4

6.1K 319 5
                                    

Kinuha ko ang ilang sangkap na aking gagamitin sa paggawa ng Pill.

Naghahalo halo ang mga sinasabi ng mga nakakapanood sa kinukuha kong mga sangkap. Maski si Zed ay hindi matiyak ang aking gagawin dahil halata sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Ang mga sangkap na kinuha ko ay mga pangkaraniwan lamang. Mga damo, dahon, bulaklak, at iba pa na palagi nating nakikita sa ating paligid. Gagawa ako ng isang Spirit Booster Pill gamit ang mga sangkap na ito." Sabi ko

Nanlaki ang mga mata nila sa aking sinabi.

'Ano daw?'

'Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong pill!'

Iyan ang mga sinasabi ng mga tao sa loob.

"Bata. Kung anuman ang pill na gagawin mo, nais kong makita ang produkto. Ang mga salita mo ay hangin lamang. Nais kong makita ang bagay na gagawin mo." Sabi ni Master Lao.

"Opo Master Lao." Sabi ko.

Isa isa ko nang nilagay ang mga sangkap sa isang maliit na kawali na ginagamit sa paggawa ng Potion.

Sa paggawa ng Potion, kailangan mong pagsamasamahin ang mga sangkap sa isang kawali na puno ng malinis na tubig batis. Sa paraang ito, pinaghahalo halo ang mga ito upang ang katas ng mga sangkap ay sumama sa ginagawang Potion. Inaabot ng mahigit isang oras ang paggawa nito depende sa sangkap na gagamitin.

Sa paggawa naman ng pill, isa isang kukunin ang mga katas ng mga sangkap. Pagsasamasamahin at bubuuin hanggang sa makabuo ng isang pill. Mas mahaba ang preseso nito dahil bukod bukod ang mga katas ng sangkap. Kung kaya't ang itsura ng mga Pill na itinitinda sa bayan ay parang pinaghahalo halong kulay. Sa isang pill, mayroong lima o anim na kulay na naghahalo halo na nagsasabi kung ilang Sangkap ang ginamit. Iba sa itsura ng Potion na iisa lang ang kulay.

Nagtaka ang lahat sa aking paraan ng paggawa ng pill. Hindi nila matiyak kung ang ginagawa ko ba ay isang pill o isang potion.

'Bakit niya ginawa iyon?'

'Hindi niya sinama ang Tubig Batis sa mga sangkap. Kakaiba ang paraan niya!'

'Hindi siya marunong kamo!'

Hindi ko na lamang sila pinakinggan at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Ang turo sa akin ni Val ay dahan dahan mong isama ang tubig Batis sa mga sangkap. Sa ganitong paraan, hindi sumama ang katas ng mga sangkap sa mismong tubig. Ang ginagawa lamang sa mga sangkap ay papalambutin.

Ganoon nga ang ginawa ko. Lumakas na ang apoy sa ilalim ng kawali. Unti unti nang umiinit ang kawali kung kaya't unti unti kong inibuhos ang tubig. Naglabas ito ng isok na kulay puti. Nang umusok na ay itinigil ko ang paglagay ng tubig batis. Ilang saglit muli ay ganawa ko ang prosesong ito hanggang sa ang usok ay nagkaroon na ng kakaibang amoy. Bumango ito at binalot ang buong kwarto.

"Ayun! Ayos na!"

At nagsimula na ako sa pangalawang bahagi. Ang pagsasamasama ng mga sangkap.

Sa ginawa kong iyon kanina, ang mga sangkap ay nanatiling buo at hindi nadurog. Ang mga katas nito ay nanatili sa mga loob nito at hindi lumabas. Kinuha ko na isa isa ang mga ito at pinisa isa isa sa iisang lalagyan. Malagkit ang katas ng mga ito na tumutulo sa loob ng bawat sangkap. Ilang saglit pa ay natapos na akong pagkuha ng mga katas. Napuno ko ang isang bote ng potion sa mga katas ng mga sangkap na kinuha ko.

Ngayon ay ang paggawa ng pill. Pinaghalo halo ko ang mga ito at nakabuo ng isang makintab na kulay pulang potion. Kakaiba ito sa normal na potion dahil malabnaw ang mga potion dahil sa Tubig batis ngunit ang nagawa ko ay isang pulang pulang potion. Ilang saglit pa ay inilagay ko ito sa loob ng 'pot' at itinabi. Hinati ko sa tatlo ito para makagawa ng tatlong Pill.

SpiritsWhere stories live. Discover now