Forty Eight

118 3 0
                                    

A/N:

May nakakaalala po ba ng fullname ng characters ko dito? Haha. Paki-comment naman po, di ko kasi maalala. Hahaha! Nawala yung listahan ko sa sobrang tagal. Lol! 😂

-

Felicie

Dahil midshift ako ngayon, minabuti ko munang daanan si Helyne sa office. Baka kasi nakasubsob na naman sya sa trabaho nya.

"Hi Dianne, nandyan si Helyne?" tanong ko sa secretary nya.

"Goodafternoon Ms. Lee, may bisita po siya eh" sagot ni Dianne saken. Kumunot ang noo ko, sino naman ang bisita nya? Last time I've checked nasa Olongapo ang suitor nya.

"Sino daw?" tanong ko, tumingin naman sya sa logbook nya.

"Uhm, Mirabella J--" hindi ko na hinintay na matapos nya ang sasabihin nya. My cousin's life is in danger.

Tumakbo ako papasok sa office nya, at tama ang kutob ko. She's already lying on the floor and crying for help.

"What did you do?" sigaw ko kay Mira. Nakatayo lang sya at nakatitig kay Helyne. Kinuha ko agad ang phone ko. Oh gee! Whom shall I call? "Hello? Yes Hennessy? We need help, I need you to get here as soon as possible. Ha? Oo si Helyne kasi basta mamaya ko na ikukwento, dalian mo na!"

"Help me! Yung baby ko cous!" Helyne. Wait? Should I call her mom and dad? Ang alam ko umalis si Tito Mich kaninang madaling araw.

"Oo cous, wait lang ha? Parating na si Hennessy" sagot ko sakanya. Wala pang limang minuto dumating naman sya. Halos katabi lang kasi ng building nato ang building nila.

Hindi na sya nagtanong dahil obvious naman kung anong kalagayan ng pinsan ko. Pagtapos syang ipasok sa emergency room tsaka lang ako kinausap ng mokong.

"What happened to her?" tanong nya.

"Obviously she got a fight with Yves' wife. Ugh! That bitch I am so gonna kill her pag may nangyaring masama sa pamangkin ko lalong lalo na sa pinsan ko" inis kong sagot kay Hennessy.

"Should we call the others? And her parents? Might as well call the Dad of the baby?" Hennessy.

I gave him a what look. He seriously wants to call Yves?

"Look Am, karapatan nyang malaman yun. Minsan nyo nang pinagkait sakanyang maging ama ng isang bata. If I were in his shoes magagalit talaga ako, hindi nya rin naman desisyong lumayo sj Helyne noon. It's your cousin's decision, I'm a friend of her pero sana naman mag mature na tayo, several years have passed" litanya nya. Okay? Pinangaralan nya na naman ako, so what to do? Edi ipaalam na nga. "Diba you told me umalis sila Tito Mich kaninang madaling araw? For sure pabalik na sila, remember may gathering ang pressplay sa bahay nila Tito Stanley ngayon" tumango ako bilang pagsagot sakanya.

"I'll call Tita Sam, you call the others" hindi ko na sya inantay sumagot at lumabas muna para makahanap ng magandang signal. Ilang ring lang ay sumagot na sya agad.
.
.
.
.
.
Pixel

I accompanied mom and dad dito sa bahay nila Xharles dahil alam nyo na, schedule ng monthly gathering ng press play. Tsaka gusto ko din kamustahin si Xharles, gusto ko siyang makausap tungkol sa babaeng pinakilala nya, hindi ko lang matyempuhan kasi palagi niyang kasama. Siguro naman since maaga kaming dumating wala yung babae dito no?

"Hi Tita, goodmorning!" bati ko kay Tita Ceana, siya kasi ang nadatnan namin sa garden, nagkakape. Adik daw kasi si tita sa kape.

"Goodmorning hijo, bakit ikaw lang ang kasama ng parents mo? Nasan si Pixie?" tanong nya.

