Claudette's BOyfriend

38.4K 196 6
                                    


Chapter 3

Nandito ako sa isang restaurant sa loob ng isang sikat na hotel..

Ayon kay Yasmine ay  dito gaganapin ang pagppropose ng boyfriend ni Claudette.Kung paano niya nalaman ay hindi ko na inalam ang iportante ay alam ko lang.

Napasmirk ako ang swerte ng babaeng yon tapos ako wala..

Hindi ko parin matagpuan ang lalaking nakabirhen sa akin nuon..

Iba siya sa lahat.. ou isang beses lang may nangyari samin at matagal na panahon na pero pakiramdam ko nalalasahan ko pa ang labi niya sa labi ko at nararamdaman ko pa ang mga maiinit niyang haplos sa katawan ko..

Hindi ko maramdaman ang init na iyon sa ibang nakasiping ko na.. ay hanggang ngayon hinahanap ko parin ang mga halik at haplos na iyon sa mga lalaki..

Pero wala isa man sa kanila siya lang talaga ang nakapgpadama sa akin ng ganun.kakaibang sarap kakaibang init..

Nakaramdam ako ng pagkasabik na sana ay muli ko siyang makasama.

Lihim ko paring hinihiling na sana'y binata pa siya..

Kahit May girlfriend ay okay lang.. madli na un agawin.. wag lang may asawa.. ayoko ng may kahati.. gusto ko ako lang.. mahirap agawin ang lalaking may anak na naguugnay di bale sana kung wla..

Nakita kong pumasok na si Claudette nkasuot ito nga baby blue dress..

Naka aviator ako kaya hindi niya ako mapapansin..

Medyo malayo ang pwesto niya sa mesang okupado ko pero tama parin para makita ko sila..

Nanlaki ang mata ko sa lalaking papasok ngayon sa entrance ng restaurant..

Biglang parang naging mabagal ang lahat ng nasa paligid ko at tanging ang tibok lang ng pusoko ang malakas kong naririnig..

Inalis ko ang aviator ko.. nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga paningin namin.

Pakiramdam ko huminto ang oras sa sandaling pagtatama ng paningin namin..

"Honey im here" boses yun mula kay Claudette..

Muli kong isinuot ang aviator ko at saka yumuko.. ayokong makita ako ni Claudette. Naikuyom ko ang kanang kamay ko..

So siya pala ang boyfriend ni Claudette. Napangisi ako.. ang malas mo lang Claudette at ang swerte ko.. makakaganti na ko makukuha ko pa ang boyfriend mo?

Siya ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Ang mga halik at haplos niyang kay tagal kong pinanabikan.

Kinilig ako sa isiping abot tanaw ko na siya.

At konting effort lang mararanasan kong muli ang makulong sa mga bisig niya..

Inalis ko ang aviator na suot ko at tumayo bitbit ang wine glass ko..

Hapit na hapit sa aking katawan ang suot kong dress na kulay pula..halos lumuwa ang aking dibdib..

Napangisi ako habang tinatahak ko ang patungo sa mesa nila Claudette.

Kunwari ay dadaan ako.. lumagpas pa ako ng kaunti at saka bahagyang bumalik.

"Oh Claudette is that you?" Ngising ngisi ako..

ADANNA (completed) On viuen les histories. Descobreix ara