15

5.1K 259 4
                                    

Nagising ako sa kayong mula sa pinto ng aking kwarto.

"Kid. Gising ka na. Naghanda ng pagkain si Kuya." Sabi ni Zed.

Masakit ang aking mga mata dahil sa tingin ko ay 2 oras lang ang tulog ko. Bigla kasi akong na-excite sa sinabi ni master kagabi kaya ginanahhan akong pag aralan ang lahat ng nalalaman ko.

Dahan dahan akong bumangon at nang makatayo ako ay sumakit ang ulo ko at nahihilo na parang umiikot ang mundo.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagpinta sa bahay ni Zed para kumain.

"Oh, parang kulang ka sa tulog? Anong nangyari sa iyo?"

"Ah.. haha. Wala wala. Siguro hindi lang talaga ako mapakali. Na excite lang ako na pupunta tauo sa Havanna ngayon. Haha." Sabi ko.

"Ah.. ganon ba. Ako rin eh. Hindi makatulog."

"Ayos lang yan. Poprotrktahan natin ang isa't isa. Kaya wag kang mag alala. Atsaka kanina, bago ako matulog ay naghanda na ako ng mga Potions para sa paglalakbay natin."

"Salamat Kid ha."

"Naku Zed, wala kang dapat ipagpasalamat. Kailangan ko ring gawin to para sa SHO." Sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa mesa at kumain. Hindi pa nagigising ang ama nila kaya kumain na agad kami. Habang kumakain naman kami ay nakikipagkwentuhan sa amin si Zac.

Ilang sandali pa ay naghanda na kami para pumunta sa bayan. Nasa labas na ang mga kabayo na gagamitin namin papunta doon. Inilagay na namin ang aming mga gamit sa aming likod, sumakay sa kabayo atsaka umalis.

Magkahalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman namin ni Zed. Alam kasi namin na hindi lang nakataya ang aming organisasyon o pamilya, kundi pati ang aming buhay sa pagpunta doon. Tumatakbo sa aking isip ang mga posibilidad na mangyayari pero alam ko na kakayanin namin iyon. Kasama namin si Master.

Tutulungan kami ni Master.

Nang makarating kami doon ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng mga kabataan. Sila na siguro ang representative ng bawat organisasyon at pamilya. Inilibot ako ang aking mga mata at nagbabakasakaling may kakilala ako dito. Madaming mga mukha na nandidito. May mga bago sa aking paningin at ang iba ay pamilyar kaya hindi na ako magtataka na baka may kakilala ako dito.

"Nandito na ang representative ng SHO at ng pamilya Levi. Ang Armory Association at Shoyo Spirit Academy nalang ang hinihintay at makakaalis na tayo." Sabi ng Guide namin papunta doon sa Havanna.

Shoyo Academy. Ang isa sa pinakamagaling na Akademya sa Buong bayan. Ang pamilya Shen ang may hawak sa halos lahat ng mga Akademya dito pero may iilan na hindi kailangan ng tulong ng mga Shen dahil ang Akademya mismo ay mayroong magagaling at matatalinong Spirit Bearers. At isa na doon ang Shoyo Academy. Sa Shen kasi karamihan nanggagaling ang mga Guro sa Akademya pero ang iba ay nagsikap at nag aral gamit ang kanilang sariling kakayahan kung kaya't nakamit nila iyon at nagkaroon ng pagkakataon na magturo.

Kung sakaling nakakuha na ako noon ng aking Spirit ay dito ako magbabakasakaling pumasok. Pero mas maganda na ang nangyari sa akin ngayon. Hindi ko maisip ang mangyayari sa akin kung sakaling hindi ko nakita si Master.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Nagulat ako nang biglang may mabigat na kamay ang pumatong sa aking balikat na nanggaling kay Zed.

"Kid. Hindi ba malapit ka sa Shoyo Academy nakatira?"

"Oo. Bakit?"

"Ibig sabihin, kung may Spirit ka na ngayon eh doon ka papasok?"

"Hhmm. Oo. Pero wala pa akong Spirit eh. Atsaka hindi ko naman minamadali na magkaroon ng Spirit. At isa pa, hindi kita makikilala kung sa Shoyo Academy ako nag aaral ngayon dahil baka hindi ako mapili bilang representative. Tama?"

SpiritsWhere stories live. Discover now