Six

222 7 0
                                    

A/N: Sorry na, pagtiyagaan nyo muna to for now, busy lang talaga sa work. Mehehe! Audit na naman kasi. Hays!

-

Vienna Helyne Lee

"BAKIT hindi mo sinasagot mga tawag ko?" Tanong sakin ni Yves pagpasok ko ng sasakyan nya. It didn't take long bago ko mahanap yun. So, hindi niya gamit yung sasakyan na kilalang kilala ng lahat.

"Sabi ko nga sayo, bakit ko sasagutin yun? Close ba tayo?" Sagot ko sa kanya. He massaged his temple.

"Wala lang ba para sayo yung mga nangyari?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

"Ofcourse it matters! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon, babae ako. Mahalaga para sa akin kung anong kinuha mo!" Ako. Nagiwas ulit ako ng tingin, ayokong makita ang reaksyon niya hangga't maaari.

"Yun naman pala eh, bakit ayaw mong makipagusap sa akin? There's a lot for us to talk about alam mo yan. Kung anuman ang nangyari, pananagutan ko yun" Sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"I'm going to court you, be my official girlfriend" Yves.

Ha? Official? Courting pa lang tapos official girlfriend na?

"Why would I be? Hindi ako katulad ng mga artistang ginegirlfriend mo para lalo kang sumikat, I am not one of them. At isa pa, you'll not gain from me, hindi ako isa sainyong mga sikat. Ayoko ng showbiz" Ako.

Totoo naman yun, kaya hindi ako artista o modelo katulad nila ng mga kapatid ko dahil sa sarili kong desisyon. Masyadong magulo ang mundong yun. And I know Xharles is going in that world soon. He's my bestfriend and kailangan ko na rin siyang iwasan pag nangyari yun.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin Helyne, I will not court you because of what had just happened between the two of us. Matagal na kitang gusto, oo iniwasan kita. Kasi natakot ako, there's a career waiting for me" Yves.

"Yun naman pala eh, may career ka. I am just a nobody. Marami pang iba diyan. I don't like to end up just like my Mom. Kung ano man ang nangyari tapos na yun, wala nang magbabago. I should leave, Kuya Heedo's here" tumingin ako sa gate, oo. Malapit kasi sa gate nakapark si Yves. "If he saw you with me, he'll get a hint. He'll kill you for sure" Inayos ko ang sarili ko at akmang bubuksan na ang pinto ng bigla niya akong higitin at halikan.

Natulala ako. But after a while I found myself responding to his kisses. Damn you Yves Jung!

"Action speaks louder than words Babe" He said after we broke the kiss. Ugh! "Sabihin mo man o hindi, alam kong may feelings ka pa rin para sa akin" Ahh. Kaya pala confident siya? Tsk.

"Ano naman sayo?" I arched my brows.

He pulled me once again and gave me a smack.

"See you at home" He said with a grin on his face.

Magsasalita pa sana ako pero nagring ang phone ko. It was Kuya Heedo on the line.

"Ang tagal mo naman kuya!" Sabi ko pagkasagot ko pa lang ng tawag.

"Eto na nga eh, sorry na. Na-late matapos ang taping, nasan ka ba?" Tanong niya.

"Ikaw ang nasan, pupuntahan nalang kita diyan" Ako.

"I'm at Bay 6" Sabi niya.

"Okay. Wait lang" And then I hang up. Bay 6 is near the school building. Hays! Ang layo pa tuloy ng lalakarin ko.

Tinignan ko ulit si Yves at nginitian niya lang ako. Inirapan ko naman siya. Bwisit!

8:00PM ng makarating kami ni Kuya Heedo sa bahay. Nandun ang buong barkada, at may iba pang kasama. Who are they?

"Yo Heedo!" Bati ng isa kay Kuya.

"Yo Aron" Bati ni Kuya pabalik.

"Ganda ng chicks mo ha" Aron ulit.

"'Gago! Kapatid ko 'to" Binatukan niya yung Aron daw.

"Ooooh. So, what's your name Miss?" Tanong nito sa akin. Napatingin siya sa likuran ko kaya napatingin din ako. Yves is there already, ang bilis niya ha? Alam kong nauna kami ni Kuya umalis.

"Back off, she's not available" Si Ate Vera naman.

"Ang KJ mo naman Helena" Aron ulit.

"Yeah, back off Aron. I'll kill you pag lumapit ka sa kapatid ko" Kuya Heedo, napairap na lang ako at tumuloy sa mga barkada ko. Narinig ko pang magsalita yung isang barkada nila. "Ang overprotective mo naman!"

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Felicie sakin.

"Ang tagal ni Kuya eh, dapat pala sumabay na lang ako sa inyo ni Tito Jin kanina" Ako. Umupo ako sa tabi ni Xharles. Eh ganun lagi pwesto namin.

Tinawanan lang ako ni Felicie at nagpapak na ng snacks.

"Wag ka na mabadtrip. Next time kasi ihahatid na lang kita" XX.

"Ano ka ba X, hindi mo ko obligasyon. That's my Kuya's obligation" Sagot ko sa kanya.

"Guys! Dun tayo sa garden" Sabi ni Ate Vera.

Sumunod na lang kami, ang alam ko barkada ko lang ang nandito. Bakit pati barkada nilang magkakapatid nandito din?

May dalawang mahabang lamesa dun. Isa para sa kanila, isa para sa amin. Busy silang magkwentuhan, my attention should be on our table pero parang nanghahaba ang tenga ko dahil sa kabilang lamesa nakatuon ang pandinig ko. In case may sabihin si Yves na hindi maganda, babatuhin ko siya ng boteng hawak ko.

Pero syempre sa isip ko lang yun pwedeng gawin.

"Alam nyo bang may naiscoran na 'tong si Yves" Sabi ng isa nilang kasama.

Nasamid ako dahil sa narinig ko. Tangina! Kiss and tell?

"Okay ka lang?" Tanong ni Pixie. Siya kasi ang katabi ko sa kaliwa, at si XX sa kanan.

"Oo, nasamid lang" sagot ko.

"Dahan dahan naman kasi Vien, hindi ka naman sabik sa alak no? Hindi ka pa nga nagdidinner eh" XX.

"Oo nga pala, diyan muna kayo. Kakain lang ako. Samahan mo ko" Sabi ko kay XX.

Nakita kami ni Kuya Heedo na tumayo kaya nagsalita siya. Lahat tuloy ng atensyon nasa amin ngayon.

"Oy oy! San kayo pupunta?" Tanong niya.

"Kakain akong dinner, sasama ka? Kasalanan mo 'to eh" Sabi ko sakanya at nagcross arms pa. Dapat by 7PM nakapag dinner na ako, kaso late nya ko sinundo kaya di ako nakakain sa oras.

"Kakain lang ha, wag aakyat sa kwarto" Bilin ni Kuya. Inirapan ko lang siya. Nagkatinginan kami ni Yves, katabi kasi siya ni Kuya. He glared at me. Whatever!

Wala pa si Yto? Narinig kong nagsalita yung Aron.

"Akala ko ba walang boyfriend?" Tanong niya kay Kuya.

"Kailan ko sinabi?" Tanong ni Kuya Heedo. Ganyan yan, si Xharles ginagamit niya para sabihing hindi ako available. 

I am really sorry for my bestfriend. 

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now