Fifty Four

115 3 0
                                    

Felicie Lee

After ng shift ko dumerecho sa bahay nila Tito Irvin para dalawin si Helyne. I haven't see her for a week now. Badtrip kasi yung head nurse ko, after I took a sudden change of shift pinag-initan na ko.

Hindi daw porke anak ako ng may-ari eh basta basta nalang daw ako magdeday-off. I am making my patient's life at stake daw. Hello! Kaya nga may endorsement bago matapos ang shift diba? I don't know, bopols yata sya.

"So ano na? Pinag-iinitan ka pa din ba ng head nurse nyo?" tanong ni Helyne sakin.

"Ay nako! Ayokong pagusapan yan cous! Nababadtrip lang ako. Nagsabi ako kay Daddy tungkol diyan pero ako pa yung pinagalitan. Sumumpa daw ako dapat daw alam ko daw responsibilities ko" kwento ko sa kanya. Tumawa siya.

"Hanggang ngayon hindi pa din nagbabago ugali ni Tito Jin" sabi niya.

My Dad's name is Jin Chaniel Herrera, pangalan na gamit niya nung buhay pa yung mga taong umampon sa kanya. He changed his name to Mikhail Caius Lee bago sila magpakasal ni Mommy Ayanna ko. Jin pa din tawag sakanya ng family and friends nya kasi dun sila nasanay. Pero sa work Caius ang tawag sakanya.

"WHAT? WHAT HAPPENED? HANAPIN NYO HINDI PWEDENG NAWAWALA! I HIRED YOU TO PROTECT HER TAPOS NGAYON SASABIHIN NYONG NAWAWALA?" Dinig naming sigaw mula sa living room, magkasama kasi kami ni Helyne sa kitchen at nagbebake siya ng cookies, merienda daw ni Yumi pag-uwi.

Nagkatinginan kami ni Helyne bago nagmadaling lumabas sa living room. Nagulat si Yves nang makita kami.

"Okay! Papunta na din ako. Balitaan nyo ako kung anong nangyayari" sabi nya sabay baba ng phone.

Sabi ni Helyne sakin nag-usap na daw sila ni Yves. Susubukan daw nilang ayusin ang relasyon nila para sa mga bata. Tinanong ko siya kung anong klaseng relasyon dahil mukhang okay naman na sila pero hindi niya ako sinagot.

"What's happening?" tanong ni Helyne kay Yves.

"Heaven's missing. Wala na daw siya sa school nang pumunta si Mang Lito. I asked her bodyguards, sabi nila naglalaro lang daw kanina sa playground tapos bigla nalang nawala" Yves. Napatakip sa bibig si Helyne. Muntik na siyang matumba, mabuti nalang nasalo siya ni Yves.

"Felicie, please look after her. Pupunta ako sa school ni Heaven to request for a cctv footage" tumango naman ako.

Binuhat niya si Helyne papunta sa kwarto at inihiga ito.

"I'll bring our daughter back, no matter what happen" sabi nya sa natutulog na Helyne. Nawalan pala ito ng malay. Bumaling siya ulit sakin. "Please call Tita Jillian, and tell her what happened to Helyne to check if she's okay" sabi niya.

Lalabas na sana siya ng kwarto nang pigilan ko siya. "Bring Heaven back. Hindi matatanggap ni Helyne pag may nangyaring masama sa anak nyo. She suffered too much kaya please do everything" sabi ko sa kanya.

"You don't need to say that, she's my daughter. I will do everything to bring her back" sagot nya.

Jerk! Kahit kailan hindi ko talaga siya trip. May attitude eh. Ano bang nagustuhan ng pinsan ko sakanya?

Tinawagan ko na din agad si Tita Jillian at mas minabuti ko nang wag tumawag sa mga magulang namin. I'm sure Tita Jillian will do the honor.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Tita Yoora sakin. "I heard from the maids that she suddenly passed out" sabi nya. So di pa pala nasabi ni Yves?

"Tita, Heaven's missing. Nahimatay si Helyne pagkasabi ni Yves. Umalis po agad ang anak nyo nang tawagan siya ng mga bodyguards" sabi ko. She was shocked, wala siyang nagawa kundi umiyak. I suddenly felt my cheek, it's wet from my tears. Hindi ko man lang namamalayan na umiiyak na pala ko?

Isa isa namang nagdatingan ang mga kaibigan namin kasama ang mga magulang nila. Everyone's downstairs, maliban kay Xharles ofcourse. It's been 3 hours pero hindi pa din nagigising si Helyne at wala pa ring tawag si Yves.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yves Jung

Napapalo ako ng malakas sa manibela ng kotse ko. I already checked the cctv footage of the school. Talagang ginamit pa nila si Yarah para gawin to.

Nagulat ako nang maraming nakapark na kotse sa bahay namin. So everyone's here?

"Anak! Kamusta? Nakita nyo na ba ang apo ko?" tanong ni Mommy pagpasok ko sa bahay. Umiling ako, umiyak na naman siya.

"It's Mira mom. Hindi niya talaga kami titigilan. Ginamit nila si Yarah para makuha si Heaven" sabi ko na mas lalo niyang ikinaiyak. Pinapakalma naman siya ni Dad.

Inikot ko ang paningin ko. "Where's Helyne?" tanong ko sa kanila.

"She's still unconscious, but she's fine" si Tita Jillian ang sumagot. Tumango ako and excused myself. Dumerecho ako sa kwarto ni Helyne.

"Yves!" sigaw niya nang makita ako. Gising na pala siya, I thought she's not? "Where's Heaven? Kasama mo na ba siya? Okay lang ba siya? Hindi ba siya nasaktan?" dere-derechong tanong nya sakin, hindi ako nakasagot. "No! Don't tell me hindi mo siya nahanap? Anong ginawa ng nga tao mo?" inis na sabi niya sakin.

"Calm down cous! Hindi yan maganda sayo" pagpapakalma ni Felicie sa kanya.

"NO! HOW CAN I CALM DOWN NAWAWALA ANG ANAK KO!" Sigaw na nya. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Shh. Wag ka mag-alala maibabalik natin siya. Alam ko na kung sinong kumuha sa kanya" dun lang kumalma si Helyne "And I'll make sure they will pay" dagdag ko.

"Sino? Tell me" sabi nya. Umiling ako.

"Mas mabuti nang hindi mo alam, I can handle this. Just trust me" sabi ko sa kanya. Kalmado pa din siya pero umiiyak pa din. "Excuse me, I'll just take this call" bigla kasing nag-ring ang phone ko.

"Yes? Yves speaking" sabi ko. It's one of the bodyguards I hired.

"Sir, nahanap na po namin ang location kung saan dinala ang bata. Papunta na po kami doon" sabi niya. Tinignan ko si Helyne.

"Okay, text me the address. Pupunta din ako" sabi ko sakanya.

"No sir. They were armed. Mas makakabuting manatili nalang po kayo sa bahay nyo and wait for our call" sabi nya.

"No. Anak ko yan, I'd rather die to keep her safe than sit here and wait. Now text me the address" Binabaan ko siya ng tawag at hinintay na itext nya ang address.

He did after a minute or so. Wait? Sure ba silang nandito sa address na'to? Lumabas ako agad ng kwarto ni Helyne. She called me pero hindi ako bumalik. It's better na hindi nya alam kung nasan ang anak namin. Ako nang bahala sa lahat.

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now