"Isa pa 'pre!" biglang saad ni Kris na siyang ikinagulat namin ni Duke. Tumingin kami sa kanila at nalamukos ang nook o nang makita kong diretsong tumutungga ng beer si Knight habang inaabutan siya ng bagong baso ni Kris. Tila pa sobrang interisado ng mga ito na panoorin siyang uminom.

Ang lalaki ng lagok na ginagawa ni Knight na halos nakakadalawang baso siya kaagad nang hindi ko pa napapansing huminga siya. Balak ba nitong sunugin ang baga niya?

Doon ko naalala ang paalala ni CJ.

Don't let him get drunk.

Hindi ko mawari ngunit kahit na natatakot ako sa batang iyon ay hindi ko masabing prank lamang ang sinabi niyang iyon. Naalala kong maging si Misis Melon ay nagpaalala rin sa kanya ng ganoon noong party.

Tinignan ko sila habang nagsasalin muli ng bagong baso ng beer. Paano ko ba pahihintuin ito nang hindi nagmumukhang concerned? Ayokong iasar sa akin ng mga mokong na ito ang lalaking ito. Kabisado ko na sila.

"Mga bro, tama na iyan," mahinang saway ni Mois na sa tingin ko ay kanina pa nakikita ang pananahimik ko habang nag-iisip ng paraan kung paano sila pipigilan.

"Huli na. Isa na lang."

Huli na nga dahil habang sinasabi pa lamang ang pangungusap na iyon ay tinutungga na ni Knight ang pangatlong baso niya.

"Umiinom ba ng beer iyan?" biglang bulong sa akin ni Kuya Vince na tila naaaliw sa mukha ni Knight habang nananatiling blangko pero namumula-mula na. Ilang sandali pa ay inilapag niya ang basong wala nang salin at saka umupo nang tuwid.

I shook my head as a reply.

Then suddenly, he stood up and walked around the table, stopping in front of me. I waited for anything until I realize that he was staring down at the glass of beer in my hands.

Iniwas ko ito sa kanya. "Akin 'to. Umuwi ka na," panguso kong saway sa pagtingin niya sa alak na hawak ko.

"Let's go home," he quietly said. His eyes were half-closed and his cheeks were blushing prettily. His lips were constantly moving minimally as if he was biting the first layer of the skin on it. He started nodding towards me as if it could add up to his eagerness to persuade me to go home.

"Sige na," Duke urged as he motioned for me to stand. "He looks like he's about to drop asleep."

"Hatid mo kami," I requested in defeat.

He smiled a little and pulled me up off my seat.

"Let's get you both home then," he chuckled as he saw Knight walking after us, seemingly walking carefully as to maintain his perfect posture.

Nagpaalam ako sa kanila at humingi ng tawad bago umalis. Nagtawanan lang ang mga loko at saka nagpatuloy sa inuman.

"Seems like he's getting the gist of life in here," Duke suddenly whispers beside me as we walked home and Knight is walking ahead of us. I nodded.

"Hindi ka ba niya pinahihirapan?"

I shook my head. There was this silence between us that have grown a little awkward as he began asking me questions out of the blue and it has never been more awkward when he suddenly popped another.

"Do you like him?"

I turned my head over to him with a face resembling Gavin and his memes. "What made you think I do?"

"No," he chuckled a bit nervously. "I didn't say I think you do. I was just asking you."

We kept on walking as I watched Knight walk on his own, as straight as a pole and yet he radiates a rather sleepy aura. "He's not that bad," I started. I can feel Duke's stares down at me. I looked back at him and smiled. "I think if he stayed with us a little longer, we could all be friends with him."

He cracked back a generous smile as if he was somewhat relieved.

Inakbayan niya ako hanggang sa makauwi kami ni Knight.

"DON'T COME IN!" he said as I attempted to check on him from the doorframe of the comfort room. Sumusuka ito pero hindi ko naririnig na dumuduwal. It was as if all the stuff was going voluntarily smooth out of his throat.

Natatawa si Lolo sa sala habang nagbubukas ng mani at pinagmamasdan lamang kami. Ayaw magpaasikaso nito pero nag-aalala ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari lalo pa at nagbabala sa akin ang kanyang kapatid tungkol sa paglalasing.

"Hindi ka naman lasing ano?"

He slowly turned his head to me and I saw his deadly glare boring right down between my eyes. He was evidently sweating too much, as the ends of his hair were looking wet and sticky. I rushed to the kitchen and prepared him a warm drink with a little salt and sugar. Then I started heating water to later on use for his skin.

"First time ba ni Knight maglasing, Apo?"

Tinignan ko si Lolo at saka umiling.

Napatango nang mahaba si Lolo na tila may konklusyon na siya sa nangyayari. Kung ano pa man ay naaaliw siya sa panonood sa aming dalawa.

"Kumukulo na, Apo."

Hindi ko napansin ang pagkulo ng tubig dahil pinakikiramdaman ko kung lalabas na si Knight ng banyo. Pinatay ko kaagad ito at saka siya nilapitan.

I found him huddling down, as if almost asleep with his back on the wall. "Knight? Huwag ka diyan matulog," suway ko sa kaniya pero hindi siya sumasagot.

Matangkad siya pero hindi ganoon kalaki ang katawan kaya naman inisip kona lamang na para siyang isang tangke ng gasul na isasakay ko sa aking bisikleta haba ko siyang itinatayo para dalhin sa kwarto.

Hindi ko talaga maiwasang tingnan ang naaaliw na mukha ni lolo lalo pa at sinusundan niya kami ng tingin kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para ipaalam na dadalhin ko muna si Knight sa kwarto.

He just laughed and waved me off. I shouldn't have even tried telling him.

"Magbihis ka na, pagbalik ko rito uminom ka."

"Iinom na naman?" angal nito na tila ba siya isang batang nagsasawa na sa gamot.

"Hindi alak. Iinom ka ng tubig. Pabukas ng gamit mo ha?"

Kaagad akong naghanap ng malinis na kamisetang pwede niyang ipamalit sa damit niya. Nakahila ako ng malaking puting shirt na may maliit na print ng rubber ducky. Inihagis koi to sa kanya at sinabihan siyang magbihis bago ako lumabas ng kwarto.

Kaagad kong isinalin sa palangganang may kaunting bahaw na tubig ang pinakuluan ko bago ako namitas ng bimpo sa may sabitan. Kinarga ko ito sa tulong ng aking baywang at saka ko dinampot ang baso ng tubig.

Nang pumasok ako ng kwarto, napaihip ako sa buhok na kumakalat sa mukha ko nang hindi man lamang ito gumalaw sa kanyang pwesto. Nakahilata lamang siya sa higaan na parang lantang gulay at sa halip na tawanan ko siya kahit na gusto kong tumawa ay nagsimula akong mapaisip kung bakit hindi siya maaaring hayaang malasing. Ngayon ay tila nakikita ko na kung bakit.

Ibinangon ko siya at saka tinapik-tapik sa pisngi. Iminulat naman din niya ang kanyang mga mata ngunit tila hindi ganoon katuwid ang kanyang pagtingin.

"Magbihis ka muna. Basang-basa ka na ng pawis," udyok ko sa kanya.

Tumango naman ito kaya tumayo na ako at saka handa nang tumalikod nang bigla niyang itaas ang dalawa niyang kamay.

"Anong ginagawa mo?"

"Bihis," he pouted at me with his pair of suddenly teary eyes that looked as if they were about to burst crying. What the hell?

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon