Chapter 15

142 8 1
                                    



"Best!"

"Oh? Hyper ka 'ata? Anong meron?"babaeng 'to mukhang ang saya ng araw.

"Hi Risa."bati sakin ni Ace.

"Hi."

"Asan 'yung tatlo?"tanong niya.

"May binili sa canteen. Gutom daw sila e."

Mga buang e samantalang sa bahay kanina nila Chris todo kain sila lalo na yung dalawa. Ni hindi na nga nahiya sa may-ari na bahay. E paano. Pati may-ari ng bahay kung makakain kala mo isang buwang walang laman ang tiyan e. Hays.

"Oh. Andyan na pala sila."sambit ko ng papunta sa direksyon namin ang tatlo.

Yung nakangiting mukha ni Chris kanina napalitan na naman ng inis. Tapos ngumiti naman uli ng makalapit sakin. Itong taong 'to di ko malaman kung abnormal o abnormal talaga e.

"Oh."abot niya sakin ng paborito ko. Burger..

"Kakakain lang natin kanina ah?"

"Anong kinain niyo?!"sabay na tanong nung apat.

"Pagkain. Yung ulam na niluto ni Manang Luisa sa bahay nila Chris. Alam niyo, mga iniisip niyo e no?"sambit ko.

Mukhang mga timang kase e.

"Musta practice niyo sa sayaw?"tanong ni Earl.

"Okay lang naman."sagot ni France na nakangiti pa.

"Sus. Okay.."bulong ni Earl. Parang may something ah.. Hahaha.

"E kayo?"tanong naman niya kay Earl.

"Okay lang din."walang emosyong sagot.

Tingin ko talaga may something sa dalawang 'to. Hitsura ni Earl mun timang. Hahaha!

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng mapatingin samin ni Chris na magkatabi. Baliw...

Andito kami sa bench sa tapat ng building namin.

"Tanungin naman 'tong dalawa."panimula niya."Kamusta ang sayaw niyo Kaye?"

"Okay l--"

"Perfect na."putol ni Chris sa sasabihin ko.

"Perfect na?!"gulat na tanong ng tatlo.

"Oo."

Mabilis lang namin natapos yung amin kase sa tuwing magpapahinga kami, nireremix ko na ang kanta na gagamitin namin. Pero mas lalong napapadali yun kase tumutulong siya sakin. Simple lang naman yung steps namin e. Sinundan lang talaga namin yung arrangement ng steps.

"Sabagay. Pareho nga pala kayong marunong sumayaw."sambit ni France.

"Bakit? 'Yang si Ace ba hindi?"sambit ni Earl. Hala ka? Ang mean din neto.

"Sira. Hindi kase ako marunong sumayaw."

"Taba mo kase."

"Wala kong pake,"

"Okay tama na 'yan mamaya magkasakitan na naman kayo niyan e."sambit ko na ikinahinto naman nila sa pagbabangayan.

Boring...

"Alis muna ko ah."paalam ko.

"Saan ka pupunta?"tanong ni Ace.

"Magiikot-ikot lang."

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora