Chapter 31

169 3 5
                                    

Marco's POV

Halos mabunggo ko na ang mga sasakyang nadaraanan at nakasasalubong ko sa sobrang bilis ng takbo ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kotse ko. Dahil hindi ko naman alam ang eksaktong lugar kung nasaan sila. Pero tanging pagbababaybay lang ng lugar ang magagawa ko.

Sana naman, okay lang sila. Lalo na si Kaye. Paulit-ulit na mga salitang sinasabi ko sa utak ko.

Mga ilang oras pa ang biyahe bago akong may matanaw na rescue operation sa highway na tinatahak ko. May nakita rin akong ibang mga sasakyan na nabunggo rin dahil sa mga galos na natamo ng ilang sasakyan. Kaagad kong pinarada ang kotse sa tabi at bumaba. Tinakbo ko na ang lugar. Inaasahang makikitang andoon si Kaye na ligtas.

Nakahinga ako ng medyo maluwag ng makita ko si Ace na kausap ng mga pulis. Nakita niya ko pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Kaagad akong dumiretso sa isang ambulansya at tiningnan kung andoon si Kaye.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa lagay niya. Nakahiga ito sa strecher at halatang pagod na pagod dahil sa paghinga nito. May mga kaunting galos ito sa katawan na nagamot na. Nagtangka akong pumasok sa loob ng sasakyan pero pinigilan ako ng isang nurse.

"Kamag-anak po ng pasyente?"

"Kaibigan po. Kamusta na po siya?"tanong ko habang nakay Kaye lang ang tingin.

"Ayos naman po siya. Hinimatay lang po siya dahil sa sobrang pagkabigla. Masyadong malakas ang pagkakabangga ng kotseng sinasakyan nila. Masuwerte silang hindi malala ang tinamo nila. Request ko lang po na pakitawagan ang pamilya niya para malaman ang insidente. Salamat po."sambit nito at saka umalis.

Pumasok ako sa loob ng kotse at saka sinilip ang kabuuan niya. Kung sumunod kase ako, hindi mangyayari sa kanya 'to. Pero pasalamat na rin ako dahil ligtas siya.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya ng gumalaw ito.

"K-kaye."

Inaaninag niya pa ang mukha ko, parang kinukumpirma kung sino.

"M-marco."

"Y-yeah. A-ako nga."utal na sambit ko dahil sa sobrang saya. "T-thank God, your safe.."

Tumingin siya sa paligid. "A-asan si Ace? Kamusta siya?"nakaramdam ako ng bahagyang inis dahil sa mga tanong niya. Dapat nga sisihin niya pa 'yun dahil sa nangyari sa kanya.

"A-ayos lang siya. Kinakausap niya ngayon ang mga pulis."pilit na tinatago ang inis na sambit ko. Tumango naman siya ay napapikit.

"May masakit ba?"nagaalalang tanong ko.

"W-wala. Ayos lang ako."nakangiti pang sambit niya. Lalo namang pumaimbabaw ang guilt sa dibdib ko. "Nga pala, please lang, 'wag niyong ipaalam kay mama ang nangyari ah?"

"Pero right nilang malaman 'yun."pagdadahilan ko.

"Ayokong mag-aalala sila. Please?.."wala naman akong magawa kun'di ang sumang-ayon sa gusto niya. Basta ang mahalaga para sa akin ay ang umayos ang lagay niya sa ngayon.

"R-Risa. Are you okay?"si Ace nang biglang pumasok. Tinanguan naman siya ni Kaye.

Gusto ko siyang sapakin. Talagang nag-iinit ang loob ko. Pero para kay Kaye, pipigilan ko ang init ng ulo ko.

Maya-maya pa'y chineck ulit si Kaye ng ilang nurse. Gusto pa sana namin siyang i-admit muna sa hospital pero ayaw niya at gusto ng umuwi. Wala na rin kaming nagawa kun'di ang pumayag nalang. Wala kaming magawa kun'di pagbigyan ang gusto niya dahil sa nangyari sa kanya. Ayoko na rin naman na makadagdag pa kami sa sakit ng ulo niya matapos ang insidenteng kanina lang naganap.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon