilong niya, tirisin siya ng pinung-pino at kung anu-ano pang pwedeng gawin sa kanya? Haay. Kung pwede ko nga lang gawin yun, pero hindi. -__-

Kung nagtataka kayo kung bakit ako asar na asar sa isang sweet at mapagmahal na Kian, isa lang ang masasabi ko... hindi siya ang taong inaakala niyo! Sweet at mapagmahal? Heh! Sinong niloloko niyo?

Gusto niyo ng katibayan? Wag kayong kukurap, tingnan—este basahin niyo ang mga susunod na mangyayari.

“Hoy ASUNGOT, ba’t ba babes ang tawag mo sa‘kin?”

“Tinatanong pa ba yun? Babes = BABOY! Masiba ka kasing bata ka” See? Hindi man lang nagdalawang isip ng sinabi niya yun. At ngayong alam niyo na kung bakit babes tawag niya? Sweet pa ba? -__-

“Ah! Nga pala, may binili ako para sa’yo babes” tapos tumayo siya at may kinuha sa loob ng ref at sabay lagay nung kinuha niya sa harapan ko.

“Ano nanaman ‘to?” sabay turo ko dun sa garapong may almang beans na nilagay niya sa harapan ko

“Wow, ganda talaga pag pinagtabi kayo niyan” sabay turo niya sa garapong may laman na beans “Nagiging masarap na ulam!”

“Ha? Ulam?” abnoy na talaga ‘tong kasama ko. Ano naman kung pinagtabi kami ng beans? May mangyayari bang magic?

“Oo! Nagiging masarap na ulam... PORK and BEANS!” sabay tawa ng malakas.

“Ano?!” PORK and BEANS?! Niloloko ba ako nitong Kian na ‘to?! >.<

“Tsk. Ang bigat mo kasi, kaya ‘di ka makaride!” tapos pa ngiti-ngiti lang siya sabay kindat sa akin. UGH! Pwede ba?! Nakakainis na yang baboy jokes niya! Hindi naman nakakatawa!

Ngayon, sweet pa ba at mapagmahal si Kian sa paningin niyo? Nasisiyahan lang naman yan kapag inaasar ako. Malambing lang yan sa’kin kasi alam niyang mas lalo akong naasar kapag ganun ang pinapakita niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito yang asungot sa bahay ko... sisihin niyo si mommy!

**FLASHBACK**

“Mom naman eh, hindi ko kayang mag-alaga ng aso dito sa bahay ko!” pagmamaktol ko sa harap ng napakaganda kong ina.

“Kaninong aso ba ang tinutukoy mo babes? Ako lang naman ang titira dito eh, wala akong kasamang aso—teka nga! AKO ba ang asong tinutukoy mo!? sabay takip sa bibig niya na tila ba nag-a-acting na sobrang gulat na gulat siya. Buti naman at na-gets na niya! -__-

“Ikaw? Hindi aso!? Eh kung makangiti ka para kang ASONG ULOL!” sabay tingin sa kanya ng masama.

“Sige na Rio anak, pumayag ka na... Hindi ko na kasi matagalan ang ingay niyan sa bahay eh! Masisira ang tenga namin ng daddy mo! Maawa ka naman sa’min Rio, at least diba... makakapag-bonding na rin kayo *pout* ” at nagpacute pa ang mommy ko ha! Hindi yan tatalab sa’kin!

“Eh di palayasin niyo na lang yan! Bahala na siya, maghanap ng matutuluyan niya. Tutal naman, malaki na siya!”

“Rio naman, matitiis mo ba ang kapatid mo na sa kalye matutulog?”

“Oo -__- “ ang walang pag-alinglangang sagot ko.

** END OF FLASHBACK**

At kahit anong pagtutol ko sa pagtira ng kapatid ko sa bahay na ‘to, wala pa rin akong nagawa.

At OO, kapatid ko si Kian! Kahit anong gawin ko at kahit anong pagbaliktad ko sa mundo, hindi maitatanggi na siya ay aking kakambal... FRATERNAL twins kaya hindi kami magkamukha. Mas matanda siya kesa sa akin ng ilang minuto pero hindi ko magawang tawagin siyang ‘kuya’.

“BABES! BABES! BABES!” sabay snap ng fingers niya sa harap ng mukha ko

“Ano nanaman ba!?”

“Wala lang, gwapo ako” sabay kindat. Kung sundutin ko na lang kaya yang mga mata niya, tingnan lang natin kung makakakindat pa yan!

Haaay. Hindi na lang ako aangal. Pag sinabi kong pangit siya, para ko na ring sinabing pangit ako. Iisang nanay at tatay lang ang bumuo sa’min kaya kailangan sabihing maganda ang lahi namin. -__-

Kailangan kong maghanap ng paraan para madistract siya at tantanan na ako... hmmm, paano nga ba?

*TING!*

Dapat ihanap ko na ‘to ng lablayp para naman maging busy siya! Wow Rio! You’re so smart! *u*

Simula bukas, ibuBUGAW ko si Kian sa school! *evil laugh*

*end of chappie*

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now