Chapter 7

192 9 0
                                    




"Kaye!"

Shete. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Akala ko mamamatay na ko.

"Bakit niyo ko binasa?!"galit na tanong ko sa kanila.

Kaya naman pala ang lamig ng naramdaman ko kase binuhusan nila ako ng malamig na tubig at may mga yelo pang kasama!

"Akala kase namin hindi ka na magigising e. Alam mo bang kanina ka pa namin ginigising kaso wala talaga."paliwanag ni France.

Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Nasa clinic na ako ngayon. Siguro binuhat nila ko papunta dito kase akala nila may masamang nangyari sakin. Pero meron naman talaga. Sa panaginip nga lang.

Napahawak ako sa kaliwang pisnge ko. Ang sakit e. Parang namamaga. Ewan. Ang sakit talaga.

"Anong bang ginawa niyo sakin? Bat ang sakit ng mukha ko? Pahiram nga ng salamin."

Biglang kumunot ang noo ko ng makita kong nagkatinginan si France at Earl. Samantalang si Marco naman napahawak nalang sa ulo niya na parang sumasakit ito dahil sa nangyayari. Masaki ako e. Sumasakit na nga ang kaliwang pisnge ko, nilalamig na nga ako, sumasakit na rin ang ulo ko! Aish!

"Ano?"naiinis na tanong ko sa kanila. Kase ang daming alam. Hindi nalang sabihin kaagad.

Hindi parin sila nagsasalita.

Tumayo nalang ako para pumunta doon sa table ni Ma'am Ann at kinuha ang salamin na nakapatong doon.

"Potek! Sinong sumampal sakin?!"sigaw ko. Tingin ko nga dinig na dinig na yun hanggang labas ng building o baka pati malalayong building dinig na dinig yung sigaw ko sa lakas ng boses ko.

Agad akong bumalik sa puwesto nila at tiningnan silang lahat ng masama.

"Sinong sumampal sakin?"galit kong tanong.

"P-pag u-umamin na k-kung sino yun, s-sampalin mo rin?"utal na tanong ni Earl.

"Bakit? Ikaw ba?"tanong ko ng makalapit sa kanila.

"Hindi ah! Si France yun!"turo niya kay France.

"A-anong ako? Ikaw kaya yun!"turo naman ni France kay Earl. Takte naman.

"Ah ganun? Kayong dalawa sumampal sakin?"naniningkit kong tanong.

Agad kong kinuha ang vase sa gilid ng table at akmang ihahampas yun sa dalawa.

"S-sorry! Gusto lang naman namin na magising ka e!"sambit nilang dalawa.

Dahil hindi naman talaga ako masamang tao, ibinaba ko na ang vase at ibinalik yun sa lamesa. Tinatakot ko lang naman sila. At hindi ko kayang makapatay no.. lalo na ang dalawang to.

"Labas na nga tayo! Papalit pa ko."sambit ko.

"Best. Diba wala ka namang extra uniform diba?"aish! Ang daldal ng babaeng 'to.

"Manghihiram ako."walang gana kong sagot. Agad na akong lumabas ng clinic. Nilalamig na rin kase ako dahil dun sa binuhos nila sakin e. Buwisit talaga 'yung mga 'yun. At nasampal pa nila ko. Sakit parin talaga ng pisnge ko.

"Sorry nga pala Kaye dahil dun sa ginawa nung dalawa."sambit ni Marco ng maabutan niya ko.

"Wala 'yun."sambit ko na tinatago ang kilig.

Crush na crush ko na kase 'tong si Marco e. Sobra. Parang habang tumatagal mas lalo akong humahanga sa kanya.

"Nga pala. Si Chris. Nasaan?"hindi ko kase siya nakita kanina. Kahit nung paggising ko man lang.

TRANSFEREES (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now