13

4.3K 230 12
                                    

Anim ang mga natirang libro at hindi biro ang kapal nito. Kumuha na si Kid sa anim na librong iyon. Binasa niya itong maigi at inintindi. Kalaunan ay may naba sa siyang nakakuha ng kanyang atensyon.

"Teka, ang librong ito..." aniya at binuklat ang ibang libro. Nang basahin ni Kid ang mga nilalaman ng mga librong ito, hindi nga siya nagkamali. Ang mga librong ito ay tungkol sa paggawa ng mga pills!

Nang malaman rin ito ni Master Val, nanlaki ang kanyang mga mata at itinuon talaga ang kanyang atensyon sa bawat pahinang laman ng dalawang librong hawak niya.

Ganoon din ang reaksyon ni Kid. Nanlaki rin ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nababasa ngayon.

Ang buhay kasi ng dalawa ay umiikot sa mga pills. Kahit pa doon sa pinanggalingan nilang mundo, ang pill ang bumuhay at tumulong sa kanila kung kaya't nang makakita sila ng ganitong uri ng libro sa bagong mundong kanilang napuntahan, agad silang natuwa sa nangyari.

At dahil nga sa sobrang tuwa ni Kid ay hinalikan pa niya ang natutulog na si Sky.

Walang kamalay malay si Sky at nagpatuloy lang ito sa pagtulog. Binasang mabuti ni Kid ang bawat pahina sa makapal na librong hawak niya. Tinandaan niya ang iba't ibang pill na nakasaad dito at mabuti niyang tinandaan ang mga sangkap sa paggawa nito.

Ang Pill making sa mundong ito ay halos walang pinagkaiba sa mundo ni Kid. Ang isa lang na naghihiwalay sa dalawa ay ang benipisyo ng mga pill. Ang pill sa Gaia ay nakasentro sa katawan katulad ng kinagawian. Iba rin ang mga sangkap na kailangan sa paggawa nito dahil ang mga sangkap ay tanging makikita lang sa Gaia.

Nang matapos ni Kid ang pang apat na libro, napansin niya na walang nakasulat tungkol sa mga Body Enhancing Pill. Tanging ang Body Assembling Pill lang ang naisulat sa isang may kalumaan na libro ang nabasa na ni Kid at hindi narin masyadong maintindihan ang nakasulat dahil nga sa kalumaan.

Nang mabasa ni Kid ang panlimang libro, napansin niya na ang librong ito ang nag iisang may nakasulat kung sino ang gumawa ng librong ito. Mas manipis ito kumpara sa apat na nabasang libro ni Kid. Ang paraan kung paano ito isinulat at sulat kamay at ang gumawa ng librong ito ay ang mismong nagsulat. May kalumaan narin ito kumpara sa naunang libro. Mas makakapal din ang mga pahina ng librong ito kung kaya't kung titignan ay makapal pero ang totoo ay nasa 50 pahina lang ito.

Sa lahat ng nabasa ni Kid, ito ang pinaka kakaiba. Hindi dito nakasulat ang mga sangkap sa pill, o ang paraan kung paano gawin ang pill, o ang paggawa ng Body Enhancing Pill. Ang nakasulat sa librong ito ay ang karanasan ng naglimbag ng libro. Si Ingram.

Habang binabasa ni Kid ang mga nakasulat sa librong ito, binabasa niya ang paglalakbay ni Ingram kung paano niya nadiskubre ang lupain ng mga dwende at mga higante.

Nakasulat din sa librong iyon ang kanyang mga nalaman sa paglalakbay na kanyang ginawa noong nabubuhay pa ito. Tinaguriang Hari ng Kaalaman si Ingram at sinasabing sa kanya nagsimula ang paggawa ng malaking aklatang ito.

Binasa ni Kid ang buong libro pero tanging buhay lamang ni Ingram ang nakasulat doon. Ilangsandali pa ay narating na ni Kid ang pinakahuling pahina ng kanyang libro. Habang binabasa niya ang pinakahuling linya sa libro, nag iwan si Ingram ng isang pasasalamat at isang bugtong.

"Maaaring wala na ako sa mundong ito kung ito ay nababasa na ngunit alam kong hindi ako makakalimutan ng lahat. Ang librong ito ay hindi lang isang libro ng isang paglalakbay kundi libro rin ng kaalaman."

Iyan ang huling linya sa librong ito. Nang mabasa ito ni Kid, napaisip ito sa nakasulat.

"Libro ng kaalaman? Ang tanging nabasa ko lang ay ang kanyang paglalakbay. Saan ang kaalaman doon?" Sabi ni Kid.

SpiritsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu