30

4.5K 240 8
                                    

Isa sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip sila sa aking desisyon ay dahil may sariling desisyon ang Centaur. Hawak niya ang lahat ng kanyang mga Desisyon. Hindi pa buo ang tiwala nila sa Centaur kaya't ganoon ang mga tingin nila sa akin.

Nakita kong nakatingin ito sa akin. Nakatitig. Para bang binabasa nito ang lahat ng nasa isip ko.

Nagulat nalang ako nang magsalita si Scarlet. "Hindi ko pwedeng payagan iyon. Kahit na iyan ang natitirang pag asa natin. Dahil sa tingin ko ay madaming mapapahamak sa atin. Kaya hindi ko papayagan iyan."

At halata sa mga mukha ng mga kasama namin na sumasang ayon sila sa sinabi niya. Pero nagbago iyon ng magaalita ang Centaur.

"Sige, pumapayag ako." Sabi nito. "Tutulungan ko kayo. Pero sa isang kundisyon."

Nagtinginan kaming lahat sa mga sinabi ng Centaur. Hindi namin inakala na papayag ito sa gusto namin.

Lumingin ito sa aking pwesto at nagsalita. "Siya ang gagamit sa akin."

Biglang tumahimik ang buong paligid namin. Dahan dahan nilang iniikot ang kanilang mga ulo sa akin. Dilat na dilat ang kanilang mga mata dahil sa kanilang narinig.

"Ha!? Siya?!" Sigaw ng isa. At tumango naman ang Centaur.

"Bakit!? Wlaa siyang spirit! Hindi niya alam kung paajo kontrolin ang isang spirit! Bakit siya!?"

Ngunit tikom ang bibig ng Centaur at tumayo. Iniikot nito ang buong katawan at iniharap sa akin.

"Alam ko ang tungkol sa kwintas mo." Rinig ko. Nagulat ako sa sinabi niya pero nagsalita si Master bilang sagot sa Centaur.

'Alam ko rin na nararamdaman mo ako, Centaur. Maraming salamat sa pagpili sa aking estudyante bilang iyong bearer. Pero tama ang mga batang ito. Baka hindi kayanin ng aking astudyante ang lakas mo. Lalu na at isa kang Spirit god' sabi ni master.

"Alam ko ang tungkol doon. Pero hindi ko naman iaaalay ang aking sarili sa batang ito." Sagot niya kay master.

Naguluhan ako sa sinabi ng Centaur pero luminaw iyon nang magsalita si Master.

'Sige. Pumapayag akong gumawa kayo ng kontrata pero ipangako mong kapag natapos na ang gulong ito ay matatapos na rin ang inyong kontrata maliwanag?' Sabi ni master.

Tumango ito bilang sagot.

"Lumapit ka dito bata." Sabi nito sa akin at agad naman akong lumapit. Ang mga kasama ko ay nakatitig sa aking kilos. Nagtataka kung bakit ako lumalapit sa Centaur.

"Ang iyong noo." Aniya at inalis ang mga buhok na nakaharang sa aking noo. Dahan dahan niyang idinikit ang kanyang daliri sa aking noo at pumikit.

Habang nakapikit ako ay nakakakita ako ng liwanag. Liwanag na sumasakop sa kadiliman.

Unti unti kong nararamdaman na umiinit ang aking katawan. Dahan dahan akong bumabagsak at tuluyang napahiga. Dahan dahan akong lumulubog na para bang nalulunod sa isang ilog. Ilang sandali pa ay mayroong kulay kayumangging liwanag na para bang isang alitaptap. Lumilipad ito at dahan dahang lumapag sa aking dibdib at nabigla ako sa lakas ng pwersang aking naramdaman.

Unti unti itong lumulubog sa aking dibdib at nararamdaman ko ang init doon. At dahil doon ay bigla akong mapadilat.

Pagdilat ko ay napatingin ako sa akin paligid. Sila Zed at Scarlet ay malayo sa akin at nanlalaki ang kanilang mga mata.

'Tagumpay!' Sigaw ni Master.

Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at nagulat ako dahil may hawak akong Spear na katulad ng sa Centaur. Nang tinignan ko ang aking kamay ay nakita ko na nag iba ang kulay ko. Nagkaroon din ako ng mga mahahabang buhok na parang sa isang Centaur. Nang tumalikod ako ay nakita ko na mayroon akong buntot at may apat na paa katulad ng isang kabayo.

'Tagumpay na natanggap ng iyong katawan ang Centaur! Magaling!' Sigaw ni Master.

Narinig ko namang nagbubulungan ang aking mga kasama.

"Paano nangyari iyon?"

"Nakita mo bang kinuha ni Kid ang Spirit Stone?"

"Hindi. Inilagay lang ng Centaur ang kanyang kamay sa noo niya. Tapos.. tapos.."

Hindi ko nalang sila pinansin at tuluyan nang humarap kay Scarlet at sabihin ang susunod naming hakbang.

"Handa ka na ba Scarlet?"

"O-oo handa na ako." Hindi parin siya makapaniwala sa nakita.

Agad naming tinawag ang mga kailangan naming tao para isagawa ang aming plano.

"Sa aking palagay, aabutin ng mahifit isang araw ang pagkuha at pagabsorb ng spirit Stone ng Dragon na iyon. Sa tingin ko rin ay nasa dapithapon na tayo. Magandang oras ito para sa isasagawa nating paggulat." Sabi ni Scarlet.

"Oo tama ka. Pero mas maayos kung sisimulan na natin ngayon at para mas mabilis tayong makaalis dito sa bangin." Sabi naman ni Zed.

At isa isa na nga kaming kumilos. Tinulungan ko ang mga Earth type Bearers na gumawa ng mga tunnel hanggang mabalot namin itong bangin ng butas.

Nasa kalagitnaan na ng gabi at sa tingin ko ay handa na ang lahat.

Tinignan ang bawat isa at rumango sa mga water type bearers para maging hudyat ng pag inom nila ng aking ibinigay.

Pagkainom nila ay biglang nagningning ang kanilang mga mata at naging kulay asul.

Umepekto ang aking ibinigay.

Sinimulan na nilang punuin ang buong kweba ng tubig. Nang umabot na ito sa aming tuhod ay sinimulan ko na ang pag-anggat ng lupa na aming tinatapakan.

"Bata, kaming lahat ay umaasa sa iyo. Huwag mo kaming biguin. Maliwanag?" Rinig kong sabi ng Centaur. Napatango ako at nagsimulang kumilos.

Unti unti nang napuno ang aming ginawang tunnel at nararamdaman ko na ring gumagalaw ang lupa.

Rinig ko ang mga nagsasalita sa kabilang parte ng bangin kung saan nandoon ang mga bloodfist.

"Anong nangyayari?!?" Sigaw nila. Ngunit huli na ang lahat bago pa sila makapagkalat ng kanilang nararamdaman sa kanilang mga kasama dahil...

BAAANNGGG!!!

Bumulwak na ang aming ginawang tunnel at napuno ang bangin kung nasaan ang dragon nang tubig. Nabalot ang buong lugar ng tubig.

Agad silang nagsigawan at iisa lang ang kanilang isinisigaw.

"Protektahan ang tagapagmana ng ating Grupo!

Protektahan si Ben!"

SpiritsWhere stories live. Discover now