Hatid-Sundo

12.2K 115 53
                                    

Not edited

ADANNA's pov

Isang linggo ang matuling lumipas mula ng pasukin ni Renz ang bahay ni Dawe.

Ngayon wala na siyang takas dahil mas hinigpitan na ang bantay sa kanya at pilay pa ang isang paa niya.. Napuruhan pala ni Dawe ang tama dito.

Si Jake naman ay okay na.. nagpapagaling nalang.. Nakausap ko na siya kahapon at nagpaslamat ako sa naging tulong niya sa akin.. Kailangan niya magpa-therapy para muling makalakad ng normal..

Napangiti ako ng makita ko si Dawe na nakasandal sa kotse niya at ngiting ngiti sa akin.

Nag resign na daw siya sa pagiging pulis at uupo na siya bilang ceo ng kumpanya nila..

Pangarap daw niya ang maging pulis,, kaya bago siya umupo sa pagiging CEO ay tinupad na muna niya ang pangarap niyang maging isang mahusay at mapagkakatiwalaang pulis.

Isang linggo narin akong Hatid sundo ni Dawe..

"Araw-araw gumaganda ka sa paningin ko" bati niya sa akin..

Nasasanay na rin ako sa prisensya niya sa buhay ko..

"Aga-aga nambobola ka" tugon koa.

Napangiti ako ng pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse..

Kelan lang ay hindi niya ako pinagbubukas nangiti ako ng maala ko na sinabi niya malaki na raw ako at kaya ko ng magbukas ng pinto.

"Mabuti naman at pinagbubukas ma na ako ng pinto ng kotse mo ngayon" turan ko ng makaupo na siya sa driver seat.

Ngumiti siya sakin..

Ano ba nakain nito at panay ang ngiti..

"Sabihin mo lang kung ayaw mo para naman hindi na ko nag eeffort"

Bwisit na to talaga.

"Kahit kelan ka napakatino mong kausap, kamusta ang pagigiging ceo?"

"Mas mahirap pa kaysa sa maging pulis"

"Tss, e di bumalik ka na sa pagiging pulis mo"

"Ayoko na,, kaya naman kitang bantayan kahit hindi na ko pulis eh, mas gusto ko na ito ngayon, dahil ako na ang boss wala ng istorbo" nakangisi niyang sabi.

"Palagi namang may istorbo kapag andun na tayo eh"

"Talagang ang galing mong isali sa usapan ang mga kaberdihan mo"

Siniringan ko siya.. "E pano ang hilig mo mambitin?"

"Hindi ko naman sinasadya ang pambibitin ko sayo ah, nagakakataong may emergency lang" kakamot kamot na sabi ni Dawe habang nakatutok ang mga mata sa daan..

"Susunduin uli kita mamaya ha"  sabi niya ng nakababa na ako sa kotse niya. Pinagbukas niya uli ako ng kotse para makababa.

"Nagigiging gentleman kana ha" puna ko sa kanya.

"Gentleman naman talaga ako ah" nakangisi niyang sabi.

"E bakit nuon hindi mo ko pinagbubukax ng pinto ng kotse mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko lang umasa ka"

ADANNA (completed) On viuen les histories. Descobreix ara