Chapter 3

306 13 0
                                    




"Good morning po Ma'am Papa."bati ko sa librarian ng makapasok ako obviously sa library.

Agad kong inilagay sa box ng grade 10 students ang library card ko saka pumunta sa pinakadulong sulok ng library.

Hindi ako pumupunta sa library para mag review, mag search o gumawa ng mga assignments dito. Nagagawa ko naman na 'yun bago ako pumasok sa school.

Tulad lang ng mga studyante dito. Andito ako sa library para magpahinga o matulog. O kaya naman pampalipas lang talaga ng oras. Tahimik kase dito at isa pa, dahil sa space na kinauupuan ko ngayon, hindi ako kita ng kahit sino kaya walang kahit sinong sumisita saken.

Ganito ang palagi kong ginagawa kapag wala akong practice ng arnis o kaya 'pag tinatamad talaga 'ko pumunta dun.

Inilabas ko ang cp ko at ipinasak sa tenga ko ang earphone ko, saka iyon ipinasak din sa cp at nagpatugtog. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may biglang humawak sa kanang braso ko.

"Best!"a na tawag sakin ni France.

"Shhh."sita naman ng librarian.

Ano bang nangyari sa babaeng 'to at pawis na pawis? Nasa 2nd floor lang naman 'tong library ah. Isa pa, katabi lang 'to ng hagdan sa kaliwa. Maliban nalang kung dadaan ka pa ng kanang hagdan makapunta lang dito.

Agad kong pinatay ang kanta at ibinalik ang mga iyon sa bag ko.

"Oh? Anong meron?"

"Teka. Pahingi muna ako ng tubig. Please?"hingal na hingi niya habang hawak-hawak pa ang dib-dib niya.

"Ano ba kaseng nangyari sayo at pawis na pawis ka?"muling tanong ko ng maiabot na sakanya ang bottle water ko.

Saglitan niyang inilapag ang butilya ng tubig bago nagsalita. Takte nangalahati kaagad tubig ko ah? Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Iba.

"S-si Earl kase. Yung letseng hinayupak na tukmol na 'yun hinahabol ako."

"Oh? Bakit ka naman niya hinahabol?"takang tanong ko.

"Habang papasok kase 'ko kanina, tawag siya ng tawag sa pangalan ko. E alam mo namang galit ako dun diba? Ayun. Tinakbuhan ko. Pero ang bilis niyang tumakbo. Nahahabol niya parin ako. Kaya ayun naisipan kong tumakbo lang hanggang sa mapagod siya saka umakyat dito kase alam ko namang bukod sa isang tambayan mo, e andito ka."kuwento niya.

"Mukhang mas napagod ka ah.."natatawang biro ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya binawi ko na ang sinabi ko at nag peace sign sa kanya.

"Punta nalang tayong canteen."aya ko.

"Oo nga pala. Nakalimutan mo yung libre mo dapat kahapon."sarcastic na paalala niya.

Speaking of kahapon. Hanggang pag-uwi ko sa bahay, masuka-suka parin ako dahil dun sa kinain ko kahapon na nanggaling sa nagngangalang, Chris.

Although hindi naman ako sure na sakanya talaga galing 'yun. Pero pag nai-imagine ko yung mukha niyang naka ngisi dahil dun sa kinain ko na may pangalan niya? Fuck shit. Nandidiri talaga 'ko. Promise.

"Best. Half-long akin tsaka mountain dew."sabi niya nagpabalik sa'kin sa realidad.

"A-ah sige. Kuha ka lang."sabi ko.

Kumuha na rin ako ng order ko at saka binayaran 'yun.

"Best. Pansin ko lang. Parang wala ka sa sarili mo today."sabi niya habang nginunguya ang pagkain niya.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon