Tagaytay Day 1

13.4K 113 41
                                    

Not Edited..

ADANNA's Pov

Akala ko sa hotel kami tutuloy.. Naiimagin ko na nga na isang room lang kami matutulog tapos magkayakap kami at magpapakaligaya sa init ng mga katawan namin..

Lahat imagination lang.

Kainis..

Dinala niya ko sa Rest house.. Sa kanya rin siguro to? Tiningnan ko siya ng tumabi siya sa akin, kakababa ko lang kotse niya.

"Bakit ka bumaba?" Kunot noong tanong niya.

"Sabi mo andito na tayo diba bakit hindi pa ko bababa?" Takang tanong ko.

"Pagbubukas kita ng pinto at aalalayan kita eh" biglang sabi niya..

"Wag na, sayang lang sa efort mo, wag kang mag-alala kahit hindi mo gawin yun, alam ko naman na mahal mo ko" saka ako ngumisi.

"Dumadagdag ba sa kagandahan mo ang pagkakagusto ko sayo kaya yumayabang kana rin?"

Nginisihan ko siya "Hindi naman kailangang dagdagan ang kagandahan ko, kasi sobra-sobra na nga"

"Tsk" nasabi niya at inunahan pa akong maglakad papasok sa bahay..

"Sa iyo ba ang rest house nna ito?" Tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa loob.. hindi naman siya kalakihan pero cute siya at moderno din..

Umiling siya.. "Sa Tito ko ito, wala namang nakatira dito, pero isang beses isang linggo ay pumupunta dito si Nay Rosa, para maglinis" sabi niya.. ata naupo siya sa isang sofa. "Maupo ka muna"

Naupo naman ako sa single sofa. Nakita ko ang pagsimangoy niya. Problema niyan.

"Dito ka umupo sa tabi ko" tinapik pa niya ang kinauupuan niya tanda na dun niya ako pinapaupo sa tabi niya..

"Hindi na okay na ko dito"

"Mas malambot dito" wika niya.

"Bakit iba ba yan? Pareho lang naman yang inuupuan mo sa inuupuan ko?"

Sinamaan niya ko ng tingin,

Deadma lang ako, ang ganda na kaya ng upo ko tapos palilipatin niya pa ako. Siniringan ko siya..

"Darwin?" Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Siya na naman yung babaeng istorbo sa amin nung nagswiming kami.. hindi ko makakalimutan ang itsurang yan..

Mukha siyang inosente pero may tinatagong kamalditahan..

Nakita kong ngumiti si Dawe at tumayo, patakbo namang nagtungo sa kanya yung babae at niyakap siya..

Siniringan ko sila at tumayo ako.. wala akong pakialam sa kanila, naglakad ako patungo sa likod bahay,, may teresa pala dito..

Napangiti ako ng dumampi sa akin ang malamig na hangin ng tagaytay,,

"Wow" naibulong ko ng makita ko ang Taal volcano..

Nanatili ako roon ng mga ilang oras din.. masyadong akong nalibang sa ganda ng nakikita ko..

Kasabay ng pag-alala sa mga pangyayari sa buhay ko..

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now