Napaka puro at malinis ang Awra na kanyang inilalabas, kabaliktaran sa awra ng Goblin King.

"Ikaw pala ang Goblin King. Mas maliit ka kaysa sa inaakala ko." Kaswal na sabi ni Kid.

"Hhmm. Bata. ikaw. malakas." Sabi naman ng Goblin King.

"Haha! Salamat sa papuri. Ikaw rin mukang malakas."

"Tignan natin!" Sigaw ng Goblin King sabay wasiwas ng kanyang espada at aakmang tatamaan si Kid.

Agad na sinuntok ni Kid ang espada ng Goblin King at nagdulot ito ng malakas na pagsabog ng hangin.

Madaming mga goblin ang nagtalsikan sa kanilang paligid dahil doon.

*Krrck!!!

Unti unting nagkaroon ng krak ang espada ng Goblin King. Ilang sandali pa at maririnig ang pagkasira ng espada nito. Bumagsak ang kalahating parte ng espada sa lupa.

Ang Gauntlet na suot naman ni Kid ay may sira na rin kaagad.

"Mukhang napalakas ata ako ah. Sayang naman at ngayon ko palang ito nagagamit sira na agad." Aniya sabay tanggal ng Gauntlet.

"Magpapagawa nalang ulit ako. Hahaha" sabi ni Kid ngunit nagulat siya nang biglang may suntok na tumama sa kanyang mukha.

Dahil sa lakas ng suntok, napatilapon si Kid palayo sa pwesto ng Goblin King.

"Mahina mga tao!" Sigaw niya. Pero bago pa siya matapos sa pagsigaw, nakatikim din siya ng isang malakas na suntok sa sikmura.

Tumilapon niya sa malayo at bumangga sa mga malalaking puno at natumba mga mga ito.

Tumulo ang dugo sa mukha ni Kid dahil sa pagsuntok sa kanya ng Goblin King.

"Hindi ko inaasahan iyon ah. Mag iingat na ako sa susunod." Aniya sa sarili at pumorma. Handa na siyang makipaglaban ng maayos sa mga goblin.

Kqhit na napapaligiran ng usok, agad na tumayo ang Goblin King. Nawasak ang kanyang suot na armor kung saan sinuntok ni Kid.

Dahil doon nagalit siya ng lubusan.

"Waaaaargghh!!!" Sigaw niya at naglabas ng malakas at nakakatakot na Awra.

Agad siyang tumakbo at sumugod sa pwesto ni Kid. Ang hindi niya alam ay nakahanda na si Kid sa kanayng susunod na pag atake.

"God Punch!" Sigaw ni Kid at itinama sa mukha ng Goblin King.

Malakas ang pagtama na iyon dahilan para tumilapon muli ang Goblin King.

Tumulo ang dugo sa bibig at ulo ng Goblin King. Dahan dahan itong tumayo at nakahawak sa kanyang ulo. Nakaramdam siya ng pagkahilo kung kaya't iniling niya ang kanyang ulo at umaasang mawala ang sakit na naramdaman.

Pero bago pa niya makuha ang kanyang balanse, muli nanamang umatake si Kid.

"Buddha's Palm!" Sigaw niya. Nakapwesto siya na parang nagdadasala atsaka itinutok sa Goblin King ang ang kanyang kanang kamay.

Mabilis na lumalapit si Kid sa pwesto ng Goblin King at hindi nagtagal ay tumama ang kanyang palad sa sikmura nito.

Hindi na napigilan ng Goblin King na ilabas ang dugo sa kanyang bibig dahil sa nangyari. Tumilapon nanaman ito at madaming mga Goblin ang kanyang natamaan.

Nakanganga lang ang lahat sa kanilang nasasaksihan. Ang kaninang isang malaking Goblin na tumalo sa isang malakas na Spirit Bearer na si Shin Feng ay walang laban sa isang bata.

Nang makita ni Jay at Ana ang pigura ni Kid na nakatayo habang pinagmamasdan ang Goblin King na huminto, hindi sila makapaniwala sa nakita.

"Anong nangyari sa kanya? Bakit napakalakas na niya?" Tanong ni Jay sa sarili.

Hindi lang ang dalawa ang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Maski ang mga kaibigan ni Kid na sila Zed at Fred ay hindi rin makapaniwala.

"Si Kid ba talaga iyon?" Simpleng tanong nilang dalawa sa isa't isa.

Ngunit bukod pa sa lahat na gulat na gulat at hindi makapaniwala, mayroon pang isang tao ang hindi makapaniwala. Nagmamasid siya malayo sa digmaang nangyayari. Ang dahilan ng digmaan ito, si Stragori.

Ang hindi niya alam na alam ni Kid ang tungkol sa kanya at siya rin ang dahilan ng digmaang ito.

"Kailan pa nagkaroon muli ng isang God Mortal ang sa Bayan?! Halos dalawampung taon na ang nakakalipas nang magkaroon ng God Mortal Realm ang bayan! Nawala sila matapos ang ilang taon! Paanong mayroon muling God Realm dito?!" Daing niya sa sarili.

Dahil sa takot at taranta, Nagmadali siyang tumakbo palayo at umalis sa pinangyayarihan ng digmaan ngunit nagulat siya nang nasa harapan na niya si Kid.

"Waahh!" Hindi na niya mapigilan ang pagsigaw.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon