"Tinitignan yung ginagawa—," he cut me off as he set his headphones down.

"Don't do that again."

"Bakit?"

"You might get yourself in trouble."

"Titignan lang naman eh."

"Why, you wanna watch porn too?" he asked in a completely stoic face. This guy!

Sinamaan ko nga siya nang tingin nang nakanguso at saka dinampot ang aking bag. Serious or not, he kind of sounded a bit dominating and I hate that. "Aalis na ako. Bahala ka na sa kanin."

Hindi ko na hinintay pang makasagot siya.

Hindi rin naman ako papayag na sundan niya ako kaya sinadya kong sabihin kanina kung nasaan ang bahay ni Xyve na siyang hindi naman talaga doon. Malapit lang ang bahay nila. Nasa tawiran lang at ilang lakad lang mula sa bilyaran. Alam ko namang wala siyang pakialam sa pupuntahan ko kaya imposibleng hindi niya ako susundan pero mas mabuti nang di niya ako masundan para naman manahimik ang buhay ko kahit minsan lang.

"PAPUNTA NA RAW sila! Magtago na kayo!" saad ni Mois nang matanggap ito ng mensahe galing kay Garnett. Si Tito Rick naman at Kuya Vince ay natatawa na lamang habang naghahanda sa ipalalabas na skit pagdating nila. Nagmumukha na talagang lasing ang mag-ama. Nakalapag din sa mesa ang bote-boteng alak. Ginulo pa ni Kuya Vince ang buhok niya at saka nagsampal-sampal sa sarili para mamula ang mukha. Nagtatawanan kami sa kanya-kanya naming mga taguan.

Hindi naman din ako papayag na wala akong regalo dito kay Xyve. Alam ko na rin kasing isusumbat kanina sa akin ni Knight na wala akong dala dati sa kanya tapos magbibigay ako sa iba samantalang andun din ako dati. Kunsabagay kahit naman sumbatan niya ako ay wala rin namang saysay dahil hindi ko rin naman talaga siya reregaluhan.

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang pagsasagutan ng mag-ama. Hindi na kami sumilip pa dahil baka mabisto kami pero natatawa na lang ako habag nagtatalo ang dalawang tila lasing na lasing. Hindi pa rin kami makapaniwalang sumakay sa pakulo namin ang tatay at kuya ni Xyve.

"Wala kang kwenta!" sigaw ni Kuya Vince. Nababakas ang pagpapagewang nito sa kanyang pagsasalita. Dapat nag-artista ito.

"Huwag mo akong sinasagad ha! Baka kung anong magawa ko sa iyo!"

"Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo eh!"

Bumukas ang pinto at kaagad naming narinig na sumigaw si Xyve. Nerbyoso pa naman ito. Narinig namin ang nagmamadali niyang takbo para malamang ay pumagitan sa dalawa.

Samantala, tuloy pa rin sila sa pagsasagutan.

"Anong nangyari dito?"

"Iyang kapatid mo pagsabihan mo. Bastos na samantalang wala namang naitutulong dito!" duro ni Tito Rick kay Kuya Vince. Si Kuya Vince ay isang mechanical engineer na nagpapakabihasa sa pagdidisenyo ng mga high-power formula one racing cars. Nagsisimula pa lamang ito ngunit kung magtatagumpay ang proyekto niya, malaking pera ang makukuha niya.

"Huwag mo ngang nilalason ang utak ng kapatid ko!"

"Ano ba kayo, sinabing tama na eh!"

"Pinagtatanggol mo ba itong matandang ito ha?"

"Sumosobra ka na Kuya!"

Nakarinig kami ng suntok.

Nagpigil kaming sumilip ngunit nakapagtataka ang katahimikan pagkatapos ng tunog na iyon. Napatalon na lang ako nang mabilis para tignan ang nangyayari nang umuga bigla si Garnett. Nakita na lang namin siyang nakahawak sa kanyang pisngi at umiiyak nang malakas na parang isang bata.

"Wala naman tayong pinag-usapang masusuntok pala ako!" iyak nito habang nakatayo lang sa kinalalagyan niya. Napatingin kaagad si Xyve sa amin na sabay-sabay na nagsulputan nang wala pa sa plano sabay tingin nang matalas sa kanyang tatay at kuya.

