Plano

9.4K 102 67
                                    

Not Edited

ADANNA's POV

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapanuod kong magdrive si Dawe pauwi sa Condo ko.

Hindi siya kumikibo at siryoso ang mukhang nagda-drive..

Hindi ko maipaliawanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nagi-guilty ako dahil nakipagdinner ako kay Reden. Pakiramdam ko niloko ko na siya kahit ang totoo ay hindi naman dahil kumain lang kami..

Flashback an hours ago.

Tapos na kaming kumain kaya napagpasyahan na naming umuwi.

Binuksan na ni Reden ang pinto ng kotse niya..

Pasakay na ako ng may humawak sa palapulsuhan ko, Nang lingunin ko ay nagulat pa ako ng makita ko si Dawe, madilim ang mata niya na nakatingin sa akin..

"Sa akin ka sasabay" malamig na sabi niya..

Marahan lamang akong tumango at hinila na niya ako paalis.

"Wait, akong maghahatid sa kanya" sa kanya sabi ni Reden.

Madilim ang mukha ni Dawe na lumingon kay Reden,, Parang any moment handa na siyang manuntok..

"Tapos na kayong kumain di ba?" Mahinahon ang sabi ni Dawe.. pero halata ang diin at pagpipigil ng galit.

"Ou" maikling tugon ni Reden.

"Kung ganon iuuwi ko na siya" saka muli kaming naglakad..hawak niya parin ang kamay ko.

"Pero akong kasama niya, kaya ako ang maghahatid sa kanya" pilit ni Reden.

Bakit ang kulot ni Reden? Isa pang salita mo Reden sasabog na si Dawe..

"Hinayaan ko na nga na kumain siya na ikaw ang kasabay, ibigay mo sa akin ang karapatang ihatid siya" nagpipigil sa galit na sabi ni Dawe.

"Pero akong kasa----"

"Hindi pa ba sapat na dahilan na AKO ANG BOYFRIEND NIYA AT HINDI IKAW" malakas na sabi ni Dawe at diniinan ang bawat salita.

Pagkasabi niyon ay naglakad na siya at hila-hila ako.

End of flashback

Pagdating namin sa parking ng Condo ko ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.. tapos ay lumakad na siyang nauuna sa akin.

Ayokong ganito siya, napakatahimik. Nakakapanibago.. hindi ako sanay..

Tahimik siya hanggang sa sapitin namin ang pinto ng Condo ko.

"Pack your things baby, sa bahay ko na ikaw titira mula ngayon" bigla niyang sabi ng makapasok kami sa Condo ko.

Nagulat ako at hindi nakakilos sa sinabi niya.. nakakatitig lang ako sa mukha niya, napakasiryoso niya talaga..

"Kilos" nagulantang ako sa lakas ng pagakakasabi niya..

"O-oo sige" napatakbo nalang ako patungo sa kwarto ko at agad na kinuha ang maleta ko para mag impake..

Bwisit.. bwisit talaga.. tututol pa naman sana ako eh.. pero hindi ko na nagawa dahil sa ginagawa niya. Dahil guilty nga ako sa pagkakasama ko kay Reden ay hindi ko na nagawa pang kumontra sa kanya..

Lumabas ako ng kwarto ko bitbit ang maleta ko.. Agad na tumutok sa akin ang paningin niya..

Siryoso kong sinalubong ang mga mata niya.. hindi ko magawang ngumiti dahil alam kong hindi niya gagantihan ng ngiti ang ginawa ko..

ADANNA (completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя