Bad News

15.9K 119 58
                                    

Not Edited

Matuling lumipas ang mga oras araw at buwan nanatili kami ni Reden sa ganong sitwasyon.

Nanatili ako bilang isang KABIT.

Idinadaan ko nalang sa buntong hininga kapag naaalala ko kung ano ako ni Reden.

Minsan naiisip kong bakit nga ba hindi ko magawang magparaya? Bakit hindi ko nalang tanggapin na hindi talaga kami? Ang lahat ng Bakit ay nawawala sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ko. Ang mga salita niya ang kaisa-isang pinanghahawakan ko para manatiling matatag sa lahat ng pagsubok na ito.

Panay lang ang isip ko ngayon dito sa kwarto ko hindi ako pumasok ngayon sa resto wala lang nakakatamad eh.

Nakahiga lang ako at maghapong nakipagkwentuhan sa kisame..

5pm na pala.. tiningnan ko ang cellphone ko. Wala manlang text galing sa kanya.

"Danna may naghahanap sayo?" Sigaw iyon mula sa labas ng pinto ko si Manang Fe.. Araw ng laba at linis niya ngayon kaya nandito siya. "Danna!" Muling tawag niya ng hindi ako sumagot.

"Lalabas na po Manang Fe" tamad kong sabi...

Maikling black cotton short ang suot ko at sandong pink ang suot ko hapit at wala akong suot na bra..

Nagbangon ako ng walang suklay gulo-gulo ang buhok ko.. nakakatamad talag.

"D-Dawe?" Nagtataka kong tawag sa lalaking nakaupo sa sofa.. siya ung friend kong Pulis..

Ung humuli kay Renz Hernandez sa SLAVE..

"D-Danna" kung nautal ako mas nautal siya at titig na titig sa kabuuan ko..

'Ang ganda ko kasi'

"Balita Dawe?" Naupo ako sa kaharap niyang sofa at dumekwatro.

"Nakatakas si Renz Hernandez" nagaalalang sabi niya..

Napakunot noo ako hindi ko matandaan ang pangalang sinasabi niya.

"Sino yun?"

"Si Renz Hernandez na pinagsamantalahan ka"

Napapitik pa ako ng daliri..

"Ahhhh naalala ko na, pano siya nakatakas?"

Nakita kong bumuntong hininga pa muna si Dawe bago nagkwento..

"Hindi ko alam ang buong istorya ang alam ko lang sinuhulan niya ang mga bantay niya ng gabing yon.. kaya walang kahirap hirap siyang nakatakas" huminga pa siya muna "kaya ako nandito para balaan ka na magiingat ka bka balikan ka niya dahil ikaw ang nagpakulonh sa kanya"

"Sisihin niya ang sarili niya kung bakit siya nakulong" naiinis na ko. "So kelan pa siya nakatakas?"

"Mga tatlong buwan na"

"Tatlong buwan at ngayon mo lang ako naisip na sabihan paano kung nakasunod na sa akin yun?"

"Pababantayan kita sa mga tauhan ko"

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now