Chapter 30

110 4 1
                                    

Marco's POV

Tahimik akong nagmamasid sa labas ng diner, sa 'di kalayuan. Marami-rami pang tao sa loob dahil hindi pa sila nagsasarado. Dinig ko noong nakaraan na pupunta si Kaye sa Valenzuela, matapos ang kalahating araw ng trabaho niya.

Tahimik kong iniinom ang kape ko habang hinihintay ang paglabas nila. Andito ako sa tapat lang ng diner. Nakaupo sa pinakadulo ng café, para walang makahalata.

Natinag ako sa pag-inom ng may makitang kotse na pumarada sa harap ng diner. May lalaking bumaba mula rito. Kumunot ang noo ko ng makitang si Ace 'yun. Sa lahat talaga ng makakasama, siya pa?

Lumipas ang ilang minuto, isinara na ang diner. Kita kong nagsipag-ayos na ang mga trabahador. Nakabihis na rin ang ilan sa mga ito, kabilang si Kaye na naka t-shirt at jeans. Nangiti ako ng bahagya dahil do'n. Mahahalata mo talaga sa kanya na hindi sanay sa mga party. Nilapitan naman siya ng isang bakla. Mukhang boss nila ito base sa pananamit. May kung ano-ano pa siyang sinabi kay Kaye. May inabot pa si Kaye sa kanya na paper bag. Pero tintanggihan niya ito base sa kilos niya.

Maya-maya pa'y lumapit ang mga kasamahan ni Kaye sa trabaho na mukhang pinipilit ito sa kung anong bagay. Napipilitan naman siyang umalis sa harap nila at pumunta sa kung saan. Napansin ko naman si Ace na may kausap sa telepono habang nakatingin din sa loob ng diner. Mga ilang minuto pa ay nawala ang boss niya at ang isang katrabahong babae sa paningin ko. Sinipat ko ang oras. Nasa 6:30 na ng gabi. Ibinalik kong muli ang tingin sa diner.

Naikilos ko ang sarili sa pagtayo ng makita ang hitsura ni Kaye. Napakaganda niya. Bumagay ang suot niya sa kanya maging sa personality niya. Napakaganda rin ng makeover nito. Marahil ito ang dahilan kung bakit nawala ang boss niya panaglitan. Maganda si Kaye kahit simple lang, kahit walang kung anong kolorete sa mukha. Pero mas gumanda siya ng naayusan. Pansin ko sa kanya na naiilang siya sa suot niya. Pati na rin sa takong na suot, and that makes her really cute.

Kung ako lang talaga, liligawan ko si Kaye. Kahit ano pa siya. Napakaganda niya at napakabait na babae. Walang sinumang lalaki ang magsisi kapag minahal siya. Alam kong kapag nagmahal siya, she'll give her all. 'Yun ang nakikita ko sa kanya. That's why she really deserves a real love.

Nang makalabas sila, kita ko ang hirap sa paglakad niya hanggang sa makalapit kay Ace. May kung ano pa silang pinag-usapan bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Nang makaalis ang kotse nila, pati ang van na nauna sa kanila, may maya-maya'y sumunod na motor sa kanila. Katulad na katulad ito sa motor na nakabanggaan ko noong gabi na may muntikang mangyaring masama kay Kaye. Dali-dali akong lumabas ng coffee shop at pumasok sa kotse ko. Hindi pa ko nakakabawi sa kanya sa pagbutas sa kotse ko.

Nahirapan akong habulin siya dahil patuloy ang pagsingit niya sa gilid ng mga sasakyan. Talagang gustong dikitan ang sasakyan nila Kaye.

Inis akong napahampas sa manobela ko ng mapunta na siya sa likod ng sumunod na sasakyan nila Kaye. Nahinto pa ang daloy ng byahe dahil sa traffic.

Inis akong hinihintay ang pag-usad ng trapiko.

Nilingon ko ang telepono ko sa kabilang upuan ng mag vibrate ito. Si Earl.

Hindi ko pinansin iyon at tiningnan muli ang daan.

"T*ngina."

Ang bilis naman nila mawala?!

Inis ako kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Ano?"pilit itinatago ang inis na tanong ko.

"San ka ngayon pre?"

"Dito sa mall malapit sa AU."pagsisinungaling ko. "Bakit?"

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now