Eight

224 9 5
                                    

Vienna Helyne Lee

From: Finn Yves

Let's have lunch together :)

Napangiti ako sa text niya. Siniko naman ako ni Felicie. Sinamaan ko lang siya ng tingin, minsan na nga lang kiligin eh. Tsk!

So kung nagtataka kayo kung anong nangyari. Ganito yun..

Flashback

"I should get inside. You know how I feel for you, ayokong maging past time mo. Let's forget about what happened" Sabi ko sa kanya.

Nagmadali akong lumabas sa sasakyan niya, I can't hold my tears anymore. Malapit na ko sa entrance ng front door ng bigla kong maramdaman ang yakap niya. Back hug.

"Don't be so cold, hirap na hirap na ko Helyne. Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Akala mo ba past time lang kita? I don't play with feelings, I take them seriously. Alam mo ba kung anong rason ng paglayo ko sayo?" Tanong niya, I shook my head. "Love, I love you back then that it hurts seeing you hurt. Pero kailangan kong iwasan ka, takot akong saktan ka. But damn! Habang pinapaniwala ko ang sarili kong wala na akong nararamdaman mas lalo akong nahuhulog sayo"

Those words struck my heart. Tagos hanggang buto. Finally, the man I love also loves me.

"It hurts seeing you with my twin, I know he likes you too. It hurts seeing you with your bestfriend Xharles. Hindi mo alam na pinangarap kong maging siya para lang makasama ka"

"Why are you telling me this all of a sudden?" I asked in between my sob.

"I'm telling you because I can't hold it anymore, I'm willing to take risks" Yves.

"Even if it means leaving your career?" tanong ko. Hindi siya nakasagot. I knew it, mas mahalaga ang career niya sakin. "Tss. I'm so stupid asking you the question yet I know your answer already" Pinilit kong kumawala sa yakap niya.

"Please, let's just give it a try" Yves. Hurt was evident in his voice.

"Fine, let's give it a try. But let's do it privately. Walang ibang makakaalam lalo na ang mga kapatid natin" Ako. Pinihit niya ko paharap ang niyakap ulit. After a while, he kissed me on my lips.

End of Flashback

I texted him back saying yes. At pag sinabi niyang sabay kaming maglunch, hindi yun literal na sabay. Sabay lang sa oras, he's with his friends and my siblings, ako kasama ko ang barkada ko.

Nagpunta kami ni Felicie sa canteen, first time mauna nila XX samin. Kaming dalawa na lang ang kulang, ang arte kasi ni Felicie, inayos nya pa ang locker nya kahit sobrang ayos na nun.

"Vien, palaro sa phone mo" Sabi ni XX. Inabot ko lang yun sa kanya. Alam ko namang hindi siya mangengealam ng messages ko.

Habang kumakain ako paminsan minsan ko din tinitignan si Yves, mahuhuli ko siyang nakatingin sa kin at biglang ngingiti. Siniko na naman ako ni Felicie at inabot ang phone niya sakin.

"Stop staring at each other! Mahuhuli pa kayo sa ginagawa nyo"

Binura ko yun agad at binalik sa kanya. Nagkibit balikat lang ako. Okay, we should be careful. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

"Para ka namang manok kumain" Sita satin ni XX. Nakatingin na pala siya sakin.

"Anong parang manok? Ang dami na nga nitong pagkain ko" sagot ko sa kanya.

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now