Chapter 13

159 4 0
                                    



Kaye's POV

"Risa!"

"Oh. Ace? Ang aga mo ah."sambit ko.

"Pupunta kase ako ng com. Lab e."

"Ah ganun ba? Sabay na tayo. Dun din punta ko e."sambit ko saka kami naglakad papuntang com. Lab.

Naeexcite ako pumunta dun kase makakapag facebook ako ng libre. Hahaha! E bakit ba? Kasama naman 'yun sa binabayaran namin dito sa University e.

"Goodmorning po Sir."bati ko sa teacher na in charge dito. Ganun din ang ginawa ni Ace ng makapasok siya.

"Ano pala isesearch mo?"tanong ko sa kaniya.

"Ako? Wag ka maingay ah.. andito ako para mag facebook."bulong niyang parang bata. Natawa naman ako dahil dun kase parehas kami ng pakay dito.

Nag search naman kami ng about sa lessons at assignments namin then after nun, nag facebook kami.

Nagulat ako ng may lumabas sa friend request ko.

"Accept mo 'ko. Please?"kahit hindi naman siya mag please i aaccept ko parin siya.

"Magchachat ako sayo ah?"

"Hala? E magkatabi lang tayo e."

"Basta. May sasabihin ako."

Hinayaan ko nalang siya at di na umangal. Baka pagalitan kami e. Bawal pa man din mag ingay dito. Nakaupo kase kami sa may dulo para hindi kami masyadong mahalata na naefb lang kami dito. Hehe..

Agad ko namang binuksan ang inbox ko ng may matanggap ako.

From: Ace Rivera

Hi miss ganda!

Agad naman akong nagreply sa sinabi niya.

Loko ka.

Asan ang maganda sa mukha ko? Pinagloloko ako ng taong 'to e.

From: Ace Rivera

Totoo naman e. Maganda ka naman talaga.

Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Ibinalik ko ang tingin sa PC at saka nag type ng reply sa kanya.

Naku. 'Wag ako.

Napatawa siya sa sinabi ko. Keaga-aga mambobola. Tas sakin pa? Haha.

Totoo po talaga 'yun Crush. :*

Ano daw?

"Oh. Hindi na nagreply crush ko."sambit niya ng makatingin sakin. "Halika. Libre kita sa canteen."hinawakan niya ang kamay ko saka kami lumabas ng lab.

Pinupo na niya ko at siya na daw ang bibili ng kakainin namin. Napatingin nalang ako sa kanya habang bumibili.

Crush niya daw ako? Sa hitsura kong 'to? Mukha nga daw akong lalaki e. Pinagtitripan ba 'ko ng taong 'to?

"Oh? Bakit nakasimangot?"sambit niya ng mailapag ang mga pagkain at ng makaupo.

"Pinagtitripan mo ba 'ko?"nakakunot kong tanong.

"Ako? Never. Hindi ako natitrip ng babae. Crush talaga kita."inosente sambit niya saka kumagat sa cheese burger niya.

"Iba nalang. Hindi naman ako maganda e."saad ko saka rin kumagat sa burger ko.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now