Two

322 12 6
                                    

A/N: Warning! Joke! Basahin nyo 'to. At importante ang kasunod na chapter nito. Haha!



Two.

-

Vienna Helyne Lee

"Whoooo!" Sigawan ng mga tao sa paligid. Nasa bar kami, yes under age kami pero nakapuslit kami. Hindi naman kasi halata bilang marunong kaming umakto na akala mo'y mga nasa tamang edad na.

Felicie is very opposite of her mom though they have one thing in common, ang mag-aral. Yet, marunong pa rin naman siya makipag hangout. You wouldn't believe me if I say nakakapasok yan kinabukasan kahit sobrang wasted the night before. Ganun siya kalakas uminom. Haha!

'"Yo Xharles!" Tawag niya kay XX. Ang mga kaibigan ko lang din naman eh yung mga anak din ng mga barkada nila Mommy. Halos magkaka-age lang din kami months lang ang pagitan.

Kumaway ito samin, well siya naman ang pikamatanda. 3months pregnant si Mommy sakin nun, at 5months na pala yung kay Tita Ceana. Hindi daw nila alam at hindi naman daw planado. Haha! But they love XX so much.

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Siya kasi ang pinakamalapit sakin maliban kay Felicie. And FYI, Tita Jillian and Tita Janessa has 2 children already, months lang din ang pagitan nun. Masyadong mahilig ang mga asawa nila eh.

Eto nga't nagkukwento si Pixie (anak ni Tita Janessa na bunso-Pixie Jacinth Shin)

"Kailan ba kami pupunta ulit sainyo Helyne? Gusto ko na makita ulit yung kuya mo" Tumawa ang lahat. Medyo malandi kasi tong kaibigan kong to. Kire ng kire sa kuya ko. Haha!

"Wala nga kami sa bahay diba? Anytime pwede naman kayo dun ang kaso nandun kami sa bahay ng Tatay nila" Sagot ko sa kanya.

"Bakit ba hindi nalang kayo bumalik sa inyo? May mga katulong naman sa bahay nyo bakit kailangang doon pa kayo magstay? And fucking 5months?" Sabi ni XX. Nagseselos lang 'to eh.

"Nagseselos ka lang!" Sigaw ni Henessy, anak naman siya ni Tita Jillian at Tito Hans. Siya ang panganay. Close sila ni XX.

Bigla namang parang iba yung pakiramdam ko, pakiramdam ko may nakatitig sakin. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita. And besides nagpaalam ako kay Ate Vera kanina. Pinayagan nya naman ako.

"May problema ba?" tanong ni XX sakin.

"Wala naman, iba lang yung pakiramdam ko. Parang kanina pa may nakatingin sakin" Sagot ko sa kanya.

"Here goes your paranoia again, haha! Wala lang yan, let's just enjoy the night. And I need to take you home by 12. Baka patayin ako ng Kuya mo. Ano ka ba? Si Cinderella ka ba? Haha!" tatawa tawa siya.

Totoo yun, hanggang 12 lang talaga ang curfew ko. Hindi naman ako pinaghihigpitan ng mga kapatid ko, pero wag lang akong gagawa ng ganito pag nandito si Daddy. Mabibeastmode ang gwapo niyang mukha.

11:00PM

Medyo tipsy na ako, at alam kong may tama na rin lahat ng kasama namin. Hindi naman hard drinks ang ininom namin pero bakit parang lasing ako ngayon? Haha.

"I think we should go home, mahigpit na bilin ng kuya mo wag kita hayaan malasing" Sabi ni XX. Isa pa yan, dalawa sila ni Felicie na mataas ang alcohol tolerance. Alam ko pa naman ang ginagawa ko. Sadyang nahihilo lang ako.

"Yeah. I think so too" Sagot ko. Inaya niya na rin si Felicie dahil ihahatid niya rin yun at malalagot siya kay Tita Ayanna. Si XX ang tagapagpaalam naming magpinsan. Overprotective din kasi si Tito Jin sa kanyang only daughter.

Tulog na yata ang mga kasambahay ng makarating kami sa mansion ng mga Jung, 11:45 PM na.

"Kaya mo ba?" Tanong sakin ni Felicie bago ako bumaba ng sasakyan ni XX. Yeah may kotse na siya, ang daya.

"I can handle myself. Wala pa siguro yung mga kapatid ko kaya walang nagbubukas ng gate at baka tulog na yung mga katulong. Umalis na kayo I can handle my—Ooops. Hehe" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi muntik na kong matumba. Natisod ako sa elevated na semento. Tsk! Buti na lang at nasalo ako ni XX. Napayakap tuloy ako sa kanya ng di oras. Normal naman na samin 'to.

"See? Hindi mo kaya" Pangaasar ni Felicie, nakadungaw siya sa bintana ng kotse ni XX.

"Ako ng bahala sa kanya" Narinig naming boses sa likuran. Huh? Anong ginagawa niya dito at gising pa siya ng ganitong oras?

Tinignan siya ng masama ni XX. 

"What are you doing here?" Tanong ni XX sa kanya. 

"This is my house, why would I need to explain to you?" Sabi niya. Uh! Hambog talaga. 

"Sige na X, uwi na kayo. Baka hinahanap ka na ni Tito Stanley. Kaya ko na'to" Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko na talaga kaya, I wanted to go to bed now. I'm so tipsy. Umiikot ang buong mundo ko.

Lumapit ako sa kanya and kissed him on the cheek. Lumapit din ako kay Felicie na nakadungaw pa rin sa bintana ng kotse ni XX.

"Drive safely okay?" Sabi ko. Tumango naman siya at lumakad na pabalik sa sasakyan niya. 

"Does your parents know about this?" Tanong niya sakin pagkaalis ng sasakyan ni XX.

"Why do you care? Hindi naman ikaw yung papagalitan" Sagot ko sa kanya. Tumalikod na ako at humarap sa gate, bukas yun malamang at dun siya galing. Saan ba siya pupunta at lalabas siya ng ganitong oras?

Eh bakit ba? Ano bang pake ko? I heard him cuss behind my back.

"Minumura mo ba ko?" Maldita kong tanong sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Bwisit na yon! Close naman kami dati pero ewan ko kung anong nangyari sa kanya at bigla nalang todo iwas sakin. "Yah! Put me down!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya kasi akong binuhat, pang bagong kasal. Tsk!

"Wag ka ngang sumigaw, maawa ka sa mga kasambahay namin pagod yun sa maghapong trabaho" Sabi niya sakin. Naramdaman ko na lang yung malambot kong kama sa likod ko. Ang bilis nya kumilos, nakarating kami agad sa second floor?

"Damn!" He cussed. Bakit ba ang hilig niyang magmura? He smells alcohol. Uminom din ba siya? "What are you doing to me huh?" Ano daw? Ano daw ginagawa ko sa kanya? 

Well, una sa lahat wala. Wala akong ginagawa. Siya nga 'tong nasa ibabaw ko. Oo nasa ibaba ko siya. 

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong ginagawa sayo. Will you please get up? Leave 'coz I want to sleep already" Sabi ko yon. Pero hindi yata yun ang gustong sabihin ng puso ko. Ewan ko, tuwing napapalapit ako sa kanya nagiiba ang pakiramdam ko. Nagkatitigan kami, unti unting bumababa ang mukha niya. Until our lips met.

Wait. Totoo ba 'to?

Ugh! Why is he so good at this? Malamang naman ay hindi ako ang una niya. 

Secret Love ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz