Chapter 28

96 6 0
                                    

Kaye's POV

"Anong pag-uusapan natin?"tanong ko sa kanya. Saglit kong sinipat ang relo ko. Five minutes nalang bago matapos ang break time. At ayokong ma-late dahil mahigpit ang teacher namin do'n.

Hindi ko alam kung saang parte ng university 'tong lugar na 'to. Masyado akong nadala sa pag-iisip kaya hindi ko na napansin kung saang bahagi na 'to.

"Marco?"tawag kong muli sa pansin niya. Mukha kaseng may malalim itong iniisip. Noong una, nag-aalalangan akong sumama sa kanya dahil sa mga isipin ko. Pero gusto ko lang malaman kung ano ang dahilan niya kung bakit gusto niya akong makausap.

"S-sorry sa nangyari kaninang umaga."sinserong ani niya.

"Bakit mo ba kase ginawa 'yun?"dire-diretsong tanong ko, hindi siya nakasagot. Tahimik lang siyang tumingin sakin. "Tsaka, bakit mo sinabing, mabuti nalang at ligtas ako?"hindi ko na mapigilang magtanong. Ayoko talaga siyang pag-isipan ng masama. Kaya gusto kong maniguro.

"K-kase. Nakita kita kagabi. May nakasunod sayo."

Tama nga ko.

"Bakit hindi mo ko nilapitan? Oo, hindi kailangan pero—"pinutol niya ang sasabihin ko.

"May isa pang nakasunod sayo Kaye."nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Tatakas sana siya pero hinabol ko siya kaagad. Pasensya na kung hindi na kita nilapitan pa no'n."

"A-ayos lang."napamaang ako. Hindi ako makapaniwala na gusto talaga akong ipahamak ni Cheska. Gano'n ba talaga siya kagalit sakin?!

Mabuti nalang at nasagot na ang ilan sa mga tanong ko. Mali kong naipasok ko agad ang haka-hakang isa si Marco sa gustong mapahamak ako. Hindi ko alam na isa pa pala siya sa tumulong sakin.

"May alam ka ba na posibleng gumawa no'n sayo?"tanong niya.

"Pinaamin ko 'yung isang sumunod sakin kagabi. Si Cheska daw ang nag-utos sa kanya na gawin 'yun."

"Si Cheska? Bakit niya naman gagawin 'yun?"

"Hindi ko alam. 'Yun ang gusto kong malaman."

"Pasensya na talaga at hindi kita natulungan kagabi."

"Ayos lang. Dumating naman si Ace."

"Ace?"taka pang tanong niya.

"Oo."pansin ko namang napa-isip ito. "Mali ang iniisip mo."nilingon niya ako. "Galing daw siya sa isang kaibigan kagabi. Napadaan lang siya sa diner at nakita ako 'saka ang nakasunod sa akin. Kaya naman daw tinulungan niya ko."mahabang paliwanag ko.

"Mabuti naman napadaan siya doon at tinulungan ka."sambit niya. Iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi niya. Parang may diin. Pero baka iniisip ko lang 'yun.

Kailan ba matatapos mga isipin ko sa buhay? Tsk.

"Nga pala, sana pansinin mo na ulit kami."pag-iiba niya ng usapan.

"Pinapansin ko naman kayo. Kaya ka nga andito sa harap ko."sinisikap ko na hindi magtunog sarkastiko.

"I-I mean, hindi na kase kayo lumalapit samin. Parang iwas na iwas kayo."

"Kung hindi ako iiwas sa inyo, ako ang pag-iinitan ni Danica. Ayoko lang na pumunta pa siya sa diner at manggulo ulit do'n."

"Pumunta siya ro'n?"gulat na tanong niya. Ibig sabihin hindi 'yun naikuwento ni Chris. Sa 'di malamang dahilan, nakaramdam naman ako ng kaunting inis dahil do'n. E ano naman kung hindi niya ikuwento sa kanila? Tsk.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon