13

5.3K 276 8
                                    

Kumuha ako ng isang baso at nilagyan ng tubig. Inilapag ko ito sa papag at umupo sa harap nito.

"Ano na po ang susunod Master?" Tanong ko. May halo paring tanong sa isip ko kung paano pag aralan at hasain ang paggamit ng Bemeroth.

'Papalabasin natin ang Aura mo at magbabase tayo kung anong uri ng sandata ang gagamitin mo.'

'Eh hindi po ba ang Bemeroth ay isang Mystical Weapon na magiging bihasa ako sa lahat ng weapon?'

'Oo. Tama ka. Pero iba ang lagay pagdating sa Aura ng tao. May iba't ibang kulay ng aura sa bawat tao. At dito bumabase ang weapon na ipapagamit ko sayo. Mama-master mo ang pag gamit ng weapon na iyon at masasabi na ring magaling kang gumamit ng iba pa. At isa pa, kaioangan mong masanay gumamit ng iisang sandata kundi ay magtataka sioa kung hakit kaya mong gumamit ng maraming armas.' Sabi niya.

'Ahh.. ibig pong sabihin, ang weapon na iyon ang lagi kong gagamitin?'

'Oo. Dahil Connected doon ang Aura at Bemeroth. Kapag nagsama ang dalawa, maliit ang porsyento ng matatalo kapag gamit mo iyon.'

Aahh. Alam ko na. Mabuti na lang at nandito si Master para sabihin sa akin. Ipinalagay sa akin ni Master ang aking mga kamay sa ibabaw ng baso at sinabi niyang ilabas ang Bemeroth sa akin. Unti unti kong naramdaman na umiinit ang aking pakiramdam na parang nagbabaga. Biglang umilaw ang aking paligid na nanggagaling sa aking katawan. Biglang may imahe ng Korona na lumabas sa aking ulo. Lumulutang ito at umiikot.

'Magaling. Ngayong palabasin mo ang aura mo at isentro ito sa baso.'

At ginawa ko nga ang sinabi niya. Isinentro ko ang nagbabagang init na aking nararamdaman sa aking palad para mailagay sa baso. Nagsisimulang gumalaw ang baso na parang kumukulo.

'Ang paglalagay ng aura sa isang malaya at malinis na bagay katulad tubig na ito ay isang paraan para malaman ang kulay ng aura ng iaang tao. Katulad ito sa ginagamit ng mga manghuhula. Ang bilog na salamin na ginagamit nila ay may tubig na malinis sa looh. Kung kaya't nagbabago ang kulay nito sa kung sino ang hinuhulaan.' Mahabang sabi ni Master. Sa mga sinabi niya, napaisip ako kung anong kulay ang makukuha ko.

'Ang bawat weapon ay nakabase kung anong kulay ang lalabas. Pero ang pinakabihirang kulay ay pula at dilaw. Simbolo ng Espada at Pana. Karamihan sa mga gwardya sa lugar na ito ay gumagamit ng Espada samantalang ibang Aura ang lumalabas sa katawan nila.' Sabi niya.

Unti unti nang lumalabas ang kulay ng aking Aura.

Pula. Kulay ng dugo. Simbolo ng katapangan. Isang pangkaraniwang kulay. Unti unting nabago ang kulay at naging Asul. Kulay ng langit at katubigan. Simbolo ng kapayapaan. Ang kulay asul na kulay ay nahaluan na ng Berde. Kulay ng Kalikasan at kagubatan. Ang mga kulay ay naghalo halo. Hindi pangkaraniwang kulay ang labas sa baso. Lagat ng uri ng kulay ay nasa baso. Naghahalo halo ang bawat isa. Unti unting kumalma ang tubig sa baso unti unti na ding lumalabas ang kulay nito.

'Hhhmmm... isa sa mga kakaiba at mahirap gamiting Weapon. Isang Gauntlet." Sabi ni Master.

Agad akong nagtaka.' Master, ang Gauntlet ba ay isang armas?? Hindi ba kasama iyon sa armor ng mga Knights?'

'Kaya nga sinabi kong isang kakaibang armas hindi ba? Dahil kung tutuusin ay pangkaraniwan lang ito para sa proteksyon. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ito ginagamit bilang weapon. At ikaw ang magpapatunay non.'

'Saan tayo kukuha ng Gauntlet master?'

'May kilala akong isang blacksmith noong ako ay buhay pa. Isa sa pinakamagaling na blacksmith noon. Pero hindi ko alam kung nabubuhay pa siya ngayon.'

Magsasalita na sana ako nang biglang kumatok sa pinto si Zed. Napaharap ako kay master atsaka tumango siya. 'Mamaya na natin ito pag usapan.'

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Zed.

"Kid. Pinapapunta tayo sa SHO ngayon dahil may pag uusapan daw." Sabi niya.

"Tungkol saan daw?"

"Hindi ko alam eh pero ang sabi sa akin ay mahalaga daw ito."

