Phone call

23.7K 109 3
                                    

Wala na si Reden ng magising ako kinabukasan.. Malamang bumalik na siya kay Claudette.. Susulpot naman uli iyon kapag namis niya ko.

Naligo ako at napunta sa resto naabutan kong nasa office si sunshine at panay ang pirma sa mga papeles..

Bahagya lang niya akong sinulyapan naupo ako sa mahabang sofa at walang kibong dumampot ng isang issue magaZine ngayong linggong ito..

"Akala ko ba palit na tayo na sked, bakit ka nandito?"

Nagkibit balikat lang ako.. "naiinip ako sa bahay eh kaya  naisip kong pumunta nalang dito, kahit boring kang kasaama ay pwede na kitamg pagtiyagaan" sabi ko habang nakatutok ang paningin sa salamin..

"Ang sama mo bakit ba naging pinsan kita.."

"Kasi kapatid ni Daddy ang Papa mo, hindi lang basta kapatid kambal pa"

Nakita kong iningusan lang niya ko.. ang sarap niya talagang inisin masyado siyang pikon..

"Aalis na ko kung ayaw mong nandito ako.. babalik nalang ako pag wala kana" akma akong tatayo na ng tawagin niya ko.. "bkit?"

Nakita kong bumuntong hininga pa ito bago nagsalita "Yung Gio at ung Sab?"

"O anong problema mo sa magsyota na yun?"

"Naabutan ko silang nagtatalik dito sa office natin sinasalaula nila ang opisina natin" nasa boses nito ang pagkainis.

Napangisi ako malamang umusok ang ilong nito sa nakita may pag ka old fashion kasi ang pinsan niyang ito..

"Wag mo nalang silang pansinin"

"Ano?" Napalakas ang boses nito.. "wag pansinin,Adanna ano kaba naman pinapayagan mo ang ganong klase ng tauhan dito sa opisina mo at may ginagawang kahalayan, i can't believe this" nagpalakad-lakad ito at sapu-sapo ang sariling noo.

"Wag mo silang aalisin sa trabaho masisipag silang magtrabaho at mga tapat na tauhan ko sila, warningan mo nlang muna"

"Hindi talaga kita maintindihan Danna"

"Mag Nobyo kana kasi para maintindihan mo.Aalis na ko" tumayo na ko at naglakad palabas ng opisina..

Napapangiti ako habang nagda-drive pabalik ng bahay ko.. naalala ko kasi ang mukha ni Shine kanina halatang naiinis pero walang magawa..

Maghapon lang ako sa bahay puro tulog at kain lang ang ginawa ko..

Makikipagpalit na uli ako ng sked kay shine.. nxt week hindi ako tatagal ng ganito..

6 pm inaayos ko na ang bag ko para makapasok makaalis na papuntang resto ng may kumatok.

Binuksan ko ang pinto.. "Paul" ngumiti siya sa akin "Janneth?"

"Ako nga" sabi ng babaeng kasama ni Paul.

Napabuntong hininga ako.. Pinapasok ko sila at pinaupo sa sala.

Magkahawak kamay silang naupo sa mahabang sofa at naupo namn ako sa single sofa.

Hindi ako makapaniwalang magugustuhan ni Paul ang babaeng katulad ni Janeth na sawsawan yata ng lahat ng lalaki dito sa baranggay. Kaya ba hindi siya nagpakita sa akin ng ilang linggo ay abala siya sa babaeng ito.

ADANNA (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon