10

5.2K 285 7
                                    

'Master Val! Naglalakad na yung Rainbow Pegasus sa Pwesto natin!' Sabi ko. Ngunit ginantihan lang niya ako ng ngiti.

Ilang saglit pa ay nakalapit na ang Spirit na ito sa pwesto namin. Namangha ako sa ganda ng Spirit na ito. Mayroon siyang puting kulay ng katawan ay makulay na buntot. Mayroon din siyang pakpak sa magkabilang gilid niya.

Nang makapunta siya sa harapan namin ay nagulat ako sa kanyang ginawa. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang ulo at pumikit.

'Master! Ano po ang ibig sabihin niyan?' Natutuwa kong sabi sa kanya. Siguro ito na anh sinasabi ni Val na pagpili ng Rainbow Pegasus sa kanyang Bearer.

'Master Val! Ito na po ba ang magiging unang Spirit ko?' Tanong ko sa kanya. Ngunit ginantihan nya lamang ako ng ngiti.

Dahan dahan siyang lumapit sa Rainbow Pegasus at hinawahan ang ulo nito at iniangat.

'Master! Anong ginagawa ninyo!' Sabi ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Habang hawak niya ang ulo ng Pegasus ay ipinatong niya ang kanyang noo dito. Nagulat ako nang biglang ibinuka ng Pegasus ang kanyang mga pakpak.

Napakalaki! Napakaganda! Sa pagbukas ng kanyang Pakpak ay may mga kumikinang na bagay ang lumipad mula dito.

Napakaganda ng Senaryo na aking nakikita.

Ilang sandali pa ay bumitaw na si Val sa Pegasus at bumalik sa aking Pwesto.

'Master! Ano pong nangyari? Ano po ang ginawa ninyo sa Rainbow Pegasus na iyan! Pwede po bang maging Spirit ko ang isang iyan?' Sunod sunod kong sabi.

Hindi siya sumagot sa aking mga tanong ngunit nagulat ako dahil may narinig akong boses na nagmula sa kung saan.

'Kamusta ka na, Kaibigan.'

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon nang nagsalita si Val.

'Maayos ako. Matagal tagal din tayong hindi nagkita. Ang akala ko ay hindi na magtatagpo ang ating landas.' Sabi niya.

Napatingin ako kay Val at hinanap ang taong kausap niya. Nadako ang paningin ko sa kanyang mata at tinignan ko kung saan siya nakatingin. Nang sundan ko ang kanyang mga mata ay nakita kong nakatingin siya sa mismong Pegasus.

'Ha? Ano pong nangyayari?!' Tanong ko.

Nakita kong napatingin ang Pegasus sa aking Pwesto at humarap muli kay Val.

'Kaibigan, sino ang batang ito?' Tanong nito.

'Siya ang aking Estudyante. Si Kid.' Sabi niya. Humarap sa akin si Val at sinabing 'Kid, siya ang aking Kaibigan. Ang aking unang Spirit. Ang Rainbow Pegasus.' Sabi niya.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Isang RAINBOW PEGASUS ang unang SPIRIT niya?!!

Pero hindi iyon ang nangibabaw sa aking isipan. Kung ang Rainbow Pegasus ay ang Unang Spirit ni Master Val, ibig sabihin, may pangalawa o higit pa! Pero isang Rare Spirit ang isang ito! Anong nangyari dati?

Nawala ang aking pag iisip nang nagsalita muli ang Spirit.

'Aba. May bago ka nanamang Estudyante. Masaya ako para sa iyo. Pero sa aking nakikita ay isa ka na ring Spirit ngayon. Anong nangyari?' Sabi niya.

'Naalala mo ang plano kong kalabanin si Vrendick? Natuloy iyon maraming taon nang nakalipas. Hindi ko akalain na ganoon siya kalakas. Natalo niya ako. Pero bago pa niya ako mapatay ng tuluyan ay inilagay ko ang aking sarili sa isang Kwintas. Kung kaya't naging spirit ako ngayon. At ang batang ito ang nakakuha sa akin dalawang taon nang nakalipas.' Sabi niya.

SpiritsWhere stories live. Discover now