Chapter 12

150 5 0
                                    



A/N: Baka nagsasawa na kayo kay Kaye e. Joke! Si Earl naman. ^_^ enjoy reading po!

----

Earl's POV

"What a nice day!"bati ko sa gwapo kong mukha sa salamin.

Grabe talagang biyaya sakin ng Panginoon. Bukod sa magandang mukha, magandang katawan pa.

Hinawakan ko ang six pack abs ko. "Ang daming naghahangad sayo pero hindi ka nila maabot. Grabe.. iba ka talaga John Earl Ramirez."sambit ko saka pupunta sa banyo para paliguan ang hot kong katawan.

Bago pa ko tuluyang makapasok ay biglang tumunog ang cp ko. Agad ko namang kinuha iyon na nasa gilid ng kama ko.

"Hayss."napabuntong hininga nalang ako sa mga nabasa ko.

Facebook messages galing sa mga babaeng patay na patay sakin. Iba talaga ang nagagawa ng mga lalaking gwapo.

Gustihin ko mang patulan sila pero hindi maaari dahil nangako ako sa sarili kong hahanapin ko ang aking the one.

Nakakalungkot tuloy isipin na iiyak sila dahil sa akin. Pero wala tayong magagawa. Sadyang ganyan ang buhay gwapo. Hayys.

Pumasok na ko sa loob ng banyo matapos na ilapag pabalik ang cp ko.

*tok tok tok

"Naliligo ang gwapo!"sigaw ko.

"Ulol! Mas gwapo ko sayo! Bilisan mo diyan! Mga kaibigan mo andito!"sigaw ng kuya ko pabalik. Hindi ko nalang siya sinagot at hinayaang lumabas. Ang gwapo ko namang ulol.

Lumabas na 'ko ng kuwarto matapos maligo't magbihis para babain 'yung mga gunggong kong kaibigan.

"Tagal mo?"galit na tanong ni Chris. Na nakaupo sa sala.

Aba.. bad mood 'ata ang gago. Ka aga-aga. High blood. Haha!

"Ba't high blood 'to?"tanong ko kay Marco.

"Ewan ko diyan."sambit niya sabay punta sa kusina.

"Kain lang ako."

"Ge. Bilisan mo."napakamot ulo nalang akong pumunta sa kusina.

Anong oras na ba?

Tumaas ang kilay ko sa nakita ko. Problema ng gunggong na 'yun? 8 palang ng umaga ah.

"MJ."tawag ko kay Marco na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.

"Oh?"

"May regla ba si Chris?"

Agad naman niyang naibuga ang kape niya kay kuya na kararating lang.

"Putangina!"reklamo nito sabay punas sa mukha niya.

"Sorry kuya Ethan. Itong gago mo kaseng kapatid nagtatanong kung may regla ba daw si CJ."

"Ami na nga 'yan."tukoy ni kuya sa dyaryo na hawak ni Marco.

Puta. Parang alam ko na gagawin nito ah..

"Aray! Kuya! Yung mukha ko!"paluin ba naman ako ng dyaryo.

"Gago ka. San ka nakakita ng lalaking nireregla?!"sakit talaga sa tenga magalit ni kuya. Kung di ko lang kapatid 'to pagkakamalan kong bakla 'to e.

Kami lang andito sa bahay. Madalas kaseng mag out of town ang parents namin dahil sa business naming pet shop.

Nagpapatayo kase sila ng shop sa iba't ibang lugar. At bilang may-ari, mas mabuting nababantayan nila 'to.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now