Agad kaming nagbihis para pumunta sa SHO. Habang naglalakad kami palabas ng bayan ni Zed ay madaming nakangiti sa akin at nagpapasalamat. Siguro ay nabalitaan nila ang nangyari sa palayan noong nakaraan. Ang iba ay nagbibigay sa akin ng pagkain. Pasasalamat daw nila ito sa akin sa pagligtas ng kanilang palayan. Nais ko sanang tanggihan pero hindi pumayag ang mga tao at ipinagpilitan. Nagpasalamat naman ako bilang sukli. Pinasakay kami sa mga kabayo para mabilis kaming makarating sa SHO. At ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami doon.

Sinalubong kami ng dalawang Gwardya na humarang sa akin noon pero ngayon ay nagbigay galang na sila sa akin. Nag-bow sila sa aming dalawa ni Zed at pumasok na kami sa loob.

Pinagbuksan kami ng pinto ng isang gwardya at bumungad sa akin ang isang mahabang Lamesa kung saan nakaupo ang lahat ng kasapi sa SHO. Nasa dulong harapan nito ay si Master Lao.

"Mabuti at nakarating ka na, Kid. Maaari na tayong magsimula." Sabi niya. "Nitong nakaraang mga araw ay nabalitaan namin mula sa bayan ang tungkol sa hindi masabing dahilan ng pagnakaw at pagkawala ng mga potions. Maski kami ay hindi alam ang nangyari kung bakit uto nagkakawalaan. Pero nitong nakaraang araw ay may isang balita akong narinig mula sa ating mga kapatid. Mayroon daw silang nakitang mga tao na sumasabotahe sa lahat ng organisasyon sa buong bayan. Pati ang ibang pamilya na humahawak sa bayan ay naaapektuhan."

Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Aling Matilda.

"Ang lupain ng Levi ay nakakitaan ng mga Drainweep Seeds sa paligid. Ang pamilya Tan ay nagkukulang na sa mga materyales sa paggawa ng Armas dahil ang kwebang minimina nila ay gumuho. At sinabi nila na nagkaroon muna ng malakas na pagsabog bagi ito gumuho. Madaming buhy ang nawala non. At sa pamilya Shen naman, ang mga Spirit Stones nila ay nawawala. Kung kaya't itinaas ng pamilya Fei ang Seguridad sa buong lugar dahil sa nangyari. Sinasabi nila ba baka sa ibang bayan ito nanggagaling dahil naiinggit sa pag asenso ng ating bayan. Ang iba naman ay sinasabing babalik na si Vrendick at ang pinakasikat ay isa sa mga organisasyon o pamilya sa buong bayan ang nananabutahe sa ating lahat." Sabi pa niya.

Nagkaroon ng Kumosyon sa loob ng SHO. Hindi nila inaasahan ang sinabi ni Master Lao. Maski ako ay nagulat din pero qng alam kong pinakamatinding naapektuhan ay si Zed. Dahil ang ikinabubuhay nila ang muntikang mawala sa kanila.

"Ang tungkol sa pagbawas ng suplay ng potion sa buong bayan ay hindi pa tiyak ang dahilan kung kaya't nakaisip ang pamunuan kasama ang namumuno sa bayan na si Yung Fei na sa mismong SHO na bibili ang mga tao ng kanilang Potion. Direkta na dito sa atin para mabawasan ang komosyon sa bayan. Lilimitahan natin sa 5 hanggang 6 na bote ng potion ang mabibili ng isang pamilya sa atin. Ipagpapatuloy parin natin ang paggawa ng pills na binigay ni Kid pero hindi ngayon. Pagkatapos na lang siguro ng problemang ito." Sabi ng katabi ni Master Lao.

Medyo nalungkot ako sa narinig. Ibig sabihin kasi non ay kaunti ang makakabili ng produkto na ginawa ko. Ibig sabihin, mababa lang ang makukuha kong porsyento para sa ikakabuhay ko. Napatigil ako sa pag iisip nang narinig kong magsalita si Master Lao.

"Napag usapan din namin tungkol sa paghahanap ng dahilan sa mga nangyayari. Kailangan nating malaman ang dahilan ng mga ito. Isa sa pinakamalapit na pagmumulan ng dahilan ay sa Bundok ng Havanna. Maaaring nandoon ang dahilan dahil nagsimula ang lagim sa bayan sa hilaga at ang labas non ay ang daan papunta sa Havanna. Malaki ang posibilidad na nandoon iyon." Sabi niya.

Nagtinginan kami ni Zed sa narinig namin.

"Kung kaya't nangangailangan ang bawang pamilya at organisasyon sa buong bayan ng isang representante para sumama sa ekspedisyon papunta doon." Sabi niya.

Nagtinginan ang mga tao sa loob ng kwarto. Hindi ata nasabi ng ama ni Zed ang tungkol doon dahil maski siya ay hindi alam ang tungkol doon.

"Kid-"

Agad akong napatingin sa pwesto ni Master Lao.

"Ikaw ang pinipili ko para kumatawan sa SHO."

SpiritsWhere stories live. Discover now