Chapter 1

799 25 0
                                    



Kaye's POV

"Hi Kaye."sabi ng isang lalaking estudyante.

"Hi Kaye."sabi naman nung kasama niya. Habang may pakaway pa.

"Kaye!"tawag ng best friend kong si Francine. Siya si Francine Ocampo. My loving and chubby bff.

"Musta ang classroom natin? May mga tao na?"tanong ko. Late na kase akong nagising kaka mobile legends kagabi. Kakaumpisa ko palang sa laro na yun pero nakaka adik talaga.

"Iilan palang kami dun. Ako palang, si Hyacinth, tsaka si Angelica."

"Ahh sige. Pasok na tayo."aya ko. At saka kami lumakad sa hallway ng school.

"Hi Kaye! Flowers for you."sabi ng isang lalaki na sumulpot mula sa kanang gilid ko.

"Nice naman best. Haba ng hair."sabi ni Francine.

Hinaharap ko yung lalaking nagbibigay ng flowers kuno."Sorry di ako tumatanggap niyan. Ibigay mo nalang yan dun sa mga babae sa room na yun."tukoy ko dun sa kumpol ng babae sa labas ng isang room sa unahan namin.

"Pero kase--"hihirit pa sana siya kaso sinamaan ko na siya agad ng tingin. " Sabi ko nga, ibibigay ko nalang sa kanila. Sige bye."dismayadong ani niya sabay lakad palayo.

"Grabe ka naman best. Sayang naman yun."naaawang tingin pa ni France doon sa dinaanan nong lalaki.

"Alam mo namang hindi ako tumatanggap ng ganun diba? Halika na nga. Mamaya ma-late pa tayo."

Alam kong hindi pinupulot ang perang pinang gastos d'on. Pero hindi ko rin naman hiniling na ibili niya 'ko n'on.

Hindi ako famous sa school namin. Sadyang kilala lang nila ko dahil sa "sobrang galing" ko daw sa Arnis. Para daw kase akong lalaki kung pumalo. Astig nga daw kung tawagin at isa pa. Wala akong kinatatakutan.

Habang patuloy kaming naglalakad sa hallway papunta sa room namin may bigla nalang bumangga samin.

"Tangina! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ah?!"reklamo niya. Aba sira ulo to ah.

Agad akong tumayo at hinarap ang mokong na 'to.

"Hindi tumitingin? Sino ba satin ang nakabangga para masabihan ng 'di tumitingin sa dinadaanan? Isa pa, minura ba kita?"nag-pipigil ng inis na sambit ko sa kanya.

"Aba sumasagot ka pa?!"sasampalin niya sana ako ng bigla siyang inawat ng kasama niya.

"Pre. Babae yan."

"Best hayaan mo na. Lalaki yan oh. Isa pa 5 minutes nalang best. Malelate na tayo." bulong sakin ni Francine. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"F*ck!"inda niya sabay hawak sa ibaba niya. Pasalamat siya yan lang ginawa ko sa kanya.

"Ito tatandaan mo. Hindi ikaw ang may ari ng school na to kaya wag kang magmaangas dito."diin na sabi ko sakanya tsaka kami umalis dun.

Pagpasok namin sa loob ng room, nandun na lahat ng mga kaklase namin. Letse yung lalaki na yun, muntikan pa kaming ma late sa klase namin. Pinaiinit niya ulo ko!

Maya-maya, may pumasok na isang teacher. "Good afternoon class."bati niya samin.

"Good afternoon Sir!"bati naman namin. Pagtapos niyang ipakilala ang sarili niya, maya-maya may tatlong lalaki na tumayo sa pinto ng classroom namin. Wag mong sabihing...

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now