Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Iho, akala ko bumalik ka na ng Manila.  I didn't know you spend the night here.  Sit down.  Let's eat breakfast," sabi niya.

            Kumunot ang noo ko.

            "And where is the breakfast, 'ma?  Mukhang tinanghali ng gising si Manang Ester," komento ko.  Nagsalin ako ng kape sa puswelo.

            "Oh, it'll be ready in a while." Sagot ni mama tapos ay napatingin sa pinto ng kusina.  "And there it is," nakangiting sabi niya kaya tumingin din ako sa tiningnan niya.  Nakita kong palabas doon si Aria bitbit ang plato na may lamang pagkain.  Kasunod nito si Manang Ester na may mga dala ding umuusok na almusal.

            Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Aria ng makita ako.  Parang gusto pa nga niyang bumalik na lang sa kusina at atubili kung lalapit pa sa mesa.

            "Halika, iha.  Gusto kong matikman ang niluto mo," ang ganda-ganda ng ngiti ni mama.

            Bantulot na lumapit sa amin si Aria at inilapag sa mesa ang mga dalang almusal.  Inihain doon ang tortang talong, dinaing na bangus, Vigan longganisa, kesong puti.  Ang bango ng amoy ng sinangag na kanin.  Nakakagutom.  Meron pang freshly squeezed orange juice at fresh fruits.

            "She volunteered to cook breakfast.  And look at those mukhang masarap 'di ba?  Nagugutom na ako.  Let say grace then let's eat," ang gaan-gaan ng pakiramdam ni mama.

            Nanatiling nakatayo lang sa gilid si Aria at hindi alam kung anong gagawin niya.

            "Aren't you going to join us?" Tanong ko sa kanya.

            "Puwede naman akong sa kusina na lang kumain kasama sila Manang Ester.  Enjoy your breakfast," sabi niya at tinalikuran na kami.

            "Aria!  No.  Sit down.  Dito ka kakain kasama namin. Huwag mo ngang i-trato ang sarili mo na iba.  Huwag mong pansinin si Bullet," sinamaan na ako ng tingin ni mama.

            What the fuck?  What did I do this time?  Hindi na lang ako sumagot at umiling na lang.

            Tahimik na naupo si Aria sa tapat ko at naghawak-hawak kami ng kamay habang nagdadasal si mama.  Nang matapos ay agad na sumandok na pagkain si mama.  Parang excited na excited kumain.  Ganoon na rin ang ginawa ko kasi nakakatakam naman talaga ang iniluto niya.

            "Oh my god.  This is so good, Aria.  You really cook well.  How did you learn this?" Ang saya ng mukha ni mama.

            Tipid siyang ngumiti.  "Mahilig lang po talaga akong magluto." Sabi niya at sumandok ng kanin.

            "How do you cook in the mountains?  Hindi ba mahirap?  Palipat-lipat kayo ng bundok?  Walang mga gamit?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng tortang talong.  Sumubo ako at saglit akong napahinto.  Fuck me.  This is the best tortang talong that I've tasted.  Pero hindi ako nagpahalata.  Hindi ko pinansin ang nagbabantang tingin sa akin ni mama.  Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

            "Kapag tulong-tulong naman nagiging madali ang lahat. And madadali lang naman ang mga pagkaing gusto ni Hunter.  Tulad ng tortang talong.  Favorite niya iyon." Sabi niya.

            "Simple lang naman ang mga pagkaing gusto niya kaya madaling pakisamahan si Hunter," sabi ni mama at nakangiti siya kay Aria.

            "Maybe you forgot, 'ma.  Hunter hates eggplant.  Ako ang may paborito ng tortang talong," walang gatol na sabi ko.

            Nakita kong napahinto sa pagsubo si Aria ng pagkain at saglit na napatitig sa akin.

--------------------à>>>>>>>>

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon