11

4.7K 223 1
                                    

Ilang sandali pa ay natapos na ang tatlumpung minuto. Isa isa nang lumabas sila Kid sa loob ng Martial Hall.

"Dahil nakahanap na kayo ng inyong Martial Art Skill, bumalik na kayo sa Barracks at bukas na magsisimula ang inyong pagsasanay." Sabi ni Priest Meng kila Kid. Nag alay naman ng Paggalang ang mga ito at umalis na para bumalik sa Barracks.

Habang naglalakad pabalik ay lumapit si Lee kay Kid. "Kid! Sakay ka na dito kay Bay." Aniya kay Kid sabay turo sa kanyang Dark Ignite Pegasus. Ang pangalan na kanyang ibinigay sa kanyang Fate Beast ay Bay.

"Salamat." Sabi ni Kid at sumakay na nga sa Fate Beast ni Lee.

Ang Fate Beast na nakuha ni Kid ay ang Gray Strange Cat. Wala nang ibang alam tungkol sa pusang iyon dahil wala nang ibang deskripsyon para doon.

Kanina pa nag iisip si Kid kung anong ipapangalan niya sa kanyang Fate Beast.

"Anong iniisip mo diyan Kid?" Tanong ni Lee.

"Ah-eh wala pa kasi akong naipapangalan sa Fate Beast ko eh haha." Nahihiyang sabi ni Kid.

"Ah. Ganon ba. Isipin mo lang kung anong unang pumasok sa isip mo nung nakita mo siya." Sabi ni Lee kay Kid.

Napaisip naman si Kid sa sinabi ni Lee. 'Ano nga bang inisip mo noong una ko siyang nakita?' Tanong ni Lee sa sarili.

"Una ko itong nakita sa langit na puno ng bituin. Napakaganda ng langit na iyon at siya lang ang nag iisang bituin na gumalaw at nagbigay interes sa akin. Kasabay ng paggalaw niya ang pagbibigay niya ng buhay sa maganda ngunit malungkot na langit ng mga bituin." Sabi ni Kid.

"Hmmm. Langit ng bituin ha." Sabi ni Lee.

"Langit. Sky? SKY!" Sabi ni Kid sa sarili. Napangiti siya sa kanyang naisip na pangalan. "Sky ang ipapangalan ko sa kanya. Siya ang magpapaalala sa akin ng magandang langit ng mga bituin noong makuha ko siya." Sabi ni Kid kay Lee.

"Ayun! Mabuti at nakaisip ka na." Sabi ni Lee at ngumiti. "Nga pala Kid, kamusta ang nakuha mong Martial Art Skill?"

"Ah, wala namang kakaiba. Bakit?" sabi ni Kid.

"Ah. Ganon ba. Kasi nahirapan akong kabisaduhin ang skill na napili ko eh." Sabi ni Lee.

"Anong Skill ba iyon?"

"Ignite Punch. Isang Tier 1 Skill." Sabi ni Lee.

"Wow! Ang ganda ng Skill na nakuha mo! Ano pa?" Tanong ni Kid.

May pagtataka naman sa mukha ni Lee. "Yun lang ang nakuha kong Martial art Skill. Isa lang naman talaga diba? Mahirap kaai ang magkabisa ng mga Martial skill eh." Tanong ni Lee kay kid.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Kid kay Lee.

"Ano bang nangyari sayo kanina sa Martial Hall?" Sabi ni Lee. "Sa pagkakaalala ko, 30 minuto lang ang ibinigay sa atin ni Priest Meng. Sapat na iyon para maaral ang isang Martial art Skill diba?" Sabi ni Lee kay Kid.

Kumunot naman ang mukha ni Kid sa sinabi ni Lee. Hindi kasi alam ni Lee na nakakuha si Kid ng tatlong Tier 1 Core Rank Martial art Skill sa Martial hall. Wala naman kasing bilang na sinabi si Priest Meng kung ilang Martial Skill lang ang dapat nilang basahin kung kaya't kumuha si kid ng tatlong Martial Skill at tinandaan itong mabuti.

Tumahimik nalang si Kid at hindi sinagot si Lee. Tinignan nalang niya ang kanyang Fate Beast at inulit ang pangalan na kanyang ibinigay dito. Sky.

Nang sabihin ni Kid ang pangalan ng pusa bilang Sky, napatingin ang pusa kay Kid at tinitigan si Kid. Di nagtagal ay inaamo niya ang kamay ni Kid.

SpiritsWhere stories live. Discover now