Fifty Five

123 3 0
                                    

Helyne Lee

Madaling araw na pero wala pa ring tawag si Yves. Kasama ko pa din si Felicie na ngayo'y natutulog sa tabi ko.

I was busy thinking of my daughter nang mag-ring ang phone ko. It's an unknown number.

"Who's this?" tanong ko sakanya.

"Hi dear! How are you? Did you like my surprise?" tanong nya. Tumayo ako at lumabas sa terrace ng kwarto ko.

"Bring me back my daughter!" galit kong sabi sakanya pero mahina lang ang boses ko. I don't want Felicie to wake up.

"What are you talking about?" tanong nya sakin.

"Wag mo nang ikaila. You kidnapped my daughter. Ibalik mo na siya sakin please! You're also a mother" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Oh that's bullshit! Nasaan ang tapang mo ngayon ha?" tanong niya ulit.

"Please! Ibalik mo ang anak ko, gagawin ko lahat ng gusto mo" sabi ko sakanya. Tumawa siya sa kabilang linya.

"Oh talaga ba? If I tell you to come here, gagawin mo? Pero gusto ko ikaw lang mag-isa" sagot niya sakin.

"Give me the address. Pupunta ako ngayon na. But let me talk to my daugther first" sabi ko.

Narinig kong may inutusan siyang tao na kunin daw ang bata.

"MOMMY!" Sigaw nya "Mommy I'm scared. Sunduin mo na po ako please" sabi ni Heaven. Naiyak nalang ako nang marinig ang boses nya.

"Promise anak, susunduin ka na ni Mommy. Wait for me okay?" sabi ko at bigla nalang nawala yung tawag. After a while nakareceive ako ng text, nakasulat dun ang address. Agad akong kumuha ng jacket at nagmadaling lumabas.

Sana may taxi pa na dumaan dito sa village.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Felicie Lee

"Felicie, wakeup!" dinig kong sabi sakin sabay yugyog sa katawan ko. Grabe ka naman po makayugyog koya. Sarap sarap ng tulog ko eh.

"Ano ba? Inaantok pa ko" sagot ko sa kanya.

"Pag hindi ka gumising hahalikan kita diyan!" inis niyang sabi sakin. Agad akong napabalikwas ng higa.

Kung tatanungin nyo kung sinong epal to. The name's Henessy Lim. Opo, nandito siya kasi nagpapasundo ako.

"Wow ha! Diring diri sa halik ko ganun?" sabi nya. Sinimangutan ko siya. "Btw, nasan daw si Helyne. Kanina pa siya hinahanap" dagdag nya. Dun ko lang narealize na wala nga siya.

Wait. Kailan sya nawala?

"Wala ba siya sa baba?" tanong ko. Kumunot ang noo nya.

"Babe, hahanapin ba siya kung nandun siya? Hindi pa nila siya nakikita. The last time they saw her was last night" sagot nya. He's calling me babe because were back together.

"OMG!" sigaw ko.

"What?" inis na tanong nya, may attitude din tong jowa ko eh. Kaya kami naghiwalay noon.

"I thought panaginip lang, tumayo siya sa kama at lumabas sa terrace. After that I drifted to sleep again" sabi ko. Napasapo siya sa noo nya. Papagalitan na naman ako nito.

"Haaay! Babe! Alam mong lahat gagawin nya para mahanap ang anak nya. Now tell me, saan tayo magsisimula para hanapin siya?" Henessy. See? Pinagalitan ako. "Wag mo ko dramahan, bumaba kana. Ihahatid kita sa ospital tapos tutulong akong maghanap sa kanila" sabi nya ulit. Sabay abot saken ng paperbag na may lamang uniform ko.

"I've checked the cctv sa guard house, sumakay sya sa taxi. But come to think of it. Alas dos na yun ng madaling araw, hindi na allowed pumasok ang public vehicles sa loob ng village" Tito Irvin.

"Mukhang planado ang lahat Dad" sabi ni Yto. "Should we call Yves?" dagdag niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa umuuwi si Yves.

"No. We should find Helyne first. He would go berserk pag nalaman niyang pati si Helyne nawawala" Tito Irvin.

"Tito, I'm sorry hindi ko siya nabantayan" maluha-luhang sabi ko.

"Hindi mo kasalanan hija, walang nakaisip na gagawin nya to" sabi naman ni Tita Yoora.

"Pero ako po ang kasama niya magdamag. Had I known it, hindi na sana ako natulog" sagot ko.

"Pumasok ka na, babalitaan ka namin pag nahanap na sya. For now were trying to contact the taxi's operator para alamin lahat ng detalye" Tito Irvin. Tumango naman ako at nagpaalam na kami ni Henessy.

"I'm going to call Xharles" sabi nya.

"Nababaliw ka na ba? Guguluhin mo lang yung tao. Masaya na yun sa buhay nya. Let's not confuse him anymore" sagot ko. Alam ko kasing may feelings pa yun sa pinsan ko.

"Still, may karapatan siyang malaman kung anong nangyayari. Mag bestfriends sila hindi ba?" sabi niya.

"Okay your call" sagot ko, hindi ko na muli siya kinibo. Ganito talaga kami, madalas kaming mag-away kahit na maliit na bagay lang. "Wait! Call him now" bigla kong sabi. Naalala kong matatrack ni Xharles kung nasaan si Helyne. Connected ang phone nito sakanya.

"Kanina ayaw mo, ngayon gusto mo. Ano ba talaga?" tanong ni Henessy. Inirapan ko lang siya at ako nalang gumawa ng pinapagawa ko.

"Xharles!! We need you! Pwede ka bang lumuwas?" sabi ko.

"Wait! Bakit biglaan naman yata?" tanong nya sa kabilang linya.

"Ipapaliwanag ko pagdating mo dito. Please we need you this instant" sabi ko.

"Okay, I'll do my best to get there as fast as I could. But you know Yves and Tito Mich is the boss might as well call them to lend me a chopper" sabi niya.

Right. Kailangan na ngang malaman ni Yves to.

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now