Forty Five

116 5 0
                                    

Felicie

We hang out until morning. And atlast I got the chance to talk to Xharles. He's having a coffee sa garden. While the others choose to sleep.

"Why did you do that?" tanong ko sa kanya. He just looked at me and looked at the magazine he's holding.

What? Silent treatment?

"Fine. If you don't want to say the reason to me then don't, I just want to say you're an asshole for doing that to Helyne" sabi ko. Tatalikod na sana ako when I heard him chuckled. "What? Tatawanan mo nalang ganun? She nearly had a miscarriage. Kung hindi mo kayang ituloy yung kasal at akuin ang hindi mo anak sana maaga palang kumalas ka na, hindi yung pinaasa mo sya" dagdag ko.

"I love her, that's why I did that. Hindi naman siya papayag na may mangyari sa kanila kung hindi nya pa mahal si Yves hindi ba? Paulit ulit nalang ba? Sana binigyan nya rin ako nang kahihiyan. Yes I am willing to take responsibility again, but then naalala ko yung sinabi ni Mommy. Bitawan ko kung alam kong hindi para sakin" Xharles. Nakita ko kung gaano sya kalungkot. Alam kong nasasaktan din sya. I am so insensitive, dapat hindi ko na tinanong yun.

"Sorry, ang sensitive ko. Siguro nga hindi kayo para sa isa't isa. But Yves and Helyne were also not meant for each other. He's already married and his wife doesn't want to sign the annulment papers, anyway. Goodluck with your new relationship" tumango lang sya. It is true then?

Being inlove is really not easy. Sabi nga nila pag nakita mo na yung taong mas mahal ka kaysa sa sarili nila, wag mo na daw pakawalan. Xharles loved Helyne more than himself. Ang kaso wala eh, tanga talaga yung pinsan ko.

"How is she?" tanong nya sakin. Umupo ako sa katapat niyang upuan. I am also drinking my coffee.

"How is she? She's fine. How is she coping up? I don't know" sagot ko. Tumango lang siya, he must've missed my cousin so much. It's been weeks afterall.

"Just please take care of her, I couldn't do it again" sabi niya at tumayo. "I'm going home, pakisabi nalang sa iba" tumalikod na siya at kumaway nalang sakin.

Haaay! I pity them both.

.
.
.
.
.
Helyne

Alas diyes na ng umaga nang magising ako. Hindi din kasi ako nakatulog agad. I waited for Yves to text me na nakauwi na siya. I don't know why it took him thirty minutes eh diyan lang naman sa kabilang kanto ang bahay nila?

I immediately grabbed my phone. I got several texts. Dalawa kay Felicie, isa sa secretary ko at isa kay Yves. Huh? Kailan pa kami naging textmates?

From: Yves Jung

Goodmorning!

Yun lang. Why would he greet me a good morning?

From: Felicie Lee

Cous, I've talked to Xharles.

From: Felicie Lee

Please don't hate him, he's also in pain. Talk to him pag okay ka na.

Hindi naman ako galit sa kanya, sadyang ayoko lang munang harapin siya. And besides, bat ako ang lalapit? Hindi naman ako ang nangiwan.

To: Felicie Lee

I don't hate him, it's just that I can't face him yet. At siya dapat ang lumapit hindi ako.

I read the last text from my secretary.

From: Dianne

Ma'am you have a meeting at 2pm. Sabi po ng Daddy mo ikaw ang umattend, it's about the project in Olongapo.

Why? Nag pullout ako don. Yves and Xharles were both handling the project. Tapos ako ang aattend ng meeting? Why not Ate Vera?

Naligo ako bago bumaba ng kusina, naabutan ko pang kumakain si Mom at Dad.

"Having late breakfast I see?" sabi ko sa kanilang dalawa. They both look and smiled at me.

"Sinadya talaga naming magpalate para sabayan ka, come on have a seat" Daddy. Umupo ako sa pwesto ko sa kanan niya.

"Dad, why am I the one to attend the meeting today at 2pm?" tanong ko sa kanya.

"Because I promised your mom a date. Ilang buwan na rin kaming hindi nakakalabas eh" sagot ni Dad. Mom giggled. Jusko! Ang tanda na nila ang kire kire pa.

"Eww. Okay fine, I'll attend the meeting but last na to. Ayoko nang mainvolve dun. Tsaka bakit hindi mo nalang pinamove?" tanong ko.

"Yves and Xharles flew late last night, nakakahiya namang bawiin pa yung schedule" Dad. So nung bilhan niya ako ng pineapples ay galing pa siya ng Olongapo? "I heard you had a visitor last night?" Panunukso ni Dad.

"Talaga?" si Mom naman. Omg! Para akong teenager na nagdadalaga kung asarin nila.

"Can we quit the teasing? Yes I had a visitor because I asked him a favor" sagot ko.

"Ano namang favor yun? Tsaka bakit siya pa?" tanong ni Daddy.

Hindi ko alam kung may galit siya kay Yves o ano eh.

"Because I had no one to ask. Remember Xharles left me, sa mga ganong panahon siya lang ang nahihingan ko ng pabor. Hindi ko rin alam kung bakit si Yves ang tinawagan ko" sagot ko kay Daddy, medyo tumataas na ang boses ko dahil naiinis na ako.

"Enough na, huwag kayong mag away sa harap ng pagkain. So sinabi mo na ba sa kanyang buntis ka?" Mommy.

"Yes. Malalaman din naman po niya yun" sagot ko.

"Buti naman at nagiisip ka na nang tama ngayon?" Daddy.

"Dad, there's no point in lying. This is his second child. Ayoko na pong ipagkait yun sa kanya" sagot ko. Tumango lang siya. Wala na ulit nagsalita samin at tinuloy na lang ang pagkain.
.
.
.
.
.
"Ateee, bakit ba hindi nalang ikaw ang makipagmeeting sa kanila?" kausap ko si Ate Vera sa phone habang binabasa ko yung agenda ng meeting mamaya. 1pm na, I literally skipped lunch. Ugh, kasi naman eh.

"Okay ka lang? Alam mong may ibang meeting ako sa oras na yun, kung wala lang eh bakit hindi? I know what you are going through. At alam kong alam din yun ni Daddy Mich. Pero wala tayong choice, ikaw nalang talaga ang pwede" Ate Vera. Alam kong nasa byahe na sya papunta sa meeting na sinasabi nya. May mga naririnig kasi akong sasakyan.

"Ugh, okay okay! Since professional akong tao fine makikipagmeeting ako sa kanila" Hindi ko na siya hinintay sumagot at binaba ang tawag. I called Dianne sa Intercomm. "Dianne, be ready in 15 minutes. Gusto kong mauna tayo sa conference room" sabi ko.

"Pero ma'am maaga pa po, 1pm palang. 2pm pa po ang meeting, I suggest you eat your lunch first" Dianne.

Hindi ko naman minamasama ang pakekealam nya, she's also a friend of mine and alam kong concern sya sakin.

"Basta, be ready in 15 minutes. Mamaya na ako kakain pagkatapos ng meeting" Ako. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon nalang.

Mabilis lang sana matapos ang meeting. Ayokong makasama yung dalawang ex ko sa iisang kwarto ng matagal. Haaay!

A/N:

Seryoso, hindi ko alam san papunta tong kwentong to. Hahaha! Comments please. 😊

Secret Love ✔️Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα