16

4.4K 212 23
                                    

Nakatayo na si Jay sa taas ng entablado. Kaharap niya ang kanyang makakalaban. Isa si Jay sa mga mayayamang kasama sa mga bagong Gwardya sa Central City. Madaming nakakakilala sa kanya dahil ang kanyang pamilya ay isa sa mga sikat na henerasyon ng mga Official Guards sa Central City.

Hindi narin bago kay Jay ang pakikipaglaban dahil mula nung bata pa siya ay tinuturuan na siya ng kanyang ama kung paano lumaban.

Bihasa si Jay sa paghawak ng armas lalu na ang espada kung kaya't halos lahat ng kanyang Martial Art Skills ay may patungkol sa espada. At dahilnga mayaman ang pamilya niya, lagi siyang binibigyan ng kanyang ama ng mga Martial Art Skills para sa kanyang pagpapalakas. Suportado rin ang kanyang ina sa kanya kung kaya't may pinanggagalingan ng mga pills na ginagamit niya para sa kanyang Cultivation.

Hindi ito labag sa batas ng mga gwardya. Nakasaad sa librong ibinigay kila Kid ang mga batas doon at isa ay Bawal tumanggap ng mga tulong mula sa bayan na pinaggalingan ng mga bagong gwardya. Maaari lang tumanggap ng tulong mula sa mga kakilala at kaibigan sa loob ng Central City dahil itinuturing ng mga Cultivators ang mga ganitong tulong bilang isang prebelehiyo.

Pabor ito kay Jay dahil ang kanyang mga magulang ay nakatira sa Central City at dahil doon, madami siyang natatanggap na tulong.

Ang masamang epekto lang nito ay nararanasan nila Kid na galing sa mga mahihirap na baryo at walang kakilala sa Central City.

Ang makakalaban ni Jay ay isang lalaki rin. May puti itong buhok at may suot na isang armor. Isa ito sa mga nakita ni Kid sa loob ng Karwaheng sinakyan niya noong papunta palang siya rito sa Central City.

Ibinagsak na ni Priest Meng ang kanyang kamay hudyat para simulan ang laban. Unang lumusob si Jay papunta sa lalaki. Nakatutok na sa lalaki ang espada nang bigla itong nawala.

"Cold Mist Step!"

Hindi napansin ni Jay ang kanyang kalaban dahil agad itong nawala sa kanyang paningin. Bigla itong tumigil sa paglusob at tumayo. Inikot niya ang kanyang mga mata at nakita na nasa likod na niya ito.

Hindi makapaniwala ang mga manonood pati narin si Kid. Pati sa kanilang mga mata ay biglang nawala ang lalaki.

Bigla nalang nakaramdam ng malakas na awra si Jay sa kaliwang parte ng kayang katawan kung kaya't agad niyang isinalag ang espadang kanyang hawak. Bahagya namang napadalusdos si Jay dahil sa ginawa ng lalaki.

"Shadow Punch!"

Sa nasaksihan ng lahat, medyo humupaw ang hiyawan sa kanipang mga bibig. Pati narin ang dalawang Priest ay nagulat sa ipinakita ng lalaki.

"Ang Cold Mist Step at Shadow Punch." Sabi ni Priest Meng. Tumango naman si Priest Xiao sa sinabi ng kanyang katabi nilang pagsang ayon.

Ang Cold Mist Step ay isang Tier 2 Core Rank Skill na nagdudulot sa isang Cultivator na makakilos ng mabilis nag iiwan ito ng isang malamig na simoy ng hangin tuwing gagamitin ang Skill. Isa ito sa mga Common Skill na laging ginagamit ng mga Cultivators dahil maganda ang mga epekto nito at mabilis ring aralin.

Ang nakalaban ni Jay ay nasa 2nd Mortal Realm na at nakuha na niya ang 5★ ng Cold Mist Step. Samantalang ang Shadow Punch naman niya ay nasa 3★ na. Kung ikukumpara ang bilis ng lalaki kay Jay, dehado si Jay. Pero kung lakas ang pag uusapan, mabilis namatatalo ni Jay ang kalaban.

Napangisi naman si Jay sa mga nasaksihang pangyayari. Hindi niya akalain na ang kanyang makakalaban ay magaling at mahusay na Cultivator.

"Pagkatapos ng laban natin, gusto kitang maging kaibigan." Sabi ni Jay sa kanya. May halong yabang at pag iinsulto ang kanyang boses na nagpagalit sa kanyang nakalaban. Sumugod nanaman si Jay sa lalaki pero ngayon ay gumamit na siya ng kanyang skill.

SpiritsWhere stories live. Discover now