"Naku tulog pa yun" si mom ang sumagot habang nagbebeso sila.

"Ugh, you juice or coffee?" tanong ni Tita.

"Coffee ako" sagot ni Dad.

"Juice nalang ako, I don't drink coffee" sabi ni Mom.

"Uhm, tita mamaya nalang po ako. Nasan po pala si Xharles?" tanong ko.

"Oh, nasa kwarto nya yun. Puntahan mo nalang" sagot nya with a slight smile on her face.

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon at dumerecho na paakyat sa kwarto ni Xharles. Kabisado ko naman ang pasikut sikot dito. Hindi na rin ako kumatok at binuksan ko nalang ang pinto ng kwarto nya. Surprisingly naka-lock yun, never siyang naglock ng pinto ng kwarto.

"Oh nandito na pala kayo?" tanong ni Tito Stanley. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.

"Kararating lang po namin tito" sagot ko. Tumango naman siya.

"I'll see. Sige maiwan muna kita, puntahan ko na muna sila hyung at mommy mo sa garden" Tito Stanley. Ngumiti lang ako. "Oh by the way nalimutan ko, sumabay kana pala sakin pababa. Xharles is with someone, so baka mamaya pa yan bumaba" sabi nya, iilang hakbang palang ang nagawa niya.

He's with someone huh? I bet it's the girl. Kailan pa natuto si Xharles makipag live-in?

"Oh, goodmorning love!" bati ni Tita Ceana kay Tito Stanley. "Pixel, sorry. I forgot to tell you na Xharles is with someone"

"Okay lang po tita, buti po nakita po ako ni Tito Stanley" sagot ko. Ngumiti lang siya attinabihan ang asawa. Umupo nalang ako sa kasunod na lamesa, dinig ko pa din ang usapan nila.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa anak ko hyung, he never let a girl sleep in his bed. Disente ang anak ko. Lily may looked like an angel, pero iba ang kutob ko sa kanya" Tito Stanley. So Lily pala ang pangalan ng babaeng yun.

"Stanley Yook, you may not like Lily pero mabait naman siya. I'm sure he loves our son" sagot ni Tita Ceana.

"Ceana, I'm sure Helyne loves him also. But your son chose to let her go" sagot ni Mom. Naku yari! Helyne is a forbidden topic sa pamily yook.

"Tama naman din ang desisyon nya Janessa, anak ni Yves ang dala ni Helyne. Dapat naman na siya talaga ang tumayong ama ng mga anak nya, I'm sure Irvin wants that. Besides, nangyari na noon yan sa pamilya nila. Kaya wag na sanang maulit" sagot ni Daddy.

Sumang-ayon naman silang lahat. Napatingin sila sakin ng mag-ring ang phone ko. Hindi ko pala nabawasan ang volume.

"Oh?"sagot ko, si Pixie ang tumatawag.

"Where are you kuya? Sunduin mo ko dalian mo, it's an emergency" halatang nagmamadali siya sa pagsasalita. Malamang ay nagaayos din siya ng sarili.

"Teka, dahan dahan nga. Ano bang nangyayari?" tanong ko sakanya.

"Helyne got rushed in the hospital. Delikado daw silang mag-ina!"  Napatayo ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Okay sige antayin mo ko, or better yet take a cab. Sa hospital na tayo magkita" sagot ko at binaba ang tawag. Hinarang pa ko nila Mommy.

"Ano bang nangyayari Pixel?" tanong ni Mom.

"Helyne got rushed in the hospital, hindi ko pa po alam ang nangyari. Pupuntahan ko po muna sila" sagot ko, sumang-ayon naman sila.

"Tawagan mo kami agad anak" sagot ni Dad.

Nakita ko pang pababa ng hagdan si Xharles kasama yung Lily pero hindi ko na muna sila pinansin. Mukha namang masaya na sya sa babaeng yan, para saan pa at kakausapin ko siya? Mas kailangan kami ng kaibigan namin ngayon.

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now