"Tumawag ang Tito Eric mo, Apo. Wala raw kasama si Jeya ngayon sa bahay kasi umuwi ng probinsya ang kinuha nilang kasambahay. Mga limang araw ako roon, Apo. Sasamahan ko lang ang pinsan mo. Ikakamusta kita sa kanya."

"Eh, ihahatid ko na po kayo."

Tumanggi ito dahil hindi pa raw ako kumakain at kaya naman niya. Gusto ko sana talagang sumama para makita si Jeya kaso mukhang hindi pa siguro ito ang tamang pagkakataon. Pumasok na lamang din ako ng bahay at saka kinain ang natakpang kanin at guisadong gulay.

Mukhang gising na si Knight dahil may mga naririnig akong kaluskos na nanggagaling sa kwarto. Bigla namang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Ma'am Charlotte.

Habang nag-iisip ay napagpasyahan kong pumasok para kumuha ng pagbibihisan nang salubungin ako ng sobrang gulong sitwasyon sa silid. Nakalabas ang lahat ng gamit ni Knight at pakalat-kalat sa sahig. Unti-unti siyang humarap sa akin at hindi ako nakapaghanda sa talas ng tinging ipinukol niya sa akin.

Lalong hindi ako nakapaghanda nang bigla siyang sumugod at hila ang mga brsao ko at saka marahas na inalog. Nakabibingi ang lakas ng boses niya at ramdam ko sa aking mukha ang init ng hanging hinihinga niya nang dahil sa galit.

"Where is it?!"

"LAGOT SA'KIN YANG gagong 'yan," galit na usal ni Jomari nang matapos kong ikwento lahat ng nangyari sa bahay pagkauwi ko pa lamang. Hindi ko kinaya ang takot na gumapang sa akin, sa pangalawang beses pa lamang niyang hanapin sa akin ang kung anong hinahanap niya. Kaagad akong tumakbo habang nagpipigil ng luha sa takot at gulat hanggang sa maaninag ko ang mga kaibigan ko sa bahay nina Mois. Naistorbo ko pa ang mga ito sa paglalaro ng Mobile Legends.

Akma nang tatayo ang mga ito nang makiusap akong manatili lamang sila rito.

"Anong 'wag? Ang tagal na nating magkakasama, hindi ka pa namin pinaiiyak. Ang lakas ng apog ng taong iyon. Tara mga tol tutal wala si Lolo."

Namumula sa galit ang mga kaibigan ko. Hinayaan ko silang magsalita dahil talagang hindi ko sila mapipigilang maglabas ng damdamin. Mapipigilan ko silang makipagsuntukan pero hindi ko mapipigilan ang mga bibig nila. I've learned it long time ago.

"Did you mean to say he looks like he woke up few moments before you arrived," Xyve elaborated. "And then he suddenly lashed at you as if you took something from him?"

I nodded.

Duke then added, "I don't see why he could yell like that. It's not likely to be him. He's actually polite last night with us," as he turned to me. "Unless something happened last night."

Natutop bigla ang dila ko nang maalala ko ang mga ginawa ni Knight kagabi. Inagaw ko ang tissue box sa palad ni Kris at saka suminghot. "Bakit parang nagbebenefit of the doubt kayo sa kanya?"

Hindi ko man inaasahan ay biglang nagsalita si Garnett. "Hindi naman sa hindi ka namin kakampihan at hindi rin sa sinasabi naming kakampihan namin siya. But any person wouldn't act like that naman siguro without any reason, right? What happened?"

Napakunot ang noo ko at saka tinimbang ang mga sinasabi nila.

I nodded.

"Binalaan ako ng kapatid niya dating hindi siya pwedeng malasing," I stated. I noticed their faces change slowly as if realizing what took place last night. "Unang beses niya yatang matikman ang Red Horse kaya ang lakas ng tama niya. Inasikaso ko pa yun kagabi kasi halos hindi niya maitayo ang sarili niya. Suka siya nang suka. Di nagtagal, naging weird yung mga kilos niya."

"What do you mean?"

"Para siyang bata. Para siyang batang nagpapaasikaso."

"Hindi kaya arte lang niya iyon?"

"Iyon din ang inisip ko kaso nung oras ding iyon, biniro ko siyang bayaran niya ako para alagaan ko siya."

"And then?"

"Hinubad niy—

"Papatayin ko yung gagong 'yon!"

"Hinde! Yung kwintas niya ang hinubad niya, patapusin niya nga ako," inirapan ko si Jomari na mula pa kanina ay siya ang may pinakamainit ang ulo. "Yung kwintas niya parang makapal na sinulid yung tali tapos ang pendant eh lumang piso."

"Binayaran ka ng piso?"

"Ewan ko ang sabi lang niya, kunin ko raw." Doon ako napahinto at nakapag-isip-isip. Itinago ko nga iyon sa—oh shit. Tinignan ko sila at tila maging sila ay alam na rin ang nangyayari.

"Lasing nga siya," Ison commented.

Tumayo ang mga ito at nagsimulang magtawanan.

"Halika, Warden," hila sa akin ni Kris palabas. "Dalhin mo kami sa ampon mo."

"Kailangan na niyang makita anglakas ng hukbo ni Boss Master," pabirong dagdag ni Caloy habang naglilislis ng manggas.

That Boystown Girl [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