"Surprise?" alanganin at pangising sabi nina Kuya Vince at Tito Rick sa kanyang tila natatakot nang sobra sa maaaring gawing susunod ni Xyve.

Ilang beses pumikit-pikit si Xyve hanggang sa rumehistro na rin saw akas sa kanya ang ikot ng mga bagay-bagay. "Shit, pre, ayos ka lang ba?" kaagad na tanong nito kay Garnett na ngumangawa pa rin.

"Ang bigat ng kamay mo!"

"Kuya, bakit ka umilag?"

Napatawa na lang kaming lahat nang magbatukan ang mag-aama.

NAGSIMULA NANG KUMAIN ang lahat. Pasaglit-saglit kong tinitignan ang kawawang si Garnett habang nag-iinuman ang mga kaibigan ko sa mesa. Wala namang problema sa akin iyon dahil hindi nila ako pinaiinom at lalong hindi sila umiinom kung walang nakabantay na nakatatanda, upon which ngayon si Kuya Vince at Tito Rick, kahit pa nasa tamang edad na lahat kami.

Simple lang naman si Xyve kung tutuusin. Medyo tahimik at suplado pero malambot ang puso niya. Hindi lihim sa amin ang kagustuhan niyang maging basketball player kahit pa inamin niya rin namang mas uunahin niyang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho muna para hindi na muling mag-abroad ang mama niya.

"Tatawag lang ako kay mama," paalam nito at saka lumabas ng bahay.

Tumayo naman ako at saka lumapit kay Garnett na hinay-hinay ang pagnguya sa fried chicken. "Sumama ka nga sa akin."

Napahinto sa pagdadaldalan ang mga kaibigan ko at saka kami tinignan. "Oy, oy ano iyan ha? Sama kami."

"Aasikasuhin ko itong pare nating nasuntok sa pisngi. Baka pagalitan pa tayo ng mama niya, ewan ko na lang kung hindi kayo tumakbo kapag pinalabas niya sa asawa niya yung katanang nakadisplay sa sala nila."

Nanahimik sila at hindi na umimik pa tungkol doon bagkus ay nagsiinuman muli. Hinila ko na lang din si Garnett patungo sa kusina at saka siya pinaupo sa silya. "Diyan ka lang. Kukuha ako ng yelo."

Bumalik ako saglit sa saluhan paa itanong kay Kuya Vince ang pagkukunan ng bimpo nang sabihin niyang nakasampay pa ito sa terrace kaya naman dinala ko na naman si Garnett at ang yelo palabas para doon na lang siya asikasuhin. Pinitas ko ang nakasabit na puting bimpo sa ipitan at saka ibinalot ang yelo rito.

"Hanggang saan ang tama mo?"

"Hindi ko nga rin alam eh basta dito sa pisngi. Ang lakas niya grabe. Masakit sa bagang."

"Hindi rin namin inasahan iyon. Pasensya ka na."

Nagsimula na akong magdampi ng yelo sa pisngi niya. "Sabihin mo kung masakit ha."

"Ayos lang. Takot ka ba sa parents ko?"

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Sabi mo kasi kanina..."

Napatawa ako at naidiin ko nang hindi sinasadya ang yelo.

"Aray!"

"Ay, sorry. Nasabi ko lang iyon para hindi na sila mangulit. Ang astig nganung katana niyo sa bahay niyo eh. Isanla kaya natin iyon?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagbaling ng mukha palapit sa akin kasabay ng paghawak niya sa kamay kong may hawak na yelo. Inilayo niya ito sa kanyang mukha at saka ako biglang kinutusan.

"Puro ka kalokohan," inagaw niya ang yelo sa akin at saka ito idinampi sa pasa. "Ako na nga rito."

"Ako," saway ko sa kanya.

"It's exactly seven," a voice interrupted out of nowhere.

Sabay kaming napatingin ni Garnett sa direksyon kung saan sa tingin namin nanggaling ang boses kaso hindi kami pareho ng nilingon at dahil wala akong nakitang tao sa binalingan ko ng ulo, sinundan ko ang tingin ni Garnett at ako ay napaatras.

Paano niya ako natunton dito?

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now