Chapter 10

174 6 0
                                    



"Uy. Para kanino 'yan?"tanong ni France na tinutukoy ang dala kong ulam.

"Para kay Marco 'yan noh..?"nanlalaking mata na tanong niya.

"Baliw. Hindi no. Para kay Chris 'to."

"Wow. Talaga best? Guilty ka no?"

"Ahm.. oo."

"Wow. As in. Wow. Si Kaye Clarrise Santos. First time na guilty."agad ko naman siyang binatukan dahil sa mga sinasabi niya.

"Grabe sa batok ahh."

"Kulit mo e. Halika na nga. Pasok na tayo."aya ko.

Dapat kase kahapon pa 'to kaso naunahan na naman ako ng pride ko. Hindi ko ugaling mag sorry sa ibang tao kapag nakakagawa ako ng kasalanan sa kanila. Ewan ko. Napaka ma pride ko talagang tao. Pero simula nung nagawa ko yung kay Chris kahapon. Ito na nga. Magsosorry ako.

Sobrang na guilty talaga ko sa ginawa ko kahapon. Hindi na nga ako makatulog kagabi kakaisip kung paanong pagsosorry ang gagawin ko. Kung kailangan ko bang lumuhod sa harap niya para lang patawarin niya ko. O kaya maging alipin niya ng isang buwan para lang dun. Sa sobrang dami ng naisip ko, ito lang din naman ang nagawa ko. Nagluto ng adobo. Napuyat pa ko kakaisip. Tss.

"Oh. Andyan na pala sila e."sambit ni France ng nasa tapat na kami ng classroom namin.

Napatingin ako kay Chris na... natutulog.

"Ibigay mo na."sambit pa ni France.

"Di mo ba nakikita? Tulog oh."

"Oh. Ba't di pa kayo pumapasok?"tanong ni Earl." Napatingin siya sa tinitingnan ko. "Ah. Wag niyong intindihin yan. Hindi magigising 'yan. Gising na 'yan e."natatawang sabi niya.

Naloko ako dun ah. Akala ko tulog talaga siya.

"Di naman pala tulog e. Halika na nga nga."sambit ni France.

Bago ako tuluyang makapasok, inilagay ko muna sa bag ko yung ulam na dala ko. Mamaya niyan, hindi umabot kay Chris 'to e.

"Uy. Ano 'yan?"shet. Akala ko nakaupo na siya sa loob.

"Ah baon ko."palusot ko.

"Mukhang masarap ah. Patikim naman."

"Ayoko nga."

"Sige na."pagpupumilit niya. Ang kulit talaga nito.

"Ayoko nga. Isa pa, baon KO 'yun. Akin lang."

"Hmp! Damot."parang baklang pagmamaktol niya papasok. Para talaga siyang bata kahit na kelan.

"Hi. Girl-Friend."bati sakin ni Marco. Kinilig naman ako dun. Kahit na alam kong girl na kaibigan ibig sabihin nun. Hayys.

"Kayo na?!"gulat na tanong ng dalawa. Na dahilan ng pagdilat ng mata ni Chris. Iingay talaga ng dalawang 'to.

"Mga sira. Girl-Friend, ibig sabihin girl na friend."paliwanag ko.

"Ahh..."sabay pa nilang sabi.

Nakita kong ipinikit ni uli ni Chris ang mga mata niya.

"Ahm. Tapos niyo na activity niyo?"pag iiba ni Marco ng usapan.

Ayun. Isa pa sa problema ko kahapon. Dahil kakaisip sa pwedeng ipang peace offering dito sa Chris na 'to, tsaka dahil sa nagiguilty nga ko sa ginawa ko, hindi ko na nasagutan ang activity namin. Ako na kase ang nag-uwi nun kahapon.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now