Thirty One

139 5 0
                                    

Felicie's POV:

Nasa mall kaming dalawa ni Helyne dahil samahan ko daw sya. May bibilhin lang daw sya saglit. Talagang ginulo nya pa ako sa office para lang samahan sya magshopping.

"Ano ba talagang kailangan mong bilhin?" tanong ko sa kanya, kanina pa kasi kami paikot ikot dito sa department store.

"I just need to buy some jeans, t-shirts and sneakers. Babalik kasi kami sa resort sa isang araw, and alam mo namang wala akong ibang sapatos maliban sa high heels" sagot nya. Totoo yun, simula nung pumunta at tumira sya sa Korea madalang na sya magsuot ng flat shoes. Hindi ko rin alam kung bakit. Madalang na rin sya magsuot ng jeans. Basta lagi na syang babae kung manamit.

"Yan lang pala bibilhin mo? Pero teka, sino ba makakasama mo pagbalik sa resort" tanong ko sa kanya. Matagal bago nya ako sinagot ulit.

"Si Yves" yun lang at muling tumingin sa mga sapatos.

"Ayun naman pala, kaya gustong pumorma. Kire kire mo ate girl!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Excuse me! Hindi ko kailangang pumorma para sa kanya. Subukan mong mag heels sa buhangin. Goodluck sayo" sagot nya sakin sabay irap. Maldita din eh.

"Eh pero teka, pinapayagan mo na si Heaven na dun matulog minsan kila Tito Irvin, okay lang ba sya don?" tanong ko sa kanya. She shrugged her shoulders.

"Masaya naman sya tuwing umuuwi sya samin, and besides nandun si Tita Yoora at Tito Irvin. Walang mangyayaring masama sa kanya" sagot nya sakin. Tumango na lang ako. Siguraduhin lang nilang hindi masasaktan ang pamangkin ko dahil ingungudngod ko talaga yan si Mira.
.
.
.
.
.
Helyne's POV:

Nagpaalam ako kay Felicie na mag-ccr saglit. Ang tagal kasing dumating nung inorder naming pagkain.

I was washing my hands nang may magsalita sa likod ko.

"Iba ka rin talaga eh no" It's Mira. Hindi ko sya pinansin at akmang lalabas na pero pinigilan nya ko. "I am talking to you bitch!" inis na sabi nya.

"Are you talking to yourself? Bitch!" ganting sabi ko. Mas bitch naman talaga sya kaysa saken.

"Ano bang gusto mong mangyari? Bakit kailangan mo pang ipakilala ang anak mo sa asawa ko? Tahimik na buhay namin!" Mira.

"Excuse me lang ha! Ako ang nananahimik dito, kayo ang gumugulo sakin. At bakit ba nagagalit ka? Hindi ko sya aagawin sayo, katulad nang ginawa mo noon. Desperate woman!" sabi ko na ikinagulat nya. "What? You think I wouldn't know the truth? Nagpagamit ka sa iba tapos pinaako mo yung anak mo kay Yves. Hindi ka man lang ba naawa sa kanya at sa bata? You're a liar!" dagdag ko.

"Hindi ba ganun din ang gimawa mo? Pinaako mo sa bestfriend mo ang anak mo para lang hindi ka magmukhang disgrasyada?" sagot nya.

"He was the one who wants to be the father of my child. And he knew that Yves is Heaven's father. Hindi ako katulad mo na nagsinungaling pa para pakasalan ako. Besides, you should be thankful about my decision because if I didn't did that then you think pinakasalan ka nya?" sabi ko sa kanya na lalong kinagalit nya kaya sasampalin nya sana ako pero napigilan ko. "Don't you dare!" yun lang at marahas kong binagsak ang kamay nya.

"I'll make your dauhgter's life a living hell" sabi nya. Papalabas na sana ako ng pinto pero hinarap ko ulit sya.

"Try me and I'll assure you I can do the same. Saan ka kaya pupulutin pag nangyari yun?" natahimik sya sa sinabi ko. Kaya lumabas na ko dahil naaalibadbaran talaga ako sa kanya.

"Oh bakit busangot yang ichura mo?" tanong ni Felicie pag balik ko sa table namin.

"May nakita kasi akong hindi kanais nais" sagot ko sa kanya. Nagets nya rin naman agad dahil sa di kalayuan eh may ilang taong nagkumpulan para humingi ng pirma nya. Akalain mo yun? May mga umiidolo pa rin sa kanya?

"Uy diba girlfriend ni Xhayden yan?"
"Oo nga. Girlfriend nya nga yan, ang ganda no?"

Natawa si Felicie kaya inirapan ko lang sya.

"What? Instant artista ka din ah" Felicie.

"Ewan ko sayo! Wag ka ngang ano dyan" sagot ko sa kanya.

"Pero diba sa isang araw din ang balik ni Xharles?" tanong nya. Oo nga pala.

"Yeah. 3 days lang naman ako doon. Pag balik ko tska kami magkikita. Gusto nyang magtravel kami somewhere" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ba delikado para sa inyo? I mean syempre madami nang fans si Xharles all over the world" Felicie.

"Hindi naman siguro. And besides, alam naman nilang lahat na ako ang girlfriend" sagot ko sa kanya. Totoo naman yun, sa lahat ng member ng group nila si Xharles lang ang hindi single.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay hinatid ko na si Felicie sa company ni Tito Jin. May meeting daw kasi sya ng 2pm. Hanggang ngayon kasi baby pa rin ang turing nila sa kanya, hindi sya allowed magdrive.

"Hi Dad" sabi ko kay Daddy nang makarating ako sa company namin. Ganito kasi ako, dumadaan muna ako sa office nya para ipaalam na nandito na ko. "Hi Tito" bati ko rin kay Tito Irvin. Nandito na naman kasi sya, at may kasama pa silang isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Anak, this is Mr. Francis Saavedra. He's the father of Frost. We were discussing about the resort. Unfortunately hindi makakasama ang mga kapatid mo sainyo sa resort, may iba silang kailangan asikasuhin about the company and other expansions" tumango lang ako. Alam ko naman na yun.

"Hi Tito nice to finally meet you" sabi ko at nakipagshake hands ako sa kanya. Ngayon ko lang kasi talaga sya nakita. Ang sabi nasa ibang bansa daw sya, at maraming negosyo doon kaya si Frost ang nagaasikaso ng mga naiwanan dito.

"Nice to meet you too" sagot nito sakin at tipid na ngumiti. Parehong pareho sila ng anak nya. Ramdam na ramdam mo yung lamig sa mga tingin at ngiti nya.

"I'll go back to my office Dad, call me if you need anything" tumango naman sya at lumabas na ko. Magkatabi lang din naman ang office namin. Kasama ko si Ate Vera. Pero wala sya ngayon dahil may lakad daw sya.

"Surprise!" nagulat ako pagbukas ko ng pinto.

"Love!" tumakbo ako agad palapit sa kanya. Akala ko sa isang araw pa ang uwi nya?

"I see you were so surprised!" sabi nya. Humiwalay ako sa pagkakayakap nya. Hinalikan nya ko sa labi.

"Sorry, nakakaistorbo yata ako" A voice coming from the door. Parehas kaming nagulat ni XX kaya bigla kaming naghiwalay. It was Yves. "Pinapaabot lang ni Dad 'to" dagdag nya.

Lumapit ako sa kanya at inabot yung folder. "Thank you" tumango lang sya at lumabas na. Humarap ako kay Xharles at binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti. It's a sign na nang-aasar sya kaya inirapan ko nalang sya. Damn! Sobrang nakakahiya.

Secret Love ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora