Thirty

140 3 0
                                    

Helyne's POV:

Nandito ako ngayon sa bahay nila Tito Irvin, nandito rin kasi sila Ate at sila Mommy. May semi reunion daw sila. Every month nalang ba dapat sila mag-get together?

"Hi Helyne hija, how are you?" tanong ni Tita Ceana pagpasok ko ng Garden. Kumpleto na sila dun.

"I'm good Tita" sagot ko sabay nagbeso ako sa kanya, sinunod ko naman ibeso yung iba nilang kaibigan.

"Where's Xharles?" tanong ni Pixel sakin.

"Next month pa balik nya, may world tour sila eh" maikling sagot ko nalang.

"Ang lungkot pala mag boyfriend ng idol" sabi ni Heather.

"Hindi naman, may communication pa din naman kami despite his busy schedule" sagot ko.

Naka-hiwalay ang table namin sa table ng mga tanders. Iba naman kasi ang bonding nila sa bonding namin. Nakahiwalay din sila Ate.

"Okay na pala sila Ate Vera at Frost?" tanong ni Felicie. Sobrang sweet naman kasi nila, naka-lean ang ulo ni Ate sa balikat ni Frost.

Biglang lumingon si Yves kaya nagkatinginan kami. Umiwas nalang din ako, ayokong mamisunderstood nila. Katabi nya kasi yung asawa nya.

"So? Alam nya na ba?" tanong ni Gab. Alam ko naman kung anong tinutukoy nya.

"Yes. Nung nasa resort kami at dumalaw nila Heaven sinabi ko na sakanya. He's happy" sagot ko.

"Ayun naman eh. Ofcourse he should be happy, eh hanggang ngayon mahal na mahal ka nyan" Meicy.

"Alam mo ikaw, fake news ka rin eh. Hindi naman napatunayan yang sinasabi mo, kung talagang mahal na mahal nya si Helyne bat sya nagpakasal?" Pixie.

"May mga bagay kasi na hindi naman natin alam, hindi natin alam yung side ng kwento nya" Hennesy.

"Ang galing naman po pala ng kuya ko! San mo natutunan yan?" sabi ni Heather na ikinatawa ng lahat. Binatukan tuloy sya ni Hennesy.

Ang tanging alam ko lang kung ba't sya nagpakasal eh dahil akala nya sa kanya talaga si Yarah. Pero mahal? Ako? Mahal nya pa? I don't know.

"Ano palang gagawin mo pag nalaman na ni Mira ang totoo? For sure aawayin ka nun" Pixie.

"Wala naman sya karapatang gawin yun sa pinsan ko. Hindi naman sya mistress eh, tska hello. Mas naunang nagkaanak silang dalawa, mas matanda ng isang buwan si Heaven" sabi ni Felicie. Hindi nya kasi alam na hindi talaga anak ni Yves si Yarah.

"Sabagay, pero lumaban ka ha friend. Wag ka basta papaapi dyan sa bitch na yan. Ang dami nang nangyari sayo dahil sa kanya" Gab. Tumango lang ako at ininom na yung wine na kanina pa nasa harap ko.

"Goodevening Friends and Family, thank you all for coming tonight" lahat kami tumingin sa kanya, hindi nya naman kailangan gumamit ng mic dahil kami kami lang naman ang nandito sa garden. " I know all of you are all busy with your schedules. But this night is very important to our family" dagdag ni Tito Irvin. May sinenyasan syang maid tapos pumasok ito sa loob. "I want you all to meet my grandson, Frank Lyle Saavedra. Alam kong alam nyo na anak sya ng anak kong si Vera. But I also want you to know his Father. Frost Lynx Saavedra" nagulat sila Tita at Tito ng malaman na si Frost pala ang tatay ni Lyle. Lumabas yung maid kasama sila Lyle, Heaven at Yarah.

"Wait, there's more!" Excited na sabi ni Tito Irvin, pati si Tita Yoora nagulat sa sinabi nya. So hindi pa alam ni Tita? "I know some of you knew about it, but I still want to introduce her to you as a part of our family" tumingin sya sa direksyon kung nasaan ang mga bata.

Hindi ko gusto ang mga susunod na mangyayari.

"OMG cous! Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari" Felicie. I signed her to keep quiet dahil mas kinakabahan ako.

"Yves anak, can you get your daughter please" sabi ni Tito Irvin. Naguguluhan namang tumingin si Yves sa kanya pero tumayo pa rin ito at pumunta sa kinaroroonan ng dalawang bata, si Lyle kasi nakay Frost na. Tumapat sya kay Yarah, it made my heart hurt. Damn! She's not your daughter. Nakita kong umiling si Tito Irvin. Yves' sighed. Na-gets nya na siguro ang gustong sabihin ng Daddy nya. I saw Tita Yoora asked what Tito Irvin is doing. Tumango lang ito at sinabing it's okay. Binuhat ni Yves si Heaven palapit sa table ng mga tanders. "I want you to meet my grandaughter, Heaven Yumi Jung"

"No/I knew it" sabay na sigaw ni Mira at ni Tita Yoora.

Everyone was shocked about the revelation. Sino bang hindi? Ang alam nila si Xharles ang ama.

"Omg Heaven" tumayo si Tita Yoora at niyakap ang anak ko. Ganun din naman ang ginawa nito.

Nag walk-out si Mira kasama ang anak nyang si Yarah. For sure galit na naman yan sakin.

"I want you all to know that Yarah is not my grandaughter" Tito Irvin. So hinintay nya lang talaga umalis yung mag-ina?

"Dad, we already talked about this" Yves.

"No. Everyone should know kung anong klaseng babae yang asawa mo, that's why I was so against your marriage in the first place, pero ano? Naniwala kang anak mo ang dinadala nya" Tito Irvin.

Okay lang magdiscuss sila sa harap namin ng ganyan, because everyone is a part of the family. Magkakapatid ang turingan ng lahat ng former member ng Press Play.

"I think you're too much!" Yves.

"This isn't too much Son. Infact, dapat nga noon mo pa nalaman ito hindi ba? You've given so much pain to my grandaughter and her Mom" Tito Irvin. Tumingin sakin si Yves. Tinignan ko lang din sya.

"Wag nga kayo mag-away sa harap ng apo ko" It's Daddy Mich. "Tinatakot nyo yung bata" dagdag nya, kanina pa kasi nakatingin si Heaven sa dalawang nag-aaway.

"I know you treasure Yarah, but it's time you make it up to your daughter and the Mom" Tito Irvin.

"Oopss. Just the daughter only hyung, just the daughter!" singit ni Tito Stanley kaya natawa ang lahat. Syempre, threatened sya para kay Xharles.

"You should be threatened, patigilin mo na kasi sa showbiz yang anak mo" Pangaasar ni Tito Euros. Napailing nalang ako.

I know he doesn't need to feel scared or what, I love Xharles. Yes, I love him.

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now