I'm With Him Introduction

482 17 14
                                    

BILIS! Basahin niyo muna tong Author's Note!

SARAHTOT: Gusto ko lang namang i-try kung kaya ng bilbil powers kong gumawa ng ROM-COM. Kung may magkagusto neto, saka ko lang itutuloy. COMMENT KAYO, VOTE KUNG okay sa inyo. Kahit konti lang ang magkagusto at magparamdam na gusto niyong ipagpatuloy to, enough na yun para i-post ko yung naisipang chapter 1 ko. LELS.

Oh ayan. BEGGAR MODE ako. HAHAHA

Dedicated sa isa sa mga peyborit kong author sa wattpad! *kaway-kaway*

heehee. Salamat din at siya ang nag-enlighten sa akin kung pano magdownload ng watty stories on mobile! 

------------------------------------------------------------------

MARAMI ng dumaang LALAKI sa akin..

Marami na nga pero..

HINDI ko parin nakikita yung HINAHANAP ko..

Nasabi ko na bang marami ng dumaang lalaki sa akin?

HOY! Wag kayong mag-isip na MALANDI at PLAYGIRL ako ha!

Oo.. marami na nga ang dumaan...

Marami ng dumaan sa HARAP ko!

Eh hanggang TINGIN lang naman ako

LESHENG mga kaibigan yan! Sabihan ba namang abnormal ako kasi wala daw akong CRUSH? Basehan ba yang crush-crush na yan para sabihing normal nga ang isang tao? Abeeerr! Sino na man ang nag-imbento nun para ipakain ko sa kanya yung mga pinagsasabi niyang walang kwenta! Pati mga kaibigan ko naniwala! Tamo tuloy, pati ako naabala! Tss. Kung hindi lang ako tinutukso nung mga baliw kung kaibigan, edi sana nasa bahay lang ako nagpapahinga at nagpapakasasa sa de-aircon kung kwarto.

NAKAKASTRESS. Ang daming tao at ang init-init pa dito sa park. Nakaupo lang naman ako dito sa isang bench at nagsa-sightseeing ngayon... naghahanap ng lalaking tatawagin kong CRUSH ko. OO na, ako na yung may TOPAK at sa park pa naghanap ng crush. Wala naman kasi akong mahanap sa school o kahit sa subdivision man lang namin na nakakaakit sa mga mata ko.

Haay. Sino nga ba ang pwede kung pagtripang maging CRUSH dito?

Ang dami ng dumaan... pero AMPAPANGET! Hindi naman sa nanlalait ako ng kapwa, pero hindi lang talaga sila pasok sa salitang GWAPO... well, para sa akin lang naman din yun

Ang daming lalaking dumaan...

Mga posers . . .

Mga wannabes . . .

Mga pa-cool . . .

Mga—WE-WE-WAIT lang haaa!

O___O

BINGGO! Ayan may gwapo na rin SA WAKAS! Eh kasi may tumakbong lalaki at saktong napahinto sa may harapan ko. Wooh! Ang ganda ng view ko ngayon! Magandang nilalang... stay ka lang diyan!

Aie... Bat parang hingal na hingal tong nilalang na to? May humahabol ba sa kanya?

“CEDRIC NATHANIEL CRUUUUUZZZZ!!!!”

Bigla akong napatingnin sa babaeng sumigaw. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit pero  WOAH, ang ganda niya... nakakalesbo nga eh. Wait! Hindi ako TIBO! ERASE. ERASE. ERASE. >////<

Nakatingin lahat ng tao sa dalawang napakagandang nilalang... yung lalaking GWAPO halatang gulat na gulat. Nung akmang lalapit yung babaeng sumigaw, bigla namang tumakbo si GWAPO. At ayun, hinabol na rin ni GANDA.

WALA NA! Wala nang gwapo sa harap ko! Umalis na! Tsss. (__ __)

Pero...

"Cedric Nathaniel Cruz pala pangalan niya ha. Ma-stalk nga sa Facebook" *insert evil laugh*

-sarahtot-

------------------------------------------------------------------

SARAHTOT: Nga pala, suggest kayo ng bidang pair na pwede gumanap sa roles! Tsar! Ulzzang Couples? okay lang din kung hindi :)

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now