Chapter 26

98 5 0
                                    

Earl's POV

Nakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hayaan niyo siya. Matapang 'yun diba?"

"Ano bang problema mo sa kanya?"inis na tanong ni Marco. Kunot naman ang noong tiningnan siya ni Chris.

"H-hey. 'Wag kayong mag-away."saway ni Danica.

"Pabida kase ang babaeng 'yun. Feeling magaling. Bakit hindi siya tumawag ng pulis mag-isa niya? For sure she knows na may nakasunod sa kanya. Nag-aaksaya ka lang ng panahon sa kanya."ngising sambit niya pa.

Nagulat nalang kami ng sapakin ni Marco si Chris.

"Ano ba?! Mag-aaway kayo dahil sa babaeng 'yun?!"si Danica na hawak-hawak si Chris na naka upo ngayon sa sahig. Pinigilan ko naman si Marco sa amba pa niyang suntok.

"Alam mo? Hindi kita maintindihan e! Sino ba 'tong parang ulol noong una na sunod ng sunod kay Kaye tapos dumating lang ang jowa ay parang demonyo na walang pakialam sa kanya? Diba halos mamatay ka pa nga sa selos samin ni Ace kapag nilalapitan niya? Nakapag-cut pa nga kayo ng klase para lang makasama mo siya diba?"akma namang tatayo si Chris pero pinigilan siya ni Danica. Kita ko ang panginginig ng kamay ni Danica. Alam kong naiinis at naiiyak na siya dahil sa mga narinig.

"P-Pwede ba tama na? T-tara na CJ. Umuwi na tayo."hindi ito nagsalita at tumayo lamang.

"Sige. Mali ko na."sambit niya saka hinila si Danica palabas. Nasuntok naman ni Marco ang kamao sa pader. Alam kong hindi niya gusto ang mga sinabi kanina.

"Palamig muna kayong dalawa."saad ko.

"Ano pa nga ba? Tsk."walang magawa sa nangyari saad niya.

Napalingon nalang ako sa dinaanan nila Danica. Hindi ko alam kung papaano akong magrereact sa nangyayari. Wala akong kakampihan. 'Yun ang dapat gawin. At 'yun lang ang magagawa ko. Ang pakinggan ang bawat paliwanag nila. Hayaan muna silang magpalamig. Nag-aalala ako sa dalawa. Ma pride si CJ. Matatagalan panigurado bago sila magbati. Tsk.

Naisip ko si Kaye. Nag-aalala rin ako sa kanya.

"A-ah. Pre. Mauna na 'ko."walang lingon naman siyang tumango.

"Ingat. Bukas nalang. Pasensya na."sambit niya saka nauna ng bumaba. Napapakamot nalang ako sa ulong sumunod sa kanya hanggang makalabas ng bahay.

"Sige pre."tinap niya lang ang gilid ng sasakyan ko saka ako lumarga.

Tiningnan ko pa siya sa side mirror ng makapasok. Ayokong nakikitang magka-away ang mga kaibigan ko. O ayokong nag-aaway kami. Masakit para sakin 'yun dahil itinuturing ko silang kapatid.

Inalis ko ang mga isiping 'yun at tumingin lang ng diretso sa daanan.

Danica's POV

Hindi ko magawang pigilan ang inis ko dahil sa mga narinig ko kanina.

Ibig sabihin... nagkagusto nga siya sa kanya.

Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa isiping 'yun.

"'Wag mong pansinin 'yung sinabi ni Marco kanina."gulat akong tiningnan siya. Nasa daan lang ang tingin niya.

Hindi ko alam kung bakit pero lalo akong nainis. Pilit kong hindi iyon ipinapakita sa kaniya at tumingin lang sa labas ng bintana.

Nakarating kami sa bahay ko ng tahimik. Wala ni isa ang umiimik. Inalalayan niya pa akong bumaba ng sasakyan.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now