Twenty Eight

150 6 0
                                    

Vienna Helyne Lee

"SAAN kayo galing?" tanong ni Ate Vera. Lovey dovey na naman sila ni Frost.

"Sa shore" tipid kong sagot. Magkasabay kasi kaming bumalik ni Yves. "Pasok muna ko sa kwarto" sabi ko, hindi ko na hinintay na sumagot sila. Pag labas ko nakaupo na sila sa harap ng round table, they were having a snack. It's 3pm afterall.

"Tomorrow, 6am aalis ang bangka papunta sa Isla. Mauuna kayo ni Yves to check on the materials. Susunod kami nila Yto at Frost ng mga 7am" Ate Vera. Hindi halatang pinagsasabay nya kami ni Yves no?

"Okay" yun lang ang sagot ko. Wala naman ng kaso sakin, Yves and I are both civil. Trabaho trabaho lang.

"Hihintayin muna namin yung contractors na dumating at sabay sabay kaming pupunta dun" Frost. Medyo nabawasan na ang pagiging cold nya.

"Hindi pa din ba bumabalik si Yto?" tanong ko. Wala pa kasi siya at kanina pa huminto ang ulan.

"Malamang pabalik na yun, oo nga pala since it's Saturday tomorrow. Heaven and Lyle is going to be here" What? Nagulat ako sa sinabi ni Ate.

"What? Sinong kasama nilang bumyahe?" tanong ko.

"Pinahatid ko sila sa driver kasama ang maid nila, but Dadad wants to go with them. Si Lyle lang dapat kaso gusto sumama ni Heaven" Ate Vera.

"Finally! I can be with my Son the whole day" masiglang bati ni Frost.

"Son?" tanong ni Yves.

"Yes brother, Lyle is my Son" sagot ni Frost sa kanya.

"H-how? I mean, I know how. Pero paanong nangyaring anak mo sya?" naguguluhang tanong ni Yves.

"Hindi ba sinabi ni dadad sayo?" sabi ni Ate. "When I left 5 years ago sinabi ko kay Dadad kung sinong ama ng dinadala ko" dagdag nya.

"Oh. Okay" yun lang ang sagot ni Yves at tumingin sakin. I gave him a what look. Umiling lang sya.

Umiwas na ko ng tingin at humarap ulit kila Ate. Ilang minuto pa kaming nagstay dun bago nagpasya sila Ate na pumunta sa palengke para mamili ng gabihan. Naiwan na naman kami ni Yves. Si Yto daw ay nasa hotel room na nya.

🔹🔹🔹

Vera Helena Lee

I WAS inside my hotel room, nakatingin ako sa magandang view ng kalmadong dagat. Ibang iba sya sa view kahapon.

"What were you thinking?" Tanong ni Frost. He hugged me from the back.

"Wala lang" sagot ko. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari sa paguusap namin, well. It went out well. He cried nung nalaman nyang anak nya si Lyle. Frank Lyle Jung Saavedra. Hindi sya nagalit na tinakbuhan ko sya at hindi pinaalam ang tungkol sa anak namin, infact sinisi nya pa nga ang sarili nya. Ang manhid nya kasi.

"Wait, let me just answer this first" sabi nya. Tumunong kasi ang cellphone nya.

"Dad, I told you already the wedding is off" dinig kong sabi nya, nakatingin ako sa kanya ngayon, ganun din sya. "No. Matagal ko na siyang hindi mahal, you know she left me for another man. Ipagpipilitan nyo pa rin ba yun? Iba na po ang mahal ko" he looked at me with eyes full of love.

Nakwento nya sakin na napilitan lang sya magpropose sa ex nya dahil lang sa kagustuhan ng Daddy nya. There was an agreement between them. That time, sinabi ng Daddy nya na pag wala siyang naiharap na matinong babae ay itutuloy nila ang engagement, wala ako nung mga panahong yun.

"You know her. Yes Dad, ipapakilala ko siya sainyo ni Mom pagbalik namin. I also have a surprise for you" Frost. nakangiti na ito ngayon. "Thanks Dad!" After that he hang up.

"They want to meet you" sabi nya sakin.

"Nagkita at nakilala naman na nila ako noon diba?" sagot ko sa kanya.

"Yes. But as my friend, not the woman I love" kinilig naman ako sa sinabi nya.

"I love you" sabi ko sa kanya.

"I love you so much" sagot nya sakin. "I can't imagine my life without you again" dagdag nya.

I initiated the kiss, hindi ko na kasi alam kung ano pang dapat kong isagot. My life is so full, I'm happy. I'm contented.

🔹🔹🔹

Vienna Helyne Lee

7am ng makarating kami sa Isla, 1 hour kasi ang byahe galing sa Isla na pinanggalingan namin papunta sa kung saan itatayo ang resort.

Pababa na ko ng bangka ng biglang humampas ang alon, pumikit nalang ako dahil expected kong mahuhulog ako sa tubig.

"Careful" napadilat ako bigla ng marinig ang boses na yun. Nakatitig lang ako sa kanya, why is my heart beating fast? I can't be.. No dahil lang to sa kaba. Nakahawak sya sa balakang ko.

"Thank you!" mabilis akong umiwas at naglakad na ulit. Pagbaba namin ay may naghihintay ng shuttle na maghahatid samin papuntang site.

"I think the materials are good, now we just need to wait for them para masimulan ang project" Yves.

Bakit ba mas gwapo sya ngayon? No Helyne, ano bang sinasabi mo? Stop day dreaming.

"Helyne?" tanong ni Yves.

"H-ha? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya. Tumawa sya ng bahagya. Oh God, I missed those laughs.

"I said you can rest for a while, tapos na tayong magcheck ng materials" sabi nya.

"A-ah sige" sagot ko. Tumingin ako sa wrist watch ko, it's 10am already. Malamang ay malapit na sila Ate dumating. Ang sabi nya kanina baka kasama nya na sila Tito Irvin pagpunta dito.

"MOMMY!!" dinig kong sigaw sa di kalayuan, I know it's my daughter. Napangiti ako. Frost is carrying Lyle, masayang masaya ang pamangkin ko. Si Heaven ay bitbit ni Tito Irvin.

"Hi sweetie! How are you?" tanong ko sa kanya.

"I'm good Mommy, Dad says hi" sabi nya. Tumango naman ako, XX is out of the country.  1 month bago sya makabalik, may world tour kasi sila.

Inakay ko sya papunta sa kung saan ako nakaupo kanina.

"Heaven" tawag ko sa kanya, umiinom kasi sya ng tubig. Tumingin naman sya sakin. "What if Daddy Xharles is not your real father?" tanong ko sa kanya.

"It's okay, I know that he's not my real father" sagot nya na ikinabigla ko.

"How did you know?" tanong ko ulit sa kanya.

"Daddy says the truth, but he didn't say who was my real Dad is. He says to ask you about that" sabi nya.

Why are you doing this X? Naluha ako sa sinabi ng anak ko. Talaga bang five years old lang sya?

